Chapter 7 - MikMik

Comincia dall'inizio
                                    

"Uy concerned lang naman kami ni Mayang. Why the face?"

"Yan! Yang ang dahilan ng lahat!"

Napatigil sila sa paglalakad at tumingin sila sa direksyon kung nasaan ang mga mata ko.

"Si Mich? Bakit inano ka ni Baby Girl?"

"Bwisit sya! Kung di dahil sa kanya wala akong dilemmang ganito!"

"Why Booti? Magkakwentuhan lang kayo ni Mich kagabi ah? Anyare?"

"No, not Mich! The ugly guy who's walking with her!"

Kunot noong nagkatinginan ang dalawa kong kasama sabay balik ng tingin dun sa lalaking tinutukoy ko na kasama ni Michelle.

"Sino ba yan teh? Classmate mo din dati? Mukha namang pogi at mabait, tumatawa pa sila oh."

"Ay nako, Mayang. Mayabang yan! Yan ang may kasalanan bakit hindi ako nakakain kanina!"

Kung nakakapag produce lang ng mga arrows ang titig ko, malamang tadtad na ang likod ng mayabang na lalakeng ito. At teka, bakit magkasama sila ni Mich?

"Grabe yung lipad nung mga kutsilyo, Tin oh! Kita mo? Ang talim ng tingin ng kaibigan natin eh. Oh, ayan palipad na naman yung 4 na piraso. Oh, sakto sa batok ni kuya!"

Nagtawanan nalang bigla yung dalawa habang nagpatuloy at nakasunod padin kami sa paglalakad kay Mich at dun sa mayabang na lalake. Kung naiba-iba lang ang taong sinusundan namin, baka humagalpak narin ako ng tawa sa sinabi ni Mayang. Pero dahil si mister yabang ang pinaguusapan dito, mas nanaig ang bwisit ko sa kanya.

Tumigil bigla sa kanto ng Castro yung dalawang sinusundan namin. Bigla bigla ko namang hinatak yung dalawa para magtago sa likod ng isang kotseng nakaparada.

"And why are we suddenly hiding?"

"Ayokong magpangabot kami nung mayabang na yon. Baka isalaksak ko sa ngala ngala nya tong balat ng saging."

"Ay wow, hindi naman masyadong ramdam ang init ng ulo mo teh. Mga 76 lang ramdam ko."

Nagusap pa ng saglit si Mich at yung mayabang na lalake bago ko nakitang naglakad papuntang gym si Mich. Hindi parin umaalis si boy yabang kaya hindi din kami makaalis dito sa likod ng sasakyan.

"Teh, bakit ba kasi tayo nagtatago? Tara na! Baka ma-late tayo!

"Wait lang, paalisin muna natin yung mayabang na yon!"

Akma ng tatalikod si mister mayabang ng biglang sumigaw si Mich dahilan para lumingon muli ang lalake.

"Kib!"

Nakita kong kinawayan ito ni Mich bago muling tumalikod at naglakad na papunta sa building kung nasaan ang gym. May ilang segundo pa itong nag-stay sa kanto bago tumalikod.

"Hey, Des let's go. Why bother so much with the guy who's with Mich? Crush mo no?!"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Tin. "What?! OMG! Booti, no! I hate him! Di ko crush yan no?!"

"Eh kung di mo crush, bakit kailangan pa natin magtago? Kung naiinis ka sa kanya, bakit di nalang tayo direcho naglakad at inirapan mo. Tutal, pinana mo naman na ng 98 times kanina gamit yang titig mo."

"Basta, later! Tara na baka biglang bumalik!"

Nagmamadali na kaming naglakad papunta ng gym. Nilingon ko ang daang tinahak at nakitang naglalakad na ang lalaking tinawag ni Mich na "Kib" papalayo kung nasaan kami.

Hmm. So your name is Kib. Ugly name. Gaya ng mukha mo.

Hindi ko na namalayang nakarating na kami ng 7th floor kung asan ang volleyball courts dahil masyadong na-occupy ni mister yabang ang buong atensyon ko.

"Hello teh? Hanggang kelan mo balak tumambay jan sa loob ng elev? Naaabala sila ate oh."

Biglang bumalik sa present ang atensyon ko sa sinabi ni Mayang at humingi ng sorry dun sa ibang estudyanteng nakangiti lang habang inaantay akong lumabas ng elevator.

Dumirecho kami sa changing room para magpalit. Sakto namang wala pa si Itay at wala pa yung ibang team mates namin. May panahon pa kong mag relax at alisin sa isip ko ang naghalo halo ng kaba at inis.

Napaka right timing naman ni tadhana at saktong iniluwa naman ng changing room si Kianna. Nakangiti ito ng pilya sakin at kumindat. Nag hi lang ito at sinabihan kaming bilisan para makapag warm-up na.

Bakit parang may kakaibang aura yung ngiti ni Kianna? May dalang kilabot na hindi ko maipaliwanag. Naramdaman ko nalang na parang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako bigla makahakbang.

"Mamaya mo na isipin whatever it is that's bothering you. Mag-change ka na. Focus ka muna sa practice."

Hinatak na ko ni Tin sa loob para magpalit. Mukhang maeexhaust ako ng bongga ngayong araw na to. Bahala na nga.

---

UAAP Men's Basketball Finals Game 1 Later!
Animo La Salle!
Abang abang baka andun si Des para suportahan si Kibby! 👌😃

BestiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora