Chapter 29: Ice and Embers

117 4 4
                                    

Woodsen's Side
(Third Person's POV)

Nakatitig lang si Wood sa kisame na gawa sa purong kahoy. Wala syang maramdaman kundi ang kapayapaan. Kanina lang ay parang nagwawala na ang sistema at ayaw makisama ng katawan nya. Pero ngayon ramdam na nya ang katapusan.

Naririnig nya ang usapan at iyak ng mga kasama pero wala syang lakas para harapin ang mga ito. Lalo na si Dharen. Gusto nya mang patahanin ang dalaga pero alam nyang hindi ito kakayanin ng katawan nya.

Hindi nya na alam kung anong mangyayari sa kanya. Para bang nagkakaroon na ng sariling buhay ang katawan at isip nya.

He remembered what happened earlier before he was bitten by a zombie.

• • •

Earlier

Pinigilan nya ang akmang pagpapaputok ng baril ni Dharen nang akmang hihingi ito ng tulong mula sa mga kasamahan nila na nasa exit.

"Wag kang gagawa ng ingay." Bulong nya mula sa likod nito.

"We need help."

"Shhh, palagpasin nalang natin sila."

Tahimik na sumang ayon ito sa kanya. Maaaring mas mahirapan pa sila kung makuha nila ang atensyon ng mga ito at lalabanan pa nila.

Nasa ganoong posisyon lang sila at tahimik na naghihintay. Nang makaramdam sya ng matinding sakit sa tagiliran.

"Shit!" Daing nya nang gumuhit ang matinding kirot dito.

Hinarap nya ang salarin. Halos mandiri sya sa itsura nito. Halos wala na itong laman at agnas nalang na balat ang natitira.

Tinignan nya ang sugat na nilikha nito sa kanyang tagiliran. Halos mapamura sya ng makita ang mga marka ng ngipin nito na bumaon sa kanyang balat.

Hindi sya nagsalita at agad na itinulak ito. Tumumba ang bangkay pero parang balewala lang din dito nang tumayo itong muli at sumugod.

Nabigla sya sa bigla nitong ginawa kaya nabitawan nya ang baril na akmang itututok nya rito.

Pilit nyang inilalayo ang katawan nya dito. Hindi nya mahawakan ang patalim na nakasiksik sa pants nya dahil nahihirapan na syang labanan ito ng pwersahan.

Pilit nyang inilalayo ang katawan nya dito.

Ilang minuto sya sa ganoong posisyon nang bigla nalang itong bumagsak sa lupa.

Tinitigan nya si Dharen na nasa harap nya na ngayon. Puno na ang mukha nito ng dugo mula sa zombie na sinaksak nito. Nakapikit ito habang nakakunot ang noo.

Halatang inis sa nangyari.

"Wow, dinuguan." Biro nya.

"Shut up woodsen."

Ngumisi lang sya at pinunasan ang maamo nitong mukha gamit ang sariling palad.

Hinawakan nya ang kamay nito para igiya sa kung saan pero sabay silang napahinto nang makita ang ngayon ay papunta na sa direksyon nila.

Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ni Dharen.

Kailangan nyang mailayo sa lugar na ito ang dalaga sa lalong madaling panahon. Bago pa tumalab ang virus sa katawan nya.

"RUN!"

Nakakaramdam na sya ng takot, pangamba, at pag-aalala para sa kasama.

Wala silang nagawa kundi ang huminto at paputukan ang ilan sa mga malapit ng umabot sakanila. Hindi na nila mabilang ang mga kalaban dahil lalo lang dumadami ang mga ito.

Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon