Ay hindi pala pabango un, kasi ang baho. yung amoy na di pa naliligo ng isang linggo, buwan ata e. Hays.

Bakit kaya bigla bigla akong dinala ni Lolo dito, nabigla pa nga ata ang braso ko sa pagkakahila. Ang sakit tuloy hays *pout*

Nandito na rin naman ako babasahin ko nalang ang libro na nakita ko dati. San ko nga ba nakita yon.

"Andito lang yon ah?" turo ko pa sa lugar kung saan yung libro nakalagay.

"Mukhang inalis na nila dito. Hays! Gustong gusto ko pa naman basahin yon."

*toktoktok

napalingon ako sa pinto na dahan dahan bumubukas kaya tumago ako sa baba ng upuan. Iba kasi pakiramdam ko e parang my halimao na papasok.

"Aliyah?" mahinang tawag niya sakin. Kilala ko na kung sino to. Boses pa lang e. Sino pa ba? Edi si Halimao Zoren! teka nga magulat nga to.

"Aliyah asan ka?" bulong niya pa. gumagapang ako palayo sa upuan papunta sa madilim na part ng silid na to.

"Zzzzz" pag aanimal sound ko. hahaha  Tumayo na ako sa pwesto ko at hinawi ang buhok papunta sa harap. Pinagmamasdan ko pa siyang mapalapit sa pwesto ko.

"Aliyah!" nang mapalapit na siya pwesto ko, lumabas ako ng dahan dahan sabay sinugod siya.

HAHAHAHAHAHA

Natatawa ako sa itsura niya ngayon. Nakasimangot at seryosong nakatingin sa akin. Nagulat ko ba siya o hindi? para sakin nagulat ko siya e.

"Ayan na yon?" pagsusungit niya sakin. Unti-unti naman siyang pumupunta sa pwesto ako at ako naman ay paatras ng paatras papunta sa madilim na part.

Dumako ang tingin ko sa mga labi niya at nag  smirked angloko na parang my binabalak. Jusko wag naman sana.

Hanggang sa wala na akong maatrasan. Jusko eto na ata ang huling araw ng buhay ko. Dead end na talaga gusto ko man umatras pa kaso wala akong magawa.

"Teka nga, aalis na ako" sabi ko pa pero kinulong niya gamit ang dalawang braso niya. Napapanuod ko to sa mga palabas e, nung nasa mundo pa ko ng mga tao.

alam ko na susunod neto, Kiss!!! OMG. KISS NGA. HINDI. AYOKO.

"Waaaa. Tulong!!!!" agad naman tinakpan ni Zoren ang bibig ko 

"Wag kang maingay kung ayaw mo mapahamak" sabi niya pa. Aba naman talaga. Gusto ba niyang makatikim ng sipa sa mukha?

"Pakawalan moko dito! Bastos ka, ano ha? tapos hahalikan moko? No way. Neknek mo!" sabi ko pa sakanya habang sinusubukang makaalis sakanya.

"Sige magsalita ka pa. Hahalikan talaga kita" napahawak naman ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Pero teka nga! Bakit ba? Ha?" tanong ko pa.

"Shhh!" saway niya sakin.

"Ewan ko sayo!!! hmajskjhak" tuluyan ng sinakop ng labi niya ang labi ko. Ang gaga ko bakit pa ko nagsalita kanina. Hays Bakit parang hindi tumututol ang katawan ko tila gustong gusto pa ang nangyayari. Waaaaaa.

Manyak na ba ako? At gustong gusto ko ang nangyayari. My patakip takip ka pa ng bibig kanina, gusto mo din naman Aliyah. Nagrespond naman ako sa mga kisses niya.

"Zoreeen" parehas kaming napa tigil ng marinig namin ang boses ni Lolo. Mabilis pa sa speed light ang pagupo ni Zoren at kumuha ng libro. Habang ako andito pa rin sa madilim na part. Tulala!

Tulala dahil nahihiya sa nagawa ko. Ahhhhh! NAKAKAHIYA. :(

"Zoren si Aliyah, nasaan?" tanong ni lolo. Lumingon si Zoren kung nasaan ako kaya napatingin din si Lolo.

Umalis na ako sa pwestong iyon at tuloy tuloy naglakad papunta kay Lolo. Nahihiya akong tumingin kay Zoren dahil kanina. Waa ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Lolo pwede na ba ako lumabas lolo?" tumango si lolo at sinabayan akong maglakad.

"Oo aliyah. May pag uusapan tayo"

*Sala

"Lolo ano po ang pag uusapan natin?" tanong sakin ng batang Aliya na walang kaalam alam sa mga nangyayari at sa nakaraan niya. Gusto ko man sabihin lahat ngunit di maaari. Ayoko siyang mapahamak lalo na't nakakaamoy si Akasha, ang kapatid ng kanyang Ina.

"Gusto ko lamang itanong sayo kung ang kwintas na binigay sayo ng iyong mama ay lagi mong suot?" tumango tango nama  siya sa tanong ko.

"Opo Lolo. Bakit po?" - Aliyah

"Wag na wag mo aalisin sayo ang kwintas dahil yan ang panlaban mo sa kapahamakan Aliyah." mukha namang nagtataka siya sa mga sinasabi ko. Gustong gusto ko na sabihin ang katotohanan ngunit nilalayo ko siya sa kapahamakan kay Akasha. Kilala ko ang babaeng yon.

"Oo naman Lolo atsaka andyan naman si Zoren na magtatanggol sakin" sabi niya pa.

"Mabuti kung ganon" saad ko pa.

"May mga bagay ka pang di nalalaman sa sarili mo Aliyah kaya bukas na bukas, sasabihan ko si Zoren na turuan ka upang mailabas mo ang kapangyarihang meron ka" sabi ko kay Aliyah. Naging maaliwalas ang mukha niya ng marinig ang sinabu ko.

"Ibig mong sabihin Lolo may kapangyarihan ako?" tuwang tuwa siya ng sabihin yan.

"Oo aliyah. Kaya bukas maghanda kana." sa tuwa niya napayakap ang bata sakin.  Nakakatuwa at nakakaiyak dahil ang isang prinsesang matagal na hinahanap ay narito na sa mundong Madrinadia.

Umakyat naman siya papuntang kwarto niya kasama ang alaga niyang si liyah na ginawa kong Aliyah kanina. Nilinlang ko si Akasha upang di mapahamak ang totoong Aliyah dahil nababasa ko ang binabalak niya sa isip niya.

Flashback

"Oo sigurado akong siya ang narinig mong umiiyak kanina" sabi ko kay Akasha.

"Pag nalaman kong di ka nagsasabi ng totoo, papatayin kita Master Moris" Gulat akong tinawag niya ulit akong Master Moris. Si akasha ay tahimik na bata noong unang panahon ngunit nung nagdalaga na siya, sinuway niya ang utos ng magulang niya. Naging masama siya dahil sa inggit na nararamdaman niya.

Ngumiti naman siya ng napakalapad at biglang naglaho.

Handa akong mamatay wag lang niya malaman na nasa sa kamay ko ang anak ng Hari at Reyn ng DeLuxe Kingdom.

-----
A/N: Sorry guys ngayon lang ang update. Nabablanko ako e dahil sa problema ko. Sorry talaga. :( Sana magustuhan nyo. Nalilito na ba kayo s flow ng story? Pm me guys. Thanks.

• simplegorgss

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now