ACT 6: Seeking for the Truth

47 0 0
                                    


Ace's POV

Habang nilalagyan ko ng panyo ang sugat ko ay naalala ko ang bangkay ni nurse Mae. Nagmadali akong puntahan ito. Pagbalik ko doon ay wala na ito.

"Hero?" - tawag sakin ni Raisa.

Alam kong siya iyon. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Magiging ok din ang lahat." - sabi ko.

"Hero kung mamamatay ako wag ka matakot magmahal ulit ha." - sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan. Nakaramdam din ako ng inis dahil sa mga sinabi niya.

"Sira ka na ba?! Ano bang sinasabi mo?! Di ka mamamatay tandaan mo yan! Hindi ko hahayaang mamatay ka Munchkin!" - galit na sabi ko sa kanya.

Nakita kong napaluha siya. Dumating sila Frank. Napansin kong parang kinakabahan sila.

"Kuya sumama ka samin." - sabi ni Frank.

Sumunod kami ni Raisa sa kanila. Nagulat ako sa nakita ko dahil nasa taas ng nasunog na room ang anito. At nandoon ang bangkay ni nurse Mae. Nakatusok ito sa bakal.

Jay's POV

Kasama ko si Darrel at Ryan sa canteen. Wala kaming pakialam kung ano man ang nangyayari sa school.

"Pre diba type mo si Raisa?" - tanong ni Ryan.

"Lahat naman gusto nyan." - sabay ni Darrel sabay tawa.

"Kahit sino pa yan kaya kong pasagutin." - sabi ko.

"Di nga?" - tanong ni Ryan.

"Oo." - sagot ko.

"Sige pustahan tayo. Bagong lipat dito yung pinsan ni Charlotte. Kung talagang matinik ka pasagutin mo ng tatlong linggo. Isabay mo na si Raisa." - sabi ni Darrel.

"Deal!" - sabi ko.

"5000?" - sabay nilang tanong.

"Sige call ako." - sabi ko.

Umalis kami sa canteen para umpisahan ang pustahan.

Florensia's POV

Hanggang ngayon ay di ko malimutan ang nangyari. Halos mamatay na ko sa ginawa ko. Hindi dapat ako nagpadalos-dalos.

"Flor, bakit may dugo ka?" - sabi ni Charlotte.

Nagulat ako dahil di ko napansin na nasa tabi ko na pala sya.

"Ah, kasi may nasugatan doon natalsikan ako ng dugo." - pagpapalusot ko.

Tiningnan ko ang mga mata niya. Parang wala itong buhay. Malamig ang mga tingin niya sa akin.

"Mag iingat ka Flor. Nag uumpisa na ang sumpa." - sabi niya tapos ay nakangiting umalis.

Naguguluhan ako sa kanya. Alam kong hindi siya yung babae kanina. Pero anong nalalaman niya sa sumpang iyon?

Raisa's POV

Napansin kong takot na takot sila. Hindi ko akalain na makikita ko ulit sila na ganoon.

"Ate paano na tayo?" - tanong ni Regine.

"Wag ka mag alala. Ako ang bahala sayo. Walang mangyayaring masama." - sabi ko.

Nakita kong napatingin si Hero sakin. Ang mga mata nya. Hindi na kagaya ng dati. Nawala na ang mga matang handang mamatay para lang samin. Nakikita kong natatakot siya sa pwedeng mangyari.

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Where stories live. Discover now