Chapter 31: Another One

66 4 3
                                    

Matagal kaming tinitigan ng mga ito. Hindi sila nagsasalita. Hindi naman nakakatakot ang mga itsura nila na sa totoo lang ay mukhang mapagkakatiwalaan naman. Nasa lima sila, dalawang babae at tatlong lalaki, na gaya namin ay may mga hawak na baril.

"Ibaba nyo ang mga baril nyo."

Nagkatitigan ang mga ito at tinutok ang baril saming apat.

Agad naman kaming sumunod dahil mas armado sila. Hindi man nakakatakot ang aura nila pero mas mabuti na ang nag-iingat.

Isa-isa kaming pinagmasdan ng mga ito. Saka biglang ngumisi yung isang pula ang buhok at tumakbo papalapit kay Cardel. Halos ma-out-balance si Cardel nang dambahin sya at yakapin nito.

"Brooo, buhay kaaaa! Tangina I miss youuu!" Tuwang tuwa na sabi nito bago hinalikan sa magkabilaang pisngi si Cardel na bahagyang nakangiti na rin.

"Billy."

Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko dahil sa ginawa nito.

Binalingan ko ang iba nitong mga kasama na hindi ko namalayan na nakalapit na rin pala saamin.

"Frank, sissy!"

"Rachell." Bangit ni Frank habang nakatingin sa babaeng pinakamaliit at yumakap din pabalik dito.

"Ikaw nga! Omygoshhh! Buhay kayoooo!" Naiiyak na sabi nito. Sumunod din yung isang babae na tahimik lang na nakamasid sa amin.

Maganda sya at maputi, mukhang mas matangkad lang sya ng kaunti sa akin, pero mas maganda ako.

"Ya'll here." Puna ni Cardel sa mga ito.

Naglapitan na din ang mga kasama ng mga ito sa dalawang nasa unahan na kasama namin.

Masayang binati nila ang dalawa.

"Kumusta bro? Mabuti at nakaligtas kayo." Sabi nung Matangkad na moreno.

Mukhang magkakakilala nga sila.

"Yeah, we're okay Cain."

"Namiss kita pare, long time no see!" Bati din nung isang lalaki.

Nakipagtanguan din sya sa isang lalaki na tahimik lang na nasa likod. Itim na itim ang buhok nito at mukhang badtrip.

"Akala namin may kalaban nanaman, kaya pumunta kami dito, nakarinig kami ng mga putok ng baril." Sabi nung tinawag na Billy.

"Akala ko naman mapapalaban na tayo."

"Shut up Cain, you're weak kaya." Sabi nung unang yumakap kay Frank na babae kanina.

"Yeah, right."

"Kumusta na kayo?!" Excited na tanong nito, bago kami binalingan ni Dr. Li.

"Sino sila?" Nakangiting lumapit samin si Frank at ipinakilala kami.

"Guys, this our friend si Dharen."

"Oh! Hi Dharen! I'm Rachell!" Nakipag kamay sya sakin at nakangiting pinagmasdan ako.

"Hi." Nakangiting bati ko din. Ang liit nya, mukhang hanggang balikat ko lang sya, at mayroon syang mahabang buhok na naka pigtail, ang cute nya.

"And this is Dr. Li Yifeng."

"Li Yifeng? Yung scientist?" Gulat na tanong nung nagsasalitang pulang sisiw.

Nakuha naman nito ang atensyon ng mga kasama.

"Why? You know him?"

"May nakausap kasi kaming babaeng scientist nung nagpunta kami sa pampanga before. At binanggit nya nga yung name na Li Yifeng na makakatulong daw sa amin."

Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now