Narration

As usual maagang gumigising ang mga trainees sa kilalang Entertainment at kasama na dito si Joshua at Seokmin..

Lingid sa kaalaman ni ceska na sobrang exhausted na talaga si joshua dahil bukod sa walang pahingang rehearsal, ay madalas pa syang napapagalitan dahil sa lagi syang nagkakamali sa choreography at madalas na nakakalimot din ng lyrics ng mga kanta..

Sobra syang distracted dahil sa naho-homesick na sya at pinipilit syang ipa-deact na ang kanyang accounts.. dahil sinisisi ng kanyang mentor ang pagiging distracted nya sa girlfriend nya

Pinipilit man ni joshua na sabihin na walang kinalaman si ceska sa lahat ng pagkakamali niya.. hindi pa rin sila naniniwala

Tanging si seokmin na lamang ang kanyang napag-sasabihan dahil wala rin syang gaanong kasama sa korea

Agad na pumasok sila ni seokmin sa practice room upang magsimula sa warm up

"Pre ok ka lang?" Tanong ni seokmin

dahil pansin niyang simula nang makausap ng mentors si joshua ay di na ito maka-ngiti at di na rin gaanong makapag-focus

Tumango lamang si joshua at ngumit ng matipid

"Okay trainees let's start!"

(Matapos ang dalawang oras na pagare rehearse)

"Pre tubig" at inabutan ni seokmin si joshua ng tubig sa kanilang pag-upo sa sahig na nakasandal sa salamin

Hingal pa din sila dahil sa paulit ulit na take ng practice sa sayaw

Perfectionist kasi ang kanilang choreography

"Pre nag-usap na ba kayo ni ceska?" Tanong ni seokmin

Napayuko na lamang si joshua at tumutulo pa ang pawis na umiling

"Ayoko ng pag-alalahanin si ces" pabulong nitong sabi

"Pero mas maganda na yung may alam sya , kesa yung mga mentors natin ang magsapilitang ideactivate yung accounts mo at wala syang alam." Sabi nito

Tinignan lamang sya ni joshua at mariing nag-isip isip

"Kaya ko namang hatiin yung oras ko sa training at sa kanya."

"Pero hindi yun ang napapansin nila"  sabi ni seokmin  "isipin mo si ces at ang pangarap mo" dagdag pa nito

"Hindi ko kailangang mamili" sabi nito ng mariin

"Pero hindi mo maiiwasan" sabi ni seokmin atsaka tumayo

"Kaya ko 'to" seryosong sabi ni joshua atsaka tumayo at nagpatuloy sa pagrerehearse

Napakibit balikat na lamang si seokmin dahil sa nakikita nya ng nahihirapan ang kaibigan.. dahil sa perspektibo ni seokmin ay kailangan talagang magsakripisyo ni joshua , ngunit mahirap din sabihin ito dahil matalik din niyang kaibigan si ceska pero at the same time ay nais nya rin suportahan si joshua sa mga pangarap nito.

AFFINITY || h.j | epistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon