FloatingCity BDQ 39: With Him

793 35 0
                                    


(REVISED)

______________

FloatingCity BDQ 39: With Him

Third Person's POV

Sa isang Kainan nagpulong pulong ang guild na Nightingale.

"Lord Knight, hindi pa rin ho namin matagpuan ang Death Reaper, pero hindi kami susuko sa paghahanap" ulat ng isang investigator ng guild

"Kung ganon ay talagang napakahirap hanapin ng taong iyon. Kung gayon kailangan ko na sigurong ibigay ang mission na ito sa mga Angel, na si Death(D34TH), Chris(Christian29), Mirakuro at kay Emperor. Nalulungkot ako sa kanilang Kasamahan na nasawi sa labanan sa mga Demons. Ngunit nakakatuwa dahil isa na lang ang Demon ang natira sa kanila"natutuwang pahayag ng kanilang pinuno na si Lord Knight.

"Kamahalan!" Mula sa bukana ng pasukan ng kainan, may isang player ang humahangos papunta sa kanilang pinuno. Ng makarating ito sa harapan ng kanilang pinuno ay agad itong yumuko at nagbigay galang.

"Ano iyon Ginoong Bantay"tanong ni Lord Knight sa isang Bantay nya.

"Napagalaman po naming ang nasawing player kahapon ay si Jazz!, na isa sa mga Jū(10) Healers" ulat ng isa sa mga bantay

Napatayo si Lord Knight at kita sa mukha nito ang gigil na pumatay.

"Lintik talaga ang Death Reaper na yan!.... Tawagin ang Archangel Ascention para sa isa pang pagpupulong, tawagin nyo na din ang Kyū(9) Councils, (10) Assassins, (10) Captains , (10) Knights, at ang iba pa. " utos nya.

Nagbow ang lahat nang nasa loob at lumisan , naiwan magisa ang Pinuno na puno ng pagkain ang kanyang napakahabang lamesa na parang pangfiesta na sa dami ng pagkain na naroroon.

"Nawala na ang Empress na matagal ko ng gustong kitilin ang buhay at ngayon ay dumating ka namang Death Reaper ka, kapag talaga nagkrus ang landas natin. Ako mismo ang papaslang sayo" sa pagbanggit nya ng mga salitang iyon ay mas naging makintab ang kanyang mata na kulay ginto at lumabas ang kanyang napakagandang gintong pakpak , mas humaba din ang kanyang napakahabang buhok na kulay ginto din. Nagmistula itong diyos dahil sa anyo nya. Napakagandang lalaki ang makikita mo ngayon dahil sa anyo nyang kay hirap abutin. Kailangan mong magsanay ng mabuti at mga ilang panahon bago mo ma master ito.

Archangel Ascention's Place~

Sa lugar kung saan naroroon ang mga Anghel na sumanib sa mga Nightingale. Kasamaan, yan ang parehong gustong ipalaganap, ngunit hindi lang sila dahil madami pa sila.

"Sa wakas at natalo ko na si Empress"masayang sabi nito pero iba ang sinasabi ng puso nya, naninikip ito at kumikirot kapag inaalala nya ang pagpaslang dito.

"Hindi lang ikaw" Death

"Pero guys nakakalungkot dahil nasawi si Mirage" dagdag nito

Isang napakasiyahing tao ni Mirage ang kaibahan sa kanya at sa kanyang mga kaibigan ay sya ay na iiba dahil iba ang pananaw nya at hindi sya kailanman sumangayon sa planong pagpaslang sa mga Demons. Sya ang pilit na binabago ang kanyang mga kaibigan, ngunit sya pa ang nasawi. Sya ang nagmaganda ang loob, sya na walang kamuwang muwang na nakipagsabwatan ang kanyang mga kaibigan sa Nightingale. Alam nyang may masamang plano ang mga ito kaya pilit nyang nilalayo ang mga ito sa pinakaunang guild.

"Magbabayad si Evillaine" Gigil na sabi ni Mirakuro

"Kasalanan din naman natin" Chris na seryoso ang mukha

"Ha!" Singhal na lang ni Mirakuro at pinakalma ang sarili

Kadalasan ang tao ay BULAG sa kabutihan ng kapwa.
Habang dilat sa KAPINTASAN ng iba ngunit sariling DUMI hindi nakikita.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Место, где живут истории. Откройте их для себя