“Okay!” sumagot na naman sila ng sabay. “We’ll bring Yuan for you!” Tinignan ko sila ng masama. Oo nga naman si Yuan lang ang nagpapagala sa akin. Lagi naman ganito kapag nag-a-outing laging kasama si Yuan para makasama ko. Ito lang ang nagiging dahilan nila para mapapayag si lolo.

“Mga second or third week ng April,” aniya James. O nagsasalita pa lang ang lalaking ‘to? Napatango silang lahat.

Papabukas na ang bibig ko nang biglang may pumasok na mga tao sa amin. “My Leigh!” napairap at napaupo ako sa couch nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.  Nagsitayuan naman ang mga pinsan ko at nagsimulang maglakad.

Tinignan nila ako ng isa at umalis na ng sala. Mag supportive na mga pinsan talaga sila! Mga bwisit! “

“My Leigh Scarlett!” sigaw pa ni Yuan at nilapitan ako. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Napaubo ako kaya kumalas agad siya ng yakap.  Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang si Yuan. “Meet Ms. Carla, siya ang magsusukat sa’yo at magdedesign ng gown mo,” pinatayo ako ni Yuan.

Ngumiti sa akin si Ms. Carla habang si Yuan preskong preskong nakaupo at pinagmamasdan ako. O God, napaiwas ako sa kanya at hinarap itong si Carla. “Sabi ni Sir Yuan ‘yung pinakamagandang gown daw ang bagay sa’yo and he’s right about it. You’re beautiful. And I like your body,” aniya Carla at sinukatan na ako.

Kinuha niya ‘yung sukat ng braso ko, ng bewang, ng dibdib at halos lahat na hata ng parte ng katawan ko. May sinasabi pa siyang ibang gowns na nagpanganga sa akin. Mga sampung gowns daw ang nirequest ni Yuan. Tinignan ko si Yuan pero nginitian niya lang ako. Inirapan ko nga siya.

Hindi naman naging matagal ang ginagawa ni Ms. Carla sa akin kasi sinusukatan niya lang ako at pinapili lang ng kulay sa ibang gowns. Pero sinabi ko bahala na siya. Since hindi ko naman choice ang pagpapakasal na ‘to wala rin dapat akong choice sa mga gowns. Bahala na sila. Sila may gusto nito e.

Nagpaalam na agad si Carla sa amin. At hindi pa talaga sumabay si Yuan sa kanya.

“Date tayo?” bigla akong napatingin kay Yuan.  Tinaasan ko siya ng kilay, “I’m just kidding okay? I have meeting with dad,” natatawa niyang sabi. Napabuntong hininga ako roon. Akala ko pa naman masusura na naman ako sa mukha ng chinese na ‘to!

“Sige una na ‘ko. Tell Gaile and Lucy na magpasukat sila bukas. Sinabi ko naman sa kanila kung saan ‘yung shop. Enjoy your day, my Leigh!” lalapit sana siya sa akin pero pinatigil ko siya. I know he wants to kiss me pero ayoko.

“No,” tinignan ko siya ng masama.

“Okay. I can still wait,”  aniya Yuan at tumalikod na. Tumalikod na rin ako para umakyat at tumungo sa kwarto ko pero papalakad na ako sa hagdan nang magsalita si Yuan, “I’m hoping that one day, you will love me the way I love you. Leigh, ginagawa ko ang lahat pero hindi ko kayang pakawalan ka,” napaharap ako sa kanya at napatingin lang sa likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Yuan, I can’t. I can’t.

Naglakad na ako paakyat papunta sa kwarto ko. Ano naman kayang gagawin ko ngayong araw? Si Chico nga kahapon ko pa hindi nakikita dahil hindi pa siya umuuwi. Si Carmela rin hindi na siya pumupunta rito sa amin dahil nga hindi na ako tumatakas at sumama sa lakad ng kambal ko. Pagkapunta ko sa kwarto ko napaupo agad ako sa kama. Hihiga na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.

May nagtext?!

Baka naman si Yuan na naman ‘to?! Ayoko nga! Kakaalis lang niya magtetext na agad siya? Napahiga na lang ako sa kama. Hay, pero mayroon sa akin na gustong makita ‘yung text na ‘yun. Parang kasing importante ‘yung text kung sakali.

Teka?! Kukunin ko na ba ‘yung phone ko sa cabinet o hindi?! Napaupo na lang ulit ako at kinuha na ang phone ko. Nanlaki ang mata ko sa number dahil hindi siya nakaregister sa contacts ko. Sino naman kaya ‘to? Wrong send ba? O talagang akin?

Nanginginig kong tinignan na ‘yung text.

From 0915*******

Hi, Scarlett!! How are you?

-Benj

Napalunok ako. Tatlong minutong na ang nakakalipas noong nagtext siya. Si Benj? Si Benj talaga ang nagtext sa akin? Parang nawalan ng lakas ang kamay ko at nabitawan ko ang phone ko sa kama.

Oh God! Tinext ako ni Benj! Oh God! Anong gagawin ko?!

Napahiga na ako at nagpagulong gulong sa kama. Tinext talaga ako ni Benj! Kinuha niya siguro ‘yung number ko kay Chico.  Kinuha ko naman ang phone ko kasi mga limang minuto ko nang dinadama ‘yung pagtext ni Benj sa akin.

To 0915*******

Okay lang. =)

 

Reply ko.

Titig na titig ako sa phone kung magtetext pa siya sa akin. Pero sampung minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply. Napasimangot ako. Baka busy? Baka nga?! Binitawan ko muna ‘yung phone ko. Panay tingin ko rito pero wala pa ring tumutunog. Iniba ko ang text message tone para mas madinig ko pero wala pa rin.

Gumabi na’t lahat pero wala pa rin. Nakauwi na rin si Chico at nasa kwarto siya ngayon. Hindi na hata magdidinner dahil antok na antok. Balak ko sana siyang tanungin about kay Benj pero hindi ko na nagawa.

Siguro hindi na ‘yung magrereply. Siguro busy. Siguro may kasamang iba. Siguro.

A! Scarlett! Ano ba ‘tong iniisip mo?! Para kang teenager diyan! Nakakainis ka! Matulog  ka na! Kanina lang emote na emote ka kay Yuan dahil sa pagpapakasal ngayon para kang sirang naghihintay sa isang text?! E mali ‘yun! Bawal!

Napapikit na ako at pinilit kong matulog na lang pero nabulabog ang buong sistema ko nang biglang tumunog ang phone ko. Nagmamadali akong tignan iyon at kumabog ang dibdib ko sa nakitang name sa screen.

From Benj

Good. I miss the most honest person I ever known right now. :P

 

Napanganga na ako sa nakita ko. Kumabog na ang dibdib ko at hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa realidad pagkatapos nito. Nilagyan ko na ng name ‘yung number niya.

Pero Oh God, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naghahalo sila ngayon and…and I caught myself smiling at his text to me. Nakakahiya man ito pero bahala na!

Damn, I really like you. And I miss you too.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now