ACT 8: THE ANSWER

35 0 0
                                    

Florensia's POV

Hinalikan ako ni Ace. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at nagpaubaya ako. Napayakap ako sa kanya ng may marinig kaming sunod sunod na putok ng baril.

"Flor dito ka lang at wag kang lalabas." - sabi niya.

"Sasama ako, magkasama na tayo simula ngayon. Di kita iiwan Ace." - sabi ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. Ilang segundo din siyang nakatitig sa akin ng makarinig na naman kami ng putok ng baril.

Sumilip kami sa bintana. May dalawang taong nakahandusay sa daan. Nagmadali kaming bumaba. Pagbaba namin ay may mga rumespondeng pulis na.

"Hi-hiro?" - gulat na sabi ni Ace.

"Kilala mo sya?"- tanong nung pulis kay Ace.

"Opo, kaibigan ko ho siya. Hindi ko kilala kung sino yung kasama niya." - sagot ni Ace.

"Ang isang ito ay si Ronaldo Punongbayan. Kilalang pusher. Malamang ay droga ang dahilan nito." - sabi nung pulis.

Tinanong ng mga pulis ang ilang saksi. Kami naman ni Ace ay bumalik na sa taas upang mag usap.

Shi's POV

Mga tanga talaga sila. Kailangan kong tapusin lahat ng makakatulong kay Ace. Ang problema ko ay yung Sonny na detective dahil nasa ibang bansa ito. Dapat ay maitumba din namin siya.

Ace's POV

Nagtaka ako kung bakit nasangkot sa droga si Hiro. Wala itong balak pasukin ang mundo ng droga. Kahit ilegal na nagbebenta siya ng baril at patalim ay di nito magagawang pasukin ang droga.

"Ace?" - tawag ni Flor.

"Pasensya na. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari. Pero sigurado akong killer ang may gawa nito. Di papasukin ni Hiro ang pagtutulak ng droga." - sabi ko.

"Pero bakit pati siya idadamay?" - tanong ni Flor.

"Isa lang ang sagot jan. Alam ng killer na makakatulong si Hiro sakin. At isa pa pinatay din nila si nurse Mae. May gustong sabihin sa akin si nurse Mae pero di niya ito nagawa." - sagot ko.

"Kung ganoon kailangan natin ng makakatulong." - sabi ni Flor.

"Hindi na. Tatawagan ko na lang si Frank. Buksan mi yung pc at makikipagskype tayo sa kanila. Delikado ng lumabas pa tayo." - sagot ko.

Tumango si Flor bilang tugon sa sinabi ko. Ginamit ko yung laptop ko para magsearch habang tinatawagan si Frank.



Marian's POV

Habang nagsesearch kami ay tumunog ang cp ni Frank.

"Si kuya." - sabi nito.

"Sagutin mo na." - sabi ni Elmerson.

"Hello? Kuya nasaan ka?" - tanong ni Frank.

"Nasa dati ko tinirahan. Buksan mo skype nyo. Mag usap tayo." - sabi ni Ace.

Narinig namin dahil niloud speaker ni Frank yung cp nya.

Pagbukas ng skype ay si Flor ang nakita namin. Nagtaka kami kung bakit magkasama sila.

"Flor nasaan si kuya? Tsaka bakit magkasama kayo?" - tanong ni Frank.

"Wag muna yan ang isipin nyo. Si Hiro na kaibigan ko ay patay na. Malamang killer ang gumawa nito. Isang tabi nyo muna ang mga iniisip nyo dahil delikado tayo." - sabi ni Ace.

Napansin kong seryoso ang mukha niya. Talagang kakaiba ang nangyayari ngayon. Mas nakakakilabot kaysa nung high school kami.

Frank's POV

Seryoso masyado si kuya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Bardz search nyo yung 1917 Philippine Cult." - sabi ni kuya.

Sinunod namin ang sinabi niya. Kinilabutan kami dahil nakita namin ang anito sa mga lumang litrato.

"Ace ito ba yung anito?" - tanong ni Marian.

"Oo, hindi pa din binubura sa net yan. Sinearch ko yan makalipas ang ilang buwan ko sa ibang bansa. Dahil gusto kong malaman kung totoo ba talaga ang sumpa." - sagot ni kuya.

"Eh Bok pano natin malalaman kung yung anito nga sa litrato ay yung anito na may sumpa?" - tanong ni Elmerson.

May punto siya. Maaaring magkamukha lang ito.

"Yan ang aalamin natin. May kilala akong makakatulong satin. Sigurado akong alam niya ito." - sagot ni kuya.

"Sino?!" - sabay-sabay naming tanong.

"Si Rendel." - sagot ni kuya.

Di namin alam kung ano ang alam ni Rendel. Basta sigurado si kuya na si Rendel ang makakatulong sa amin.



Author's Note:

Sorry kung natagalan mag update. Busy na masyado eh. Sorry din sa mga typo error. Pasensya na tao lang. Salamat at keep safe sa mga readers

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Where stories live. Discover now