Heaven BQO 28: News & Threat

909 38 1
                                    

(REVISED)

A/n: sa mga nalilito sa Snap na yan. SNYEP po ang pagkakabigkas. Yun lang . Enjoy reading~

_________________

Heaven BQO 28: News & Threat

Empress' POV (Snap)

[October 09, 2020](Friday) 6:00 a.m [Heaven Place]

*insert news alert sound*

Napabangon ako sa pagkakahiga ko at humikab, Kaingay ang lintik. Ano kaya ang problema?

Mabilis kong ginawa ang morning rituals ko at mabilis na ginising si Fuyu.

"Fuyu. Hey wake up dude" gising ko dito, kanino kaya nagmana to? Tulog mantika daig pa ako.

"Grrr" sabi nito at minulat ang mga mata.

**

Nasa labas na kami at madaming players dito sa Holy Central, ang pinakagitna ng Heaven. May announcement siguro kaya madaming players dito, sana ay importante to kung hindi mapepektusan ko talaga ang may gawa nito.

Kabagot pa namang maghintay ng nakatayo.

"Fuyu sa tingin mo ano kaya ang nangyayari?"tanong ko sa kanya habang hinihimas ko sya.

"Grrrr"

Bumuga sya ng kulay itim na apoy , bumuo ito ng salita .

~well, for sure dude it's all about last night~  

Actually ako lang ang nakakita non dahil mukhang shadow ang ginawa nito.

Kagabe? Ahh baka nga , baka nahanap na nila yung mga bangkay . Oh well I don't care, mamuti na ang kanilang mata bago nila malaman na ako ang may gawa.

*insert news alert sound*

"Magandang Umaga sa inyong lahat mga manlalaro, may dumating kaninang madaling araw na ulat na may natagpuang Frozen Corpes sa kagubatan. Nasa loob sila ng yelo at wala ng buhay, nalaman din namin na ang mga biktima ay nagngangalang Jason at Lee, isa sila sa mahuhusay na hukbo ng nangungunang Guild na Nightingale, ang pinakamalakas na Guild. Napag alaman din naming ang Death Reaper nanaman ang may kagagawan. Kaya napagdisisyonan ng mga nakakatataas na ang kung sino ang makakahuli dito ay gagantimpalaan ng 1 trillion golds at gagantimpalahan ng nga Anghel ng napakalakas na kapangyarihan. Yun lamang at kayo'y magiingat"

Wow. Wanted na pala ako, tara at magcelebrate! Note the sarcasm.

Paano nila ako madadakip kung hindi naman nila alam kung sino talaga si Death Reaper? Mga katangahan talaga nila pinapagana. Buti na lang nung nagpaulan ang diyos ng katangahan ay hindi ako lumabas ng bahay at natulog nalang kaya hindi ako nabiyayaan ng katangahan na nasalo nilang lahat. Tsk

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt