Crust/Earth BQO 49: Nightingale

1.2K 47 24
                                    

~~~

REMEMBER: If you're active in voting and commenting, your character will live longer or will be alive until the game is over. BUT, If you're not active in voting and commenting your character will die in the hands of Death Reaper.

~~~

Crust/Earth BQO 49: Nightingale

[December 03, 2020](Thursday)
10:30 a.m at Floating Dimension


Dark_Lord's POV

Kakabukas lang ng portal ay agad agad na kaming pumasok ni Crimson, nauna syang pumasok at ako ang huli.

Pagkapasok namin ay may nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa amin kaya napatakip kami ng mata, pagkapawi ng liwanag ay naramdaman naming bumaba ang klima. Nakita namin ang pagbagsak ng mga nyebe sa lugar ng pagtapak namin dito.

"Do you wanna build a snowman?" Natatawa kong biro kay Crimson.

"Baliw" pailing iling nyang sabi

Sus natawa lang yan sa joke ko, sanay na kasi yan sa akin, at parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa, at sya ay nakikipagkulitan na din sa akin minsan , kaya naaalala ko sya kay Couz H. Hindi ko pa rin matanggap na wala sya, pero bakit ganun? Parang feeling ko nandirito pa rin sya sa paligid. Parang buhay pa sya, pero hindi ako sigurado, nakakalungkot din dahil nawala din ang nga kaibigan nya. Ang nakakapagtaka ay sino ba yung mga Sinners na yun? Medyo kapangalan pa nila Lucyfier, pero sino nga ba sila? Lalo na yung Fallen Angel.

"Woy lalim ng iniisip mo ah" napatingin ako kay Crimson.

"Wala, nga pala Crim sino sa tingin mo yung Sinners?" Tanong ko, napahawak naman sya sa kanyang baba at parang nagiisip

"Dark, alam mo hindi ko din alam, pero familiar sila lalo na yung Fallen Angel, chaka yung iba. Sobrang familiar" sabi ni Crimson

Haish wag iyon ang isipin, dapat dito sa napakalamig na lugar.

[North Pole]

Biglang lumabas sa screen. Giniginaw na ako, kailangan namin ng makakapal na mga coats para mainitan kami kahit kaonti.

Kaya naglakad lakad kami para maghanap kung may mga village ba dito, kasi puro nyebe ang mga nakikita namin, meron ding mga christmas trees sa paligid, masyado ding makapal ang nyebe, at malakas ang pagbagsak nito.

Sa paglalakad namin ng mga ilang oras ay may nakita na rin kaming isang maliit na village, mga maliliit na bahay, at may isang malaking mansyon sa pinakadulo.

[Elf Village]

Elf?

"Saan tayo nyan?" Tanong ko kay Crim.

Tinignan lang ako nito at binigyan lang ako ng senyas na sundan ko sya, kaya sinundan ko nalamang sya, Nakarating kami sa isang shop.

[Boutique Shop]

Wow boutique talaga ha, sabagay nasa Earth talaga kami. Pumasok kami doon, at may mga players din na bumibili ng mga Damit na angkop sa panahon dito. Kami naman ay pumunta kami sa mga Coats, pareho kami ng kinuha. Black fur na coat, astig tignan at the same time simple. Pero matibay ito.

Lumabas na kami at naglibot libot sa village, pumunta din kami sa isang malaking inn at nagpareserve ng room kung saan kami magstastay pero aalis muna kami at maglilibot libot . May nakita kasi kami kaninang kweba nung papunta kami dito sa North Pole. Purong yelo iyon at may naririnig kaming mga ungol kaya gusto naming obserbahan ang lugar.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Where stories live. Discover now