Hansol Vernon Chwe 💚active now

Somi: psst | deleted

Somi: hoi sunget | deleted

Somi: hi thanks sa accept | deleted

Somi: kuya
seen 10:09 am ✔️

Hansol: oh?

Somi: si ate ceska kasi e

Somi: kanina pa walang gana kumain.

Hansol: bakit?

Somi: kanina pa hindi bumabangon

Somi: niyayaya ko na nga kumain kaso busog daw sya . E hindi naman sya kumain e.

Somi: nagkape lang sya kaninang madaling araw

Hansol: sinasabi ko na e

Hansol: teka

Somi: ano? Alam mo ba?

Hansol: teka papunta na ko dyan

Somi: may problema nga sila ni kuya josh e

Hansol: oo alam ko sige papunta na ko

Somi: okie salamat
seen 10:12am ✔️

Hansol Vernon Chwe has logged out..

Jeon Somi changed the nickname to Hansol Vernon Sungit..

Somi: yan mas bagay muawahaha | deleted

Narration

Kasalukuyang nasa may pinto na si vernon at hindi pa man ito nakakakatok ay pinagbuksan na ito ni somi. Kita agad ni vernon ang pag-aalala sa mukha ni somi kaya nagmamadali itong pumasok at dumiretso sa kwarto ni ceska

"Kanina pa ba?" Tanong ni vernon habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni ceska

"Oo, kanina pa sya nakatalukob ng kumot." Sabi ni somi na nag-aalala na talaga

"ganyan ba talaga sila pag nag-aaway?" Dagdag ni somi

"Hindi sila madalas mag-away pero ganito silang dalawa 'pag may tampuhan. " sagot ni vernon na hindi nakatingin

"Papasok na ko ah, si vernon 'to tsaka si somi" sabi ni vernon kaya binuksan na nya ang pinto at bumungad sa kanya ang nakatalukob ngang kumot si ceska, kaya't agad nila itong pinuntahan

"Ces"

"Ate"

Tawag nilang dalawa ngunit iling at mahinang "oh?" Lang ang sagot ni ceska at mas lalong tinalukob ang sarili sa kumot

"Ces tayo na dyan. Kumain ka muna" sabi ni vernon habang inaalog ang balikat ni ceska

"Oo nga ate kain na, nagluto na ko ng french toast favorite mo" sabi ni somi

Dahan dahan naman na umupo si ceska at tuluyan ng tinanggal ang kumot na kanina pa nakabalot sa kanya. Gulo gulo ang buhok nito at kitang namumugto pa ang mga mata.. nangingibabaw ang kanyang eyebags at ang matang malamlam na nagpipikit bukas..

"Ceska kumain ka muna atsaka natin pag-usapan yung problema mo. 'Wag mong abusuhin sarili mo alam kong may problema kayo ni joshua" sabi ni vernon

"Wala"  garagal na sabi ni ceska at nagbalak na humiga ulit nang buhatin na sya ng tuluyan ni vernon ng pa-bridal style, at dinala sa kusina..

"Ano ba!?" Pasigaw na sabi ni ceska

Nagulat naman si somi sa kanyang nasaksihan..

Lingid sa kaalaman ni somi pero may katigasan din kasi talaga ng ulo itong si ceska .  At bilang isang matalik na kaibigan , alam na alam na ni vernon ang mga dapat gawin.

Agad niya itong binaba sa upuan at napalo pa sya sa braso ni ceska

"Aray! Pasalamat ka nga concern pa ko sayo" bulong ni vernon at naupo sa gilid nito upang paghandaan ng pagkain

"Kumain ka na" sabi nito atsaka nilagay ang gatas sa harapan nito

Tinitigan muna ito ni ceska at dahil favorite nya ito ay hindi na ito nakatiis

Habang kumakain sila ay nabanggit ni vernon ang problema ni joshua at ceska

"Nakausap ko si seokmin kagabi" napatingin naman si ceska agad kay vernon

"Bakit?" Tanong nito

"Nabanggit niyang si joshua .. magmula
Madaling araw hanggang ngayon e hindi pa rin tumitigil sa pagpapractice. Pansin niyang may problema nga daw" sabi ni vernon

Napatulala naman si ceska sa kanyang pagkain

"Kasalanan ko 'to e"  sabi ni ceska sa sarili

"Bakit ano bang ginawa mo?" Sabi ni vernon

Pinabasa naman ni ceska kay vernon at somi ang conversation nila sa chat ni joshua kinagabihan lamang

"Ayyy!" Pagulat na sabi ni somi

"Bakit?" Tanong ni vernon

"Feel ko ate nagselos 'to" sabi ni somi

"Kanino? Sakin? Kasi kasama ko sya sa mall? E wala naman si sofia para samahan sya tapos yung pagtulog sa condo? Nadala lang naman ako ng antok dahil ang aga aga akong binulabog ni ceska para sa napkin niya. " sabi ni vernon na halos nag-iinit na ang ulo

"Eh kasi naman.. panget naman talaga tignan ang isang lalaki at isang babae na magkasamang lumabas at matulog sa iisang lugar." Sabi ni somi

"E dati pa naman 'to natutulog sa condo ko.. sila sila" pagdedepensa ni ceska

"E syempre isipin mo ate, malayo na nga yung tao.. di ka pa nababantayan. Minsan nalang kayo makapag-usap, topic niyo pa si vernon." Sabi ni somi

"E sya naman mismo nagsabi na bantayan ko si ceska." Sabi ni vernon na magkasalubo g pa rin ang kilay

"Kasi ganito yan. Paano ate kapag may kasama ring lumabas si kuya joshua na babae tapos aksidente makatulog sa bahay niya. Ano? Ano reaction mo? Diba magagalit? Diba maiinis. Kahit sabihin mo kasing bestfriend mo si kuya vernon, lalaki pa rin yan." Sabi ni somi sabay kagat ng tinapay

"Oo nga no" sabi ni ceska

"Shit bakit di ko man lang yun napansin, kaya pala di niya masabi sakin kagabi" banggit ni vernon bigla

"Nino?" Tanong ni ceska

"Si joshua, tinatanong ko kasi sya kung may problema ba, pero wala syang sagot. Si-neen lang ako." Sabi ni vernon

"Kaya siguro di nya masabi sayo, kasi ikaw mismo ang problema nya." Sabi ni somi

"Kailangan kong makausap si joshua" sabi ni vernon

"Natin" sabi ni ceska

AFFINITY || h.j | epistolaryWhere stories live. Discover now