Chapter 18: Friendship over Lover

152 17 1
                                    

"B-brye? A-anong gagawin natin?" Mahina at nanginginig na tanong ko. Humawak ako sa hem ng damit nya sa likod.

"Hahanap tayo ng daan."

"P-pero pano yun? yung ano.. Tapos.. sya.." Kinakabahang sabi ko saka tinuro yung lalaki na nakakadena na ngayon at nakatingin parin sa amin ng may nagtatakang tingin.

"Don't worry, makakaalis tayo dito." Paniniyak nya kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

Hinawakan ako sa kamay ni Bryan at iginiya papunta sa kung saan, hindi namin alam kung anong lugar ito kaya medyo kinakabahan ako, baka hindi lang kaming tatlo ang nandito, baka may iba pang zombie na nakatago. Hindi pa man kami nakakatatlong hakbang ay may nagsalita na kaya sabay kaming napahinto.

"That is not the right way." Gulat na napalingon ako sa lalaking nagsalita, at ramdam kong maging si Bryan ay ganon din.

Nakatingin sya sa amin at wala paring pagbabago ang reaksyon ng kanyang mukha.

Teka.. Nagsalita sya.. Ibig sabihin hindi sya Zombie?

"T-tao ka?" Pigil ang hiningang tanong ko.

"Yeah, I'm still human, s-sort of."

"Eh?"

"Tell me, how can we get out here." Hindi yun tanong, kundi isang utos mula sa lalaking katabi ko ngayon na mahigpit na ang hawak sakin.

"Hindi nyo manlang ba tatanungin kung sino ako?" Malumanay ang pagkakasabi nya pero may diin. Batid 'kong may gusti syang sabihin.

"How can we trust.. You?" Diretsyong sagot ni Brye na tinignan pa yung kaninang paa ng tao na dala dala ni Queenie.

"She's my fiancè." Biglang sabi nya kahit na hindi naman tinatanong.

"W-who?" Pigil ang hiningang tanong ko.

"Yung babaeng galing dito kanina."

"If you don't mind asking, w-what are you? Bakit nasa ganyang ayos ka? Bakit kumakain ka ng laman ng t-tao? Bakit ka nandito? bakit.. b-bakit.." Napabuntong hininga nalang ako dahil kahit ako ay hindi alam ang mga dapat itanong.

"Like what i've said, she's my fiancè, kaya nya ako dinala dito ay para itago, habang hindi pa ako bumabalik sa dati."

"Sa dati?" Gulong-gulo na talaga ako, ano ba talagang nangyayari? Bakit parang habang tumatagal imbis na masagot nya ang mga tanong ko parang lalong nadadagdagan yung mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Napatingin ako kay Brye na tahimik lang na nakikinig, nakatingin lang sya dun sa lalaki.

"Ang buong akala nya, tuluyan na akong namatay, kaya gusto nyang matapos ang formula ng antidote na makakapag pabalik sa akin sa dati, itinago nya ako dito habang hindi pa iyon lubusang natatapos."

"Pero paanong ang akala nya patay kana? Magkausap lang naman kayo kanina."

"Ang akala nya ay agad na tumalab yung chemical na naiturok sakin noon."

"You mean, hindi ito tumalab sa katawan mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Actually tumalab na, at unti-unti na itong lumalason ngayon sa katawan ko." Nakita ko syang malungkot na ngumiti kaya ramdam kong may parang kamay na humaplos sa puso ko.

"Until when?" Si Brye.

"Hanggang sa marealize nya na hindi na tama ang ginagawa nya." Tuluyang pumatak ang nagbabadyang luha mula sa mga mata ko.

So ibig sabihin matagal nya ng nilalabanan ang gamot na nakadikit na sa katawan nya. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam at ibig sabihin ng pagmamahal na tulad ng sa isang relasyon, dahil ni hindi ko pa ito nararanasan.

Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now