ACT 10: LET'S PLAY THE CROW

20 0 0
                                    

Frank's POV

Nagtataka ako sa mga nangyayari. Di ko alam kung paano o ano ba talaga ang sumpa na sinasabi ni kuya.

"Frank matanong nga kita. Ano ba ang sumpa na iyon?" - tanong ni Akishiro.

"Isa-isang namatay ang mga kaklase namin noong nasa high school pa lang kami. Anim lang kaming natira. Ang akala ko ay tapos na ito" - sagot ko.

Bakas sa mukha nila ang takot. Di ko alam kung bakit pati ako ay natatakot pa gayong sinagupa na namin ang ganitong sitwasyon.

"The one who plays the game will die." - sabi ng isang babaeng nakatayo sa bintana.

"Ano?" - tanong ni Elmerson.

"Teka miss wag kang tatalon." - sabi ni Tom.

"The Crow will lead all of you to hell. Because he play the game. As I will shall burn in hell. Act 1: The life is too short, specially those who seek the answer, One will live, one will be a traitor and the other one will be a hero." - sabi ng babae tapos tumalon ito sa bintana.

"Act 2: The gift of the hell will burn down the earth, and the path for eternal sorrow will live forever for those who survive the game." Act 3: The one will kill the hero and the hero will save the one, but the one who lives will taste the greatest pain. Act 4: No one will give the answer to those who seek, they shall turn into the mountain's peek, and that time the gift of hell will speak. Act 5: The games end for the three that plays the game. The life of all who seek the answer will not be the same. That one who lives will take the shame, as it follow the way to the eternal sadness and feel the forever pain." - sabi ni kuya.

"Ano ba yang sinasabi mo bok?" - tanong ni Elmerson.

"Isang tula tungkol sa isang sumpa ng tatlong taong malapit sa isat isa. Ginawa itong play sa australia. Ang istorya ay umibig ang isang babae sa dalawang magkapatid na lalaki. At bandang huli ang bunsong lalaki ang pinili ng babae ngunit nalaman nila na sila pala ang magkapatid. Dahil sa galit ng panganay binalak niyang patayin ang babae ngunit nagsakripisyo ang naging kapatid niya sa loob ng mahabang panahon. At pagkatapos ay nagpakamatay ito. Namuhay ng may pighati ang babae hanggang sa siya mismo ang kumitil sa buhay niya." - pagkukuwento ni kuya.

"Pero ano ang kinalaman nito?" - tanong ko.

Hindi sumagot si kuya. Bagkus ay nagmadali siyang umalis.

Raisa's POV

Biglang bumukas ang pinto ng clinic. Si Ace ang bumungad sa amin ni Flor.

"I will play the game for both of you." - sabi ni Ace.

Di ko maintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Ano ba sinasabi mo?" - tanong ko.

"Hindi lang tayo ang tao sa kuwartong ito. Pero hindi ko sigurado kung tao ba talaga sya." - sagot ni Ace.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Napahawak sakin si Flor. Halatang takot din siya.

"Pinahanga mo ko, paglalaruan muna kita. Masosolve mo kaya ang tula?" - tanong ng isang babaeng bigla na lang lumabas kung saan.

"Kaya ko. May isang kulang sa tula. Ang totoo hindi iyon magkakasunod. Act: 3 The Crow goes round to the three of them. But they ignore it and act like it would be the same, the three of them played the game, until one of them feel the pain." - sabi ni Ace.

Di ko sila maintindihan. Biglang tumawa yung babae ng nakakakilabot.

Jay's POV

May biglang nahulog mula sa taas. Isang babae ang tumalon sa bintana. Nakakakilabot.

"Pre ano ba nangyayari?" - tanong ni Darrel.

"Malay ko." - sagot ko.

"Ano balita sa panliligaw mo?" - tanong ni Charlotte.

"Wala pa, abala yung Ace na yun. Sana mamatay na sya." - sagot ko.

"Patayin natin." - sabi ni Ryan.

"Pwede rin. Namumuro na sakin yun eh." - sagot ko.

Nagplano kami kung paano mapapatay si Ace. Kabilang sa plano namin ang babuyin ang kasintahan ni Ace bago sya patayin. Paglalaruan muna namin siya.

Ace's POV

Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi tao ang kausap ko sigurado yun. Napakalamig ng boses niya. Ganito ang nararamdaman ko noong nakausap ko si Sophia.

"Isang tanong pa. Alam mo ba kung ano ako?" - tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Maaaring pagnagkamali ako ay katapusan na ng isa sa aming tatlo.

"Ikaw ang sumpa. Alam ko ikaw ang tunay na may ari ng anito. At hindi ka tao. Di ko alam kung ano ka ba talaga pero di ako papayag na may saktan ka sa mga kaibigan ko!" - bigla na lang lumabas ang galit sakin at nakapagsalita ako ng hindi nag iisip.

"Wag kang mag alala. Ako ang bantay mo Crow. Sa akin ka mapupunta pagkatapos ng tula. HAHAHAHAHA!" - sabi nito at unti-unting naglaho.

Malakas ang kutob ko na isa ako sa gaganap sa tula. Pero malabo kung iisipin dahil hindi pwedeng maging magkapatid si Raisa at Flor. Alam ko ang pinagmulan ni Raisa. Malabo talaga.

Elmerson's POV

Pinuntahan ko si Marian para kausapin.

"Mahal sa tingin mo anong pwede nating gawin?" - tanong ko.

"Ano pa ba eh di lumaban. Tao man o hindi ang kalaban natin may pag asa pa rin tayo. Nalampasan na natin ito kaya kaya natin. Basta magkakasama tayong lahat." - sagot ni Marian.

Tama sya. Kaya namin tong tapusin. Tulad ng dati magtutulungan kami.




Author's Note:

Sorry sa matagal na update. Busy na masyado. At sorry sa taong di ko na nabibigyan ng panahon. Sana kahit paano mapasaya kita sa update na ito. Salamat po sa sumusubaybay at sa nagvote sa part 1. Godbless you all.

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)On viuen les histories. Descobreix ara