ACT 9: THE LIST

29 0 0
                                    


Frank's POV

Kinabukasan ay nagpunta kami ni Elmerson sa canteen. Kasama namin si Tom at Akishiro. May inabot na sulat yung janitor sa amin.

"Kanino to galing manong?" - tanong ko.

"Eh may nagbigay lang." - sagot ng janitor.

Binuksan ko ang sulat at binasa.

(Sa ganap na ika-labing anim ng agosto ay magkakaroon kayo ng trip papunta sa isang isla, pili lang ang mga pupunta. Ang hindi pumunta ay mamamatay, pero sa ngayon ay di ko muna papatayin ang mga nasa listahan ni Kuro, kayo na ang bahala kung kaya niyo akong hulihin.)

Iyon ang nasa sulat. Hindi ko alam kung bakit pero sila Elmerson daw ay may natanggap na ganitong sulat.

"Frank ano ang ibig sabihin nito? May killer sa school?" - tanong ni Akishiro.

"Meron." - sagot ko.

"Ala eh kailangan masabi na ito sa pulis. Baka tayo'y mamatay na rine eh." - sabi ni Tom.

"Di pwede, delikado ang buhay natin. Kailangan natin ang makasurvive" - sabi ni Elmerson.

Tinawagan namin ang iba para tanungin kung meron din sila.

Someone's POV

Hindi ko alam kung bakit may nakuha akong sulat sa locker ko. Pati yung ilan sa classmate ko ay meron. Ano kaya ang gustong gawin ng pinuno namin. Gusto ko rin malaman ang tungkol sa listahan.

Darrel's POV

Kasama ko sila Jay at Ryan sa hallway. Nakita namin si Florensia kaya nilapitan namin ito.

"Florensia, pwede ka ba sumama samin na magkape?" - tanong ni Jay.

"Ayoko!" - masungit na sagot nito.

"Tara na." - sabi ko tapos ay hinila ko siya.

"Ano ba nasasaktan ako!" - sigaw nya.

Habang naglalakad kami ay may sumuntoksa akin.

"Di ninyo ba narinig ang sinabi niya?" - tanong nung Ace.

May tapal na ng benda ang isang balikat niya. May mga tama pa din siya sa mukha dahil sa mga suntok namin kahapon. Pero ang lakas pa din niyang sumuntok.

"Ano ba problema mo?" - tanong ni Jay.

"Wala naman. Ayoko lang hinahawakan nyo ang assistant ko." - sabi nito tapos ay hinila niya paalis si Flor.

Wala kaming nagawa dahil ayaw na din namin makipagtalo sa tao na yun. Kakaiba kasi ang mga mata nya pag tumingin. Walang halong takot.

Raisa's POV

Nakatanggap din kami ng sulat na kagaya ng sulat ni Frank. Kaya nagpunta kami sa canteen. Napansin kong meron din si Josh, Jeff at Janine. Kasama ko si Janine na pumunta ng canteen pero dumaan muna kami ng C.R. dahil gusto daw magpulbos ni Janine.

"AAAAAAAAHHHHHHHH!" - sigaw ni Janine.

Paglapit ko ay may nakita akong bangkay na nasa kuwarto. Wala na itong lamang loob at may mga maliliit din na bakas ng paa.

"Ra-Raisa!" - takot na sabi ni Janine.

Mabilis na dumagsa ang mga estudyante. Halos masuka na ang iba. Bigla akong nakaramdam ng pagbigat ng katawan ko. Umikot ang paningin ko at unti-unting lumabo ang paligid.

Mishaki's POV

May natanggap kaming sulat nila Marian at Roxanne. Di ko alam kung para saan pero kinilabutan ako. Ang sabi ni Marian ay may natanggap din daw ang bf nya na ganitong sulat. Ibig sabihin lang ay nasa listahan kami nung Kuro na sinasabi sa sulat.

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon