ACT 2: JINSEI WA MIJIKA SUGIRU

51 0 0
                                    

(You Only Live Once - Mitch Lucker)
("Maiksi lang ang buhay ng tao, kaya gawin mong pinakamasaya ang bawat araw na kasama mo ang mahal mo. Dahil malalaman mo lang ang halaga nito oras na bwiin na ito sayo")

Raisa's POV

Muntik na akong matumba dahil s pagkakabangga ko sa babae. Nakatingin siya sa akin na parang nagulat.

"Ate pasensya na." - sabi nito.

"Ah, ok lang te." - sabi ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

Elmerson's POV

Nasa canteen kami nila Frank. Nag aalala talaga ako sa maaari kong maging grade sa trigo. Mahina kasi ako sa math.

"Elmerson mahal anong iniisip mo?" - tanong ni Marian.

Alam kong si Marian iyon kaya nagulat ako.

"O bakit di ka pumasok?" - tanong ko.

"Wala kaming instructor eh." - sagot niya.

"Balita kay kuya Ace, Frank?" - tanong ni Regine.

"Wala pa din eh, baka tumawag na yon alin man sa mga araw ng linggong ito." - sagot ni Frank.

"Nakakamiss din si Bok." - sabi ko.

Tapos ay sabay sabay kaming nagtawanan.

Ace's POV

Dahil sa wala naman akong gagawin ay napagpasyahan kong tumawag kay Raisa.

(Calling Munchkin......)

"Hello, kamag anak po ba kayo ng pasyente." - sabi nung nasa kabilang linya.

"Pa-pasyente?" - gulat kong tanong.

"Opo, nasa ospital po siya ngayon at kasalukuyan na sumasailalim sa pagsusuri." - sabi nito.

"A-ano pong na-nangyari?" - kinakabahan kong tanong.

"Ayon sa dalagang nagdala sa kanya ay bigla na lang daw itong hinimatay matapos siyang mabunggo." - sabi nito.

"Ah pakitawagan na lang po ang nagngangalang Regine sa phonebook nya. Sige po magpapaalam muna po ako sa chief namin upang makapunta agad jan" - sabi ko sabay baba ng linya.

Nagmadali akong kausapin ang chief ko at nagpaalam na may emergency. Nagpabook agad ako ng ticket pabalik sa pinas.

Regine's POV

May tumawag sa akin at sinabi na nasa ospital daw si ate. Nagmadali akong umalis. Sumama sila Frank sa akin.

"Alam na kaya ito ni kuya?" - tanong ni Frank.

"Hindi pa siguro, tawagan mo na." - sabi ni Elmerson.

Tinawagan nga ni Frank si kuya Ace. Ako naman ay hindi mapalagay dahil sa nangyari kay ate.

"Wala, hindi nagriring ang cp nya. Kahit sa landline sa bahay niya ay wala din sumasagot." - sabi ni Frank.

Nang makarating kami sa ospital ay nagmadali kaming puntahan ang kwarto ni ate.

Someone's POV

Hindi ko alam kung sino ang Ace Reaper na sinasabi ni Shi. Pero gusto nya daw itong subukan sa isang laro. Nabalitaan kasi nya na ito ang pumaslang kay Jonathan Samaniego. Ang matandang yun talaga ay sadyang tanga. Masyado siyang hayok pumatay.

Pero si Shi ay iba. Kaya humiwalay kami kay Jonathan dahil padalus-dalos ito. Mas gusto ko mag isip si Shi dahil talagang planado ang bawat aksyon niya.

"Noroi, nakita mo ba ang aking kambing na si Jigoku?" - tanong ni Shi.

"Hindi, malamang ay nasa paligid lang yun. May alam na akong makakatulong sa atin." - sabi ko.

Nakita kong napangiti siya. Tinitigan nya ako. Ang mga mata niya ay parang mata ng demonyo. Tapos ay tumawa siya na parang nasisiraan na.

"Magiging masaya ang pakikipaglaro natin kay Kuro (Ace) HAHAHAHAHAHA!!" - sabi niya at tuloy pa din ang pagtawa nito.

Someone's POV

Dinala ko sa ospital yung cute na babaeng nakabunggo ko sa mall. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakita ko na ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Dok ano po lagay ni ate?" - tanong nung kararating na babae na kamukha nung pasyente.

"Kinalulungkot ko pero wag sana kayong mabibigla. Matagal na siyang may sakit na lukemia. Malala na ito. Malamang ay tinatakpan niya lang sa pamamagitan ng make up ang mga pasa niya." - sabi ng doktor.

Napaluha yung babae. Hindi niya alam na may malubha ng karamdaman ang siguro'y kakambal niya dahil nga magkamukha sila.

"Miss ikaw ba ang nagdala sa kaibigan namin?" - tanong nung lalaking may kwintas na baligtad na krus ang pendant.

"Ako nga." - sagot ko.

Tinitigan ko sila. Halos lahat sila ay pamilyar ang mukha sa akin. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko ito nakita.

"Maraming salamat ha. Ako nga pala si Frank Reaper. Ang babaeng dinala mo ay si ate Raisa at ito ang kakambal niyang si Regine. Ito naman sila Elmerson at Marian." - sabi nung Frank.

Nagulat ako dahil kaapelyido nya si sir Crow. Kaya inisip ko kung magkapatid ba sila.

"Miss bakit natulala ka?" - tanong ni Frank.

"Ah wala, sige aalis na ako. Mag ingat kayo lagi ha." - sabi ko.

"Te-teka lang, pwede ko ba malaman pangalan mo?" - tanong nung Regine.

"Florensia." - sagot ko tapos ay umalis na ako.

Hanggang sa pag uwi ko ay iniisip ko pa din kung saan ko sila nakita.

Author's Note:

Alam ko po na masyadong matagal ang pag update ko. Pasensya na po dahil may iba din po kasi akong pinagkakaabalahan. Pero susubukan ko po na mapabilis ang pag update nito. Maraming salamat po.

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Where stories live. Discover now