Chapter 1: Wen't Black

484 30 1
                                    

Dharen's POINT OF VIEW

"Sa greek mythology class si Psychè at si Cupid pa rin ang nagkatuluyan sa huli, kahit na hinadlangan sila ng ina ng god of love na si Aphroditè, witch is ina ni Cupid. Si Aphrodite ay ang goddess of beauty at kilala rin ito bilang si Venus. Isa sa mga sumisimbolo sa 'kanya ay ang Dove. Napakaganda ni Aphroditè,
ngunit nang dumating si Psychè na isa lamang na mortal ay nabaling ang atensyon ng mga kalalakihan dito...."

*yawn*

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa adviser kong boring magturo. Psychè? Cupid? Aphroditè? tsk, Kalokohan.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng school. Maulap ang langit at nagbabadya ang napakalakas na ulan, mas lalo lang akong inaantok sa klima ng panahon ngayon bukod sa napakawalang kwentang magturo ng teacher namin sa greek myth.

Psh.

Napatigil ako sa pagmumuni muni sa labas ng bintana nang narinig 'kong sinabi ni sir yung magic word na nakakapagpabuhay sa energy ng mga kapwa ko estudyante.

"Okay, class DISMISS."

"Hays salamat." Tumayo ako at nag unat kinuha ko ang bag ko saka naglakad palabas, eksaktong pagbaba ko ng hagdan ay umulan agad ng malakas.

"Badtrip." At dahil hindi uso sa akin ang payong kaya inilagay ko ang kamay ko sa ulo ko at akmang susuong na sa ulan ng may pumigil sa akin at hinila ako pabalik.

Sino naman to? psh.

"Susuong ka sa u-ulan ng g-ganyan ka lakas?" Tanong nya habang hawak parin ang kamay ko. Napakunot ako ng noo saka sya tinignan sa mata ng masama.

"Do I know you?" Iritableng tanong ko. Ngunit napayuko lang sya saka napapahiyang binitiwan ang kamay ko.

"B-bago lang ako d-dito." Nauutal na sabi nya saka nag angat uli ng tingin. "E-eto oh." Abot nya sakin ng payong. Tinabig ko ang kamay nya saka sya tinalikuran.

"Newbie ka lang pala pero kung makaasta ka kala mo naman kilala moko." Blangko ang mukhang sabi ko.

Hindi ko na sya pinansin at tumakbo ako sa gitna ng malakas na ulan tsk. Ayoko sa lahat yung may kakausap sakin at hahawakan pa yung kamay ko. Ni hindi ko sya kilala, ngayon lang ako nakakita ng nerd na katulad nya sa school, although ni hindi naman ako interesadong makilala ni isa sa mga estudyante dito.

Hindi ako looner, sadyang wala lang akong interest makipag kaibigan. May nagtatangkang kumausap sa akin pero never in my life na nagsalita ako para sagutin sila.

I'm not ugly or nerd na looser, aaminin kong aware naman akong may utak ako kahit papaano and most of all my parents are rich hindi sa pagmamayabang, and I don't have time for those student na makakagulo lang sa buhay ko.

Pare-pareho lang naman ang mga tao, magpapakita ng mabuti but in the end iiwan ka rin nila, tulad ni mama..

Napahinto ako at napatingala sa nagbabadyang bagyo sa kalangitan kahit na medyo madilim na ito dahil sa makapal na ulap kita ko parin ang mga ulan na pumapatak, pumikit ako at dinama ito.

Tuwing umuulan nalang na aalala kita Ma, tuwing ulan na aalala ko parin yung ginawa mo samin nila Daddy at kuya. Nandito pa rin yung sakit, sakit na hindi namin inaasahan na iiwan mo samin dahil sa ibang lalaki.

I sighed, saka muling naglakad sa gitna ng kalsada pero hindi pa man ako nakakahakbang ng makarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan mula sa kung saan at huli na upang lingunin ko ito nakaramdam ako ng matinding kirot sa katawan ko, matinding sakit at pagkahilo kasunod nito ay ang pagdilim ng buong paligid ko..

And the next thing I knew everything wen't black.

• • •

Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon