ACT 3: JINSEI WA MIJIKA SUGIRU-II

39 0 0
                                    

Raisa's POV

   Nagising ako at nakita ko si Regine na umiiyak. Inilibot ko ang mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakita kong malungkot ang mukha nila Elmerson, Marian at Frank.

"O bakit ganyan kayo?" - tanong ko.

"Ate bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?! Bakit kailangan mong itago ang lahat?!!" - galit na tanong ni Regine.

Hindi agad ako nakapagsalita. Naalala ko yung minsan nagpacheck up ako last year dahil may mga pasa akong nakikita sa katawan ko.

           ~~~~~~FLASBACK~~~~~

   Nagpunta ako sa malapit na ospital sa school dahil sa mga pasa ko.

"Hija may sakit kang lukemia. Kailangan mong magpachemotherapy at mapalitan ang dugo mo kung hindi ay magiging malala ito." - sabi ng doktor.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Malaki ang gagastusin namin sa pagpapagamot kaya naisipan kong ilihim ang lahat. Ayokong maging pabigat sa mga magulang ko at lalong ayokong mag alala si Hero. Kaya minabuti kong itago na lang.

        ~~~~~End of Flashback~~~~~

"Regine magiging ok din ang lahat." - nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tama si ate Raisa. Kaya Regine wag kang malungkot. Malalampasan nya rin ito." - sabi ni Frank

Hindi na ako nagsalita pa. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto mg mga oras na iyon.

Florensia's POV

   Pagdating ko sa bahay ay nahiga ako sa sofa. Napansin kong may kausap sa telepono si lola. Di ko na lang ito pinansin. Nakinig na lang ako ng music sa cp ko.

"Apo may pupuntahan lang ako ha." - sabi ni lola.

"Sige po, gusto nyo po samahan ko kayo?" - tanong ko.

"Wag na. Kaya ko na ito. Diyan lang ako sa kabilang bahay." - sabi ni lola.

Nginitian ko lang siya. Tiningnan ko ang mga libro sa ibabaw ng lamesa. Di ko alam kung ano ang mga iyon. May ilang mga year book ng school na Jose Pedro Dimahukay Academy.

Tiningnan ko ang isa sa mga ito. Masasaya ang mga mukha ng mga estudyante. Nung makita ko ang huling section sa year book ay nakita ko ang mukha ni sir Ace. Pati ang mga classmate niya. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit anim lang sila.

"Wag mong galawin yan." - sabi ng pinsan ko na si Charlotte Anne De Guzman.

"Bakit may year book ka nila sir Ace?" - tanong ko.

"Pareho kami ng school nung high school. Bakit mo kilala si Ace?" - tanong niya.

"Siya ang lumutas ng kaso nila mama." - sagot ko.

"Kung ganoon magaling pala talaga siya." - sabi ng pinsan ko sabay tawa.

Hindi ko alam kung bakit siya natawa. At kung bakit interesado siya kay sir Ace.

Regine's POV

   Dalawang araw matapos ang pagkakaospital ni ate ay inilabas na siya sa ospital. Pero kailangan niyang magpachemo therapy.

"Raisa sundin mo na ang doktor para gumaling ka." - sabi ni yaya Maring.

Tumango lang si ate. Maya maya ay may nagdoorbell.

"Ako na ang magbubukas." - sabi ni yaya Maring.

"May inaasahan ba kayong bisita?" - tanong ni Frank.

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Where stories live. Discover now