Mother Chwe 💚active now

Mother: ceska nandyan ba si hansol?
seen 8:16am✔️

Ceska: ...

Ceska: ay opo sorry po di ko po agad nasabi

Ceska: nakatulog po kasi sya dito

Mother: hay buti . Akala ko naman kung saan na naman nagpupupunta

Mother: sige pakisabi nalang wag na gumala gala at aalis ako. Hintayin nalang nya sila sofia at papa nga pauwi

Ceska: sige po sasabihin ko po

seen 8:18am✔️

Mother: kung magutom kayo may pagkain dito sa bahay kuha lang kayo ah

Mother: pakibantayan ceska ah

Ceska: ahahaha opo ako na po bahala

Mother: salamat sige alis na ko

Ceska: sige po ingat po kayo
seen 8:21am ✔️

Mother Chwe has logged out..

Ceska Yoon has logged out..

Narration

Nagluto nalang muna ng pancakes si ceska dahil sa mahimbing pa ang tulog ni vernon sa sofa niya..

"Tulog mantika talaga" bulong ni ceska sa sarili

Nasa kalagitnaan sya ng pag-iinit ng tubig ng biglang may marinig syang kumalabog , dahilan upang matalsikan sya ng isinasalin niyang mainit na tubig dahil sa gulat

"Ayy shit"

Inis na binaba muna ni ceska ang takure atsaka binaling ang atensyon sa kung ano man ang bumagsak

Si vernon lang pala.

Bumagsak sa likot nyang matulog sa sofa

Napasinghap nalang si ceska sa sakit ng paso niya at napailing

Dahan dahan namang dinala na ni ceska ang tray na may lamang pancakes at mainit na gatas sa lamesa sa sala upang makapag-agahan na sila

Kamot ulo munang papikit-pikit na humikab si vernon habang nakaupo na at tila balot pa sa kumot ang kalahati ng katawan..

"Ang baho ng hininga mo, magmumog ka muna" di na maipinta sa mukha ni ceska ang pagkabaho nya sa morning breath ni vernon

"Arte nito." Sabay tayo ni vernon at dumiretso sa cr upang magmumog at maghilamos

Pagkabalik nito ay agad na itong kumain

"Buti nakakapagluto ka pa" sabi ni vernon habang ngumunguya

"Tingin mo sakin? Malalason ako sa kaka- canned foods at ramen noh." Sabi ni ceska atsaka nag-sip sa kanyang kape

"Buti pa yon naisip mo pero yung pagpa-palpitate mo sa kaka-kape mo di mo na inisip. Tsk tsk" sabi naman ni vernon

"Isa hanggang dalawang beses lang naman ako magkape sa isang araw." Pagtatanggol ni ceska sa sarili

"Wag kang tatawag tawag sa bahay pag nagpalpitate ka ah" sabi nito

"Edi hinde. Psh."

Habang nilalamon na sila ng katahimikan ay napapatingin si vernon kay ceska na may pag-aalala

Wala pa siyang alam sa sitwasyon ni joshua..

Sambit sa isipan ni vernon dahil bigla niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni joshua nang sila'y mag-usap sa chat

Napabuntong hininga na lamang syang nakatingin kay ceska

"Oh? Tinitingin-tingin mo?"  Sabi ni ceska

Di na namalayan ni vernon na napatagal pala ang pagtitig niya

"Wala, may naalala lang ako." Sabi nito at hinalo halo ang gatas niya

Binaling nalang ni ceska ang atensyon sa kanyang pagkain nang bigla naman itong magsalita

"Magdadalawang buwan na mula ng umalis si joshua." Random na banggit ni ceska kaya't napatingin sa kanya si vernon

"Oo nga. Nag-uusap pa ba kayo?" Tanong ni vernon

Tumango tango naman na sumagot si ceska "Oo.. minsan. Gabi-gabi .. pero miss ko pa rin talaga sya. Iba pa rin talaga kasi pag kasama mo talaga. Yung parang ganito.. kausap ko face-to-face. Pwede kong paluin kapag natatawa ako.. sabunutan kapag naiirita ako. Kurutin pag nanggigil ako." Sabi nito na may pagdemo pa kay vernon ng pagpalo, pagsabunot at pagkurot

Napapa-aray na lamang si vernon

"Wag mo naman sakin ilabas" sabi ni vernon na napahawak nalang sa kanang braso nya

Malalim nalang na napahinga si ceska

"Miss ko na kasi talaga yun. Akala ko medyo makakatulong yung malayo kami para di naman kami magkasawaan pero ang lungkot pala." Sabi nito "haayyy"

"Ganun talaga. Para rin naman yun sa kanya. Alam mo naman na elementary palang hilig na nun ang pagtug-tog at pagpeperform sa stage." Sabi ni vernon

"Alam ko naman yun kaya ng sobra kong support sa kanya. Di lang talaga maiwasan." Sabi nito

"Alam mo.. bakit di ka nalang rin mag-audition? Para magkasama kayo"

"Alam mo naisip ko na rin yan e, kaso alam mo namang takot ako sa tao. Tsaka.. mas gusto ko kasi talagang behind the cam lang. yung nagsusulat o kaya gumagawa ng music ganon." Sabi ni ceska

"Oh bakit hindi ka magsulat uli. Napapansin ko rin kasi na hindi mo na halos hinahawakan  gitara mo.. di ka na tumutugtog" sabi ni vernon

Napabuntong hininga nalang si ceska at napatingin sa picture frame ng kanyang ama sa katabing telepono

Napansin naman ito agad ni vernon

"Alam ko naman na mahirap maibalik uli yung inspirasyon mo dahil sa papa mo. Pero isipin mo kasi.. sayang yung talent mo, tsaka pwede ring yan yung maging way para magkasama kayo ulit ni joshua. Handa ka naman namin tulungan ni sofia kung kailangan mo." Sabi nito ng diretso sa mata ni ceska kaya't alam na totoo talaga

Natawa naman si ceska ng matipid

"Alam mo.. hindi ako sanay sa ganito. Pero salamat .. matagal ko na rin yan pinag-iisipan. Wag ka mag-alala tina-try ko naman ulit." Sabi nito

Natawa nalang rin si vernon sa thought na sobrang seryoso ng atmosphere nila ngayon.. not the usual atmosphere na lagi silang nag-aasaran at nag-babangayan about little things. Pero gusto rin naman ni ceska yung ganito at the same time kasi mas makikita mo talaga sa mga ganitong panahon kung gaano ka kakilala at ka-concern sayo ang kaibigan mo.

Just the thought of yung kaibigan mo is ine-encourage kang bumalik sa passion mo.. na handa kang tulungan sa lahat ng makakaya nila.

Those little things na mas lalong nagpapatibay ng friendship.

"So kamusta naman yung noo mo?" Sambit ni ceska

Sinamaan lang sya ng tingin ni vernon

Back to normal..

AFFINITY || h.j | epistolaryWhere stories live. Discover now