Chapter 4: Newfriends

297 26 1
                                    

Tahimik lang akong nakaupo at nakikiramdam sa 'kanya, kanina pa sya ganito, nakaalerto lang ako kung sakali man may gawin sya sa akin. Seryoso lang syang nakaupo sa kabilang couch habang ako naman ay nakatitig lang sa 'kanya, medyo natatakot pa din ako dahil ni hindi ko sya kilala at nagtataka parin kung anong ginagawa nya dito sa bahay namin.

Nakakabingi ang katahimikan, Ilang minuto pa ang lumipas at wala parin syang ginagawang kakaiba maliban sa pagupo nya at pagtunganga. Naramdaman ko na hindi sya masamang tao kaya napagdesisyunan ko na umupo sa upuang nasa harap nya nung masigurong hindi sya gagawa ng bagay na ikakapanakit ko, mukha naman wala syang gagawing masama sakin.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nya pero tulad kanina ay nakatingin lang sya sa kung saan, tiningnan ko naman yun, pader lang naman yun ah, ano kayang iniisip nya?

"W-who are y-you?" Nauutal kong tanong, hindi sya sumagot kaya napabuntong hininga ako. Tumingin sya sakin ng blangko parin ang itsura saka tumayo at nakapamulsang naglakad palabas ng pinto. "H-hey!" Habol ko sa 'kanya, huminto naman sya sa paglalakad ng hindi ako nililingon. "Pipi kaba? Or bingi?" Lumingon sya sakin saka muling naglakad.

"Tch."

Hinabol ko sya at hinawakan sa braso. Tumingin sya sakin bago sa kamay kong nakahawak sa kanya agad naman akong napabitaw.

"S-saan ka pupunta?" Tinaasan nya lang ako ng kilay saka naglakad ulit pero bago yun.

"Come with me."

Wew, atlast nagsalita sya. Agad naman akong sumunod sa 'kanya medyo mabilis syang maglakad kaya medyo hinihingal na ako.

"T-teka n-nga!" Hingal kong sabi saka napayuko at napahawak sa tuhod dahil sa pagod.

"Don't shout." Napaangat ako ng tingin at nakatayo na sya sa harap ko.

"Eh ang bilis-bilis mong maglakad eh!"

"I said don't shout! Baka makakuha ka ng atensyon sa iba." Nagtataka naman akong umayos ng tayo saka tinignan sya ng may pagtataka.

"Ah? Wala namang tao dito ah?" Nagpalinga linga ako sa paligid saka ibinalik ang tingin sa 'kanya.

"Tsk, you don't have any idea kung anong nangyayari?" Nakakunot noo pang tanong nya, I nod. Napabuntong hininga naman sya. "Sumunod ka sakin at wag kang gagawa ng ingay or else.." Muli syang tumalikod at naglakad ulit this time mabagal na, sumunod ulit ako dito.

-

Matagal tagal din kaming naglalakad at halos pagod at ngalay na ang mga binti at paa ko hindi ko alam kung nasa anong lugar na kame dahil nakalampas na kame ng subdivision at puro puno sa gilid at kalsada sa gitna ang nadadaanan namin, nang huminto sya bigla habang ako naman ay hindi sya napansin dahil abala ako sa pagtingin sa paligid.

"Aw!" Napahawak ako sa noo ko nang tumama ako sa likod nya.

"Stay here." Hindi lumilingong sabi nya.

"Huh?" Nagtataka akong sinundan sya ng tingin, may dinampot syang malaking kahoy, may narinig naman akong ingay na papalapit samin kaya agad akong napatakbo sa estrangherong kasama ko hinila naman nya ako at nagkubli sa isa sa mga puno, sumilip sya mula dito.

"Shit!" Nagtataka naman akong napasilip din at nanlaki ang mata, bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.

"A-ano yan? s-san sila galing?" Halos pabulong na tanong ko.

Yung mga nakakatakot na humahabol sakin kanina kapareho nila at mas marami ngayon ang mga ito. Muling sumilip yung kasama ko at ganun din ako. Nakita kong parang may inaamoy sila sa kung saan na para bang hinahanap nila. Napatingin naman ako sa lalaki ng hawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at sa kabila naman ang kahoy na dinampot nya sa kung saan lang kanina.

Zombie ApocalypseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang