ACT 1: ARATANA HAJIMARI

94 0 0
                                    

Matapos ang madugong taon nila Ace sa Jose Pedro Dimahukay Academy ay hinarap ng magkakaibigan ang bagong hamon sa kanilang buhay. Tumungtong na sila sa kolehiyo. Si Frank at Elmerson ay kumuha ng kursong Architecture. Si Raisa naman ay nagpasya na maging abogada. Si Regine ay nagdoktor habang si Marian naman ay nagpasyang kumuha ng kursong Information Technology.

At si Ace????

Si Ace ay nagpasyang mag aral sa ibang bansa upang maging isang detective. Gusto ni Ace ng buhay na puno ng adventure at kapahamakan. Hindi daw masaya para sa kanya ang simpleng buhay lang.

Raisa's POV

Mabilis na lumipas ang dalawang taon ng magkagraduate kami sa Jose Pedro Dimahukay Academy. Naalala ko pa nung umalis si Ace para magpunta sa ibang bansa.

~~~~~FLASHBACK~~~~~

"Munchkin sana maintindihan ko ako, pangako pagbalik ko hinding hindi na ako lalayo sa tabi mo" - sabi ni Ace.

Niyakap ko siya. Hindi ko mapigil ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Tatlong taon lang ako mawawala. At isa pa may facebook at skype naman diba? Hinding hindi ako magbabago." - dagdag pa niya.

Hinalikan niya ako bago siya lumakad papalayo. Umalis siya ng wala man lang akong nasabi.

~~~~~End of Flashback~~~~~

Minsan lang siya mag open sa fb at madalang lang kami magkausap sa skype dahil busy kami pareho at palagi siyang may kasong nilulutas.

Napagpasyahan kong lumabas ngayong araw sa mall. At dahil sa tulala akong naglalakad ay isang babae akong nabangga.

Frank's POV

Nakarecover na kami sa mga nangyari nung high school pero hanggang ngayon ay di kami makarecover ni Elmerson sa pambihirang anak ng tipaklong na pilay na exam sa trigonometry.

"Frank sa tingin mo papasa tayo?" - tanong niya.

"Elmerson napakahina naman ng loob mo, si Sir Mendoza instructor natin dun. Alam mo naman na bakla yun diba? Isang kindat lang ni Tom Cruz dun nanginginig na wetpaks nun." - sabi ni Akishiro, ang bago naming kaibigan.

Si Akishiro Gomez, half pinoy half japanese. At si Jurial Tom Cruz, kalahating batanggenyo at kalahating espanyol.

"Aba'y bakit na naman ako nadamay diyam, eh ako'y nagawa ng assignment rine."- sabi ni Tom.

"Tama na nga yan. Tara kumain na lang tayo." - sabi ko.

Nagpunta kami ng canteen para magmeryenda.

Regine's POV

Breaktime namin kaya naisipan kong pumunta sa canteen. Walang pasok si ate ngayong araw. Malamang ay naggagala yun. Di rin naman niya nakakausap si kuya Ace dahil busy ito.

"Regine!" - may tumawag sakin galing likuran.

Hinanap ko kung sino iyon. Nakita ko si Marian. Iisang school lang ang pinapasukan naming lima. Pero syempre hindi pare-pareho schedule namin.

"O Marian wala kang klase?" - tanong ko.

"Wala eh, absent si Ma'am Gutierrez." - sagot niya.

"Tara samahan mo ko sa canteen. Nandun daw sila Frank eh." - sabi ko.

"Naku ikaw ha, miss mo agad si Frank." - pang iinis sakin ni Marian.

"Baliw! Tara na nga. Oy Sherry bilisan mo nga, nagugutom na ko." - sabi ko sa bago kong kaibigan na si Sherry Bermudez.

Ace's POV

Halos dalawang buwan na din ng huli kong makausap sa skype si Raisa. Mayroon kasi akong sinolve na kaso. Isang kaso ng pagpatay sa mag asawang Galvez. Hindi ko alam kung bakit sa akin lumapit ang nag iisa nilang anak upang humingi ng tulong. Naalala ko pa ang mga panahon na iyon. Awang awa ako sa kanya.

~~~~~FLASHBACK~~~~~

"Sir na-nakikiusap po a-ako. A-alam ko po-pong matutulungan nyo a-ako. Pilipino d-din po a-ako. Ka-kaya alam k-kong tu-tulungan nyo a-ako." - umiiyak na sabi nito.

"Sige sabihin mo sakin lahat at gagawin ko lahat ng makakaya ko." - sagot ko.

Ikinuwento niya sakin ang lahat ng kanyang nalalaman. Lahat ng maaring may galit sa pamilya niya at lahat ng pwedeng maging suspek. Bago siya umalis ay sinabi niya ang pangalan niya.

"Ako po si Florensia Galvez sir Crow. Nabasa ko lang po sa diyaryo ang pangalan ninyo. Alam ko po na napakahusay ninyo kaya sa inyo po ako lumapit. Oras na malutas po ang kaso ay uuwi na ako sa pinas upang sa mga lola ko na manirahan. Magbabayad po ako ng kahit magkano mabigyan lang ng katarungan ang aking mga magulang." - sabi nito.

Bakas sa mga mata niya ang poot at galit. Ang mga matang ayaw ko ng makita pa. Ganoong ganoon ang mga mata ni John Fraud. Ang aking kapatid.

~~~~~End of Flashback~~~~~

Di ko lubos maisip na hanggang ngayon ay naaalala ko pa din ang lahat. Si Frank, siya ang pumatay sa kapatid namin. Pero hindi ko rin siya masisi. Gusto lang niyang mabuhay. Gusto lang niyang protektahan ang lahat ng mahalaga sa kanya.

"Crow, you have a mail here with a box." - sabi nung guwardiya sa department namin.

"From who?" - tanong ko.

"I don't know. Here, I think it's from a friend."- sagot niya.

"Ok. Thank you." - sabi ko.

Tiningnan ko yung kahon. Hindi naman ito kaduda-duda. Kaya binuksan ko. Isang pabango ang laman. Kinuha ko yung sulat at binasa.

(Dear sir Ace "Crow" Reaper,

Maraming salamat po sa paglutas ninyo sa kaso ng aking mga magulang. Siguro po ay nasa pinas na ako sa mga oras na makuha nyo ito. Sinabi ko po sa kaibigan ko na ipadala itong regalo isang linggo bago ako makauwi ng pinas. Dahil alam ko di nyo na naman ito tatanggapin. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan sir. Marami po akong natutunang aral sa inyo. Sana po ay marami pa kayong matulungan. Dito na po ako magpapatuloy ng pag aaral at balak ko rin pong maging detective kagaya ninyo. Gusto ko din ng adventure at panganib pero hindi pa ko handa. Sir sana po ay magkasama tayo sa isang kaso. Maraming maraming salamat po.

Florensia)

Napakamot ako sa ulo ng binasa ko ang sulat. Hindi ko akalain na gagawin pa niya ang ganitong bagay. Namiss ko tuloy si Raisa.

Author's Note:

HAPPY BIRTHDAY BHEM FLORENZE GARGANERA. Eto na po yung request mong part 2 medyo matatagalan nga lang pag update nito. At maraming salamat nga pala sa sumubaybay ng part 1. Sana magustuhan nyo din itong part 2. :D

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon