Narration

Time check: 1:45am

Kasalukuyang nasa practice room si joshua at mag-isang nagrerehearse..

Makikita sa kanyang mukha na sobra syang stressed dahil sa paulit ulit na ito kahit na magugulo na ang steps na kanyang nililikha

Sa sobrang gulo ng kanyang movements ng mga paa ay aksidenteng nadulas ito at bumagsak

"Shh-- aray" napasinghap si joshua sa sakit ngunit hinilot hilot nya lang ito at nagpatuloy pa rin

Hirap na hirap na ko. Iniisip pa kita

Sambit sa isipan ni joshua habang pinipilit na ibaling nalang sa pagsasayaw ang kanyang atensyon.

Lubos pa rin niyang iniisip ang mga nangyari sa kanila ni ceska kani-kanina lamang sa chat

Ang babaw lang ba para pag-awayan? Mali bang magalit ? Mali bang magselos?

Halos hindi na sya maka-focus dahil sa mga pumapasok sa isip niya

Napatigil naman sya sa kanyang ginagawa nang biglang may kumatok mula sa pinto at pumasok

Si Jeonghan, isa sa mga trainee

"Wala kang matatapos kung hindi ka magfofocus." Sambit nito pagkapasok

Tinignan lamang sya ni joshua na para bang

Close ba tayo?

"Hindi sa pangingielam pero kung gusto mong maayos ang performance mo, ayusin mo muna yung mindset mo. Wala kang matatapos na maganda kung ang laman ng utak mo puro problema." Sabi nito atsaka sya inabutan ng tubig

"Magpahinga ka muna" dagdag pa nito

Kinuha naman ito ni joshua

"Salamatmatipid na sabi ni joshua atsaka umupo at sumandal sa may salamin

Umupo naman sa tabi niya si jeonghan

"Ako nga pala si Jeonghan, kung di mo pa alam. Kasama rin ako sa vocal team para sa showcase" sabi nito

"Alam ko." Sambit ni joshua

"Alam kong may problema ka. Pero hindi ka nag-iisa, marami pang may problema dito. Siguro madalas kang napapagalitan sa ngayon pero may mas malala pa sayo minsan. Yung iba tinatanggal na , pasalamat ka nga at binibigyan pansin ka nila dahil ibig sabihin nun alam nilang may potensyal ka at gusto ka nilang hasain. Hindi lang ikaw ang napahiwalay sa mga magulang, mga kaibigan o girlfriend. Yung iba nga napipilitan makipaghiwalay sa girlfriend nila e, yung iba maski pag-aaral tinigil nila para sa pangarap nila. Kaya kung ako sayo.. bago ka sana pumasok dito inisip mo muna lahat ng mawawala sayo. Ayusin mo buhay mo. Wala kang mapapala sa pinapakita mong attitude." Sabi nito atsaka lumabas ng practice room

Ngunit bago pa man mahawakan ni jeonghan ang doorknob ay nagsalita muli si joshua

"Salamat sa advice. Sorry din sa pinapakita kong attitude. " sabi nito

"Wag mong sabihin, gawin mo. Wala tayo dito para maglaro. Kinabukasan at pangarap natin ang nakasalalay dito." Sabi nito kasabay ang pagbukas ng pinto at tuluyang pag-alis nito

Sinundan na lamang ni joshua ang tingin kay jeonghan at sunod sa hawak nyang bote ng tubig

Kaya ko 'to.

AFFINITY || h.j | epistolaryWhere stories live. Discover now