Crust/Earth BDQ 50.2: Outside

532 23 10
                                    

~~~

REMEMBER: If you're active in voting and commenting, your character will live longer or will be alive until the game is over. BUT, If you're not active in voting and commenting your character will die in the hands of Death Reaper.

~~~

Crust/Earth BDQ 50.2: Outside


Empress' POV (Hades Mode)


[December 04, 2020](Friday) 10:30 a.m at Outside of the Game

---

Nagligo na ako at nagbihis ng hoody para mamaya. Bumaba na ako at tinawag si Keny.

"Tara na" sabi ko lang dito.

Nakita ko naman syang lumabas na din sa bahay at may dalang backpack. Mga gagamitin namin ang nasa loob non.

"Motor na lang tayo para mabilis" sabi nito tumango na lamang ako.

Mabilis lang kaming nakarating sa lugar kasi nasa point Z naman kami pero may kalayuan lang yung kinaroroonan ng bahay ni PrincessNora. Bakit nga ba sya nasali dito? Well sa totoo lang ay isa syang most wanted ngayon ngunit hindi dito sa pilipinas kundi sa ibang bansa, kaya nakapagtago sya dito kasama ang kanyang ama na isang pinuno ng dating terorista sa france noon. Kasama nyang nagtago ang ama nya dito sa pilipinas kaya walang may alam. At wala din namang nabalitang may nakapasok sa pilipinas na mga terorista at syempre wala din kaming nabalitaan. Mukhang may kapit sila sa mga nakatataas. At mukhang kasabwat din ang mga ito. Paano ko nalaman? Well thanks to Keny and to his amazing hacking skills. I don't know kung saan nya nakuha ang mga iyon. Mukhang may hindi sya nasasabi sa akin pero hindi ko na yon papakielaman dahil mukhang may rason naman ito.

Naglalakad kami ngayon sa isang kanto ,shortcut papunta sa bahay nila PrincessNora o Noriene Joy Montemayor. Matagal na nga palang patay ang ama nito dahil nabaril ito sa puso nang magkaroon ng holdapan malapit sa bahay nila noon at dead on arrival na ng madala nila ito sa ospital.

"Ito na ba?" Tanong ko kay Keny habang nakatingin sa isang bahay.

"Oo dito tayo dinala ng tracker ko eh" sabi nito

Tumingin kami sa paligid kung may tao at kung may mga cctv, swerte dahil wala kaya mabilis naming inakyat yung gate at binuksan ang pintuan gamit ang hairclip. Pagkapasok namin sa bahay ay sinara muna namin yung pinto at tinignan namin ang buong bahay. Napakatahimik ng paligid, ulila na nga pala ito napakalungkot naman dito. Pinuntahan namin ang nagiisang kwarto at nakita namin ang isang babaeng nakahiga habang may nerve gear na suot. Nagkatinginan naman kami ni Keny at sinenyasan ko sya.

Bakit nga ba namin kailangan patayin sila at hindi ba illegal ang ginagawa namin? To tell you honesty,  kailangan talaga namin silang patayin para kapag nakalabas sila ng laro ay hindi na sila makatakas at habang buhay na nasa impyerno na sila. At nasa batas din naman namin ngayon na kapag may matinding kasalanan ang isang tao ay maparurusahan ng kamatayan, at nakasaad din sa batas na pwedeng patayin ng isang simpleng mamamayan ang isang makasalanang tao ng legal. Kaya tama lang ito sa mata ng batas pero alam namin na mali ito sa mata ng diyos pero hindi namin kayang pabayaan lang ang mga katulad nila dahil maaari silang makatakas at hindi na tatalab ang simpleng kulong lang dahil iba na ang mga tao ngayon. Dahil mas naging ganid at naging masasama.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Where stories live. Discover now