Chapter 20: Professor

122 10 0
                                    

"SO? ANONG PLANO?"

Tanong ni Jez sa aming lahat pero kay Bryan nakatingin.

"Let's just talk about it later." Simpleng sagot nito na hindi lumilingon.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng gubat kung saan una naming dinaanan noon papasok ng lugar nung abnormal na scientist.

Wala pa kaming maayos na plano sa ngayon, puyat ang halos lahat sa amin, maaring tulad ko ay hindi rin sila nakatulog ng maayos dahil sa lahat ng mga nangyari. Alam kong nasasanay na rin sila sa ganito pero tao pa rin sila at may pakiramdam.

Kami lang pito ang umalis para hanapin yung mga taong pinapahanap ni Eleonor. Samantalang naiwan si Mr. Piolo kasama sya.

Kailangan sya ng kapatid nya lalo pa at wala na ang kaisa-isang kaibigan nito.

Napabuntong hininga ako ng maalala 'kong isa ako sa dahilan kung bakit namatay ang kaibigan nya.

Naiintindihan ko si Cai kung bakit nya ginawa yon.

Ayon kay Mr. Piolo ay inilibing nila ang katawan ng kaibigan nito kasama ang nobyo ng gabing iyon sa mismong kamalig.

Walang alam si Mr. Piolo tungkol sa lalaking nandoon na ipinaliwanag naman namin. Tanging si Eleonor lamang ang nakakaalam at ang kaibigan nito.

Labag man daw sa loob nila na isama ito ngunit ito na mismo ang nakiusap na isamang ibaon kasama ang nobya.

Napakasakit isipin ang nangyari sa 'kanila. Hindi ko alam kung sino sa magkaibigan ang dapat sisihin sa nangyari. Ako man ay nasasaktan din para sa 'kanila. Pero may kasalanan din naman sila sa lahat ng nangyayari ngayon sa mundo.

Tahimik kaming naglalakad, nadaanan na rin namin yung lugar kung saan ako nabaril nung babaeng 'yon.

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa pinakabungad ng gubat. Sa harap nito ay ang kalsada. Naroon din ang iilan sa mga sasakyan ni Mr. Mendoza at ng mga tauhan nito na basta nalang nawala nitong mga nakaraang araw.

Alam kong alam ni Mr. Piolo kung ano ang nangyari sa mga ito.

Huminto kami sa tapat ng isang may kalakihang kotse.

"Dito tayo sasakay." Tukoy ni Cardel sa pinakamaayos na sasakyan.

"H-hindi ba natin babalikan yung sasakyan natin?" Tanong ni Cai.

"Sira na ang isang yon kaya wala na tayong magagawa kundi ang gamitin ang sasakyang 'to."

"According to Mr. Piolo, magandang gamitin ang sasakyan yan, hindi mo kailangan ng gas or whatsoever na nakakapagpagana dito. Instead gasoline ay solar ang ginagamit para gumana ang kotseng ito." Paliwanag ni Frank.

"Ang galing naman." Nakangiting puri ni Cai.

"Hmm, kapatid nya ang nagdisenyo nito."

Napakatalino ng kapatid nya. Hindi lang pala chemicals ang kaya nito, maging ang makina ng mga sasakyan ay nagagawa nya ring gawan ng paraan.

Binuksan ni Jez ang pinto at sinenyasang pumasok na kaming tatlo na agad naming ginawa.

Sa harap ay si Nogi ang nagdadrive habang sa driverside ay si Jez. Sa likod nila ay kaming tatlo nila Cai at Frank, at sa likod naman namin ay si Cardel ay Brye.

Nagsimula ng magmaniobra si Nogi.

"Anong plano natin ngayon?" Pagsisimula ni Nogi habang nakatuon sa dinaraanan namin ang mga mata, bahagya pa syang sumulyap sa amin sa rearviw mirror.

Sinulyapan ko din yung dalawa sa likod namin mula sa salamin.

Nakita kong inilabas ni Brye mula sa hawak na envelop ang mapa.

Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now