Narration

Palabas ng condo si somi nang bigla niyang makasalubong si vernon sa elevator..

"Oh? Kuya vernon" bati nito

"Oh! San ka?" Tanong ni vernon

"Mag-gogrocery lang sana." Sabi ni somi

"Ah sige. Andyan ba si ces?" Tanong ni vernon

"Ahh wala. Inayos niya mga requirements niya para daw makapag-enroll na sya next week" sabi ni somi

"Diba kayo magsasabay? Same school naman kayo diba?" Dagdag ni somi

"Oo nga. Naayos ko na kasi yung akin."

"Ahh ganun. Kanina pa kasi yun umalis. Di nagsabi kung ano oras uwi." Sabi ni somi

"Ahh ganun ba? Sige" sabi ni vernon sabay balik sa elevator at sumabay na kay somi pababa

"Bakit? May usapan ba kayo?" Tanong ni somi

"Wala naman."

"E bakit ka nandito?" Pangungulit ni somi

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Sabi ni vernon at sa pagbukas ng elevator ay agad 'tong lumabas dahil sa sobrang kulit ni somi

"Sungit! Hui! Sabay na tayo!" Tawag ni somi

"Pauwi na ko. Diba maggo-grocery ka? Magkaiba daan natin" sabi ni vernon ng walang emosyon ang mukha

"Owkayyy" sabi ni somi

Ano kayang nangyari dun?

Tanong ni somi sa isip dahil sa magulong personality ni vernon towards her

++++++++++++++++++++++++++

Pag-uwi ni vernon ay umupo sya sa sofa katabi ng kapatid niyang nanunuod ng tv at agad niyang kinuha ang kanyang headphones at isinuot ito.,
Nakatodo pa ang music niya kaya rinig na rinig ito ng kapatid niyang si sofia

"Ui kuya!" Kalabit ni sofia kaya naman tinanggal muna ni vernon ang headphones niya upang marinig ang kapatid

"Oh?"

"Ang lakas ng music mo" sabi ni sofia

"Sorry"

"May problema ba?" Tanong nito

"Ha? Wala ah" sabi nito at tumawa pa ng mapait

Isusuot pa sana ni vernon muli ang kanyang headphones nang biglang magsalita muli si sofia

"Siya ba?"

Napatigil si vernon at napatingin sa kapatid

"Alam ko" dagdag pa muli ni sofia na para bang may nais iparating sa kapatid na nagkakabasahan na sila ng tinginan

"Kailan pa?" Pagtataka ni vernon

"Dati pa and I know na yun ang dahilan nang pagpunta mo sa new york. " sabi ni sofia

"Pero--"

"I'm quiet, I respect naman both sides kuya. And wala ako sa lugar para mangielam." Sabi ni sofia

Kabadong sinuot muli ni vernon ang kanyang headphones

AFFINITY || h.j | epistolaryWhere stories live. Discover now