Heaven BQO 32: Fight me

700 42 1
                                    

(REVISED)

________________

Heaven BQO 32: Fight me

Empress' POV

*KLASHINGGG*

Tunog ng aming mga sandata, ngunit mas lamang ako dahil espada ang sa akin, pero mabilis nitong sinipa ang kamay ko na nakahawak sa King Saw ko kaya nabitawan ko ito at tumalsik malayo sa akin.

"Shit" mura ko

Mabilis kong tinutok ang palad ko sa lupa at lumabas ang King Saw ko. Hinanda ko ito, hinanda na din nya ang kanyang mga kamao na may mga gauntlets nya. Mabilis akong nagblink sa harapan nya at winasiwas ito at mabilis ulit na nagblink sa kanang bahagi at nag Shadow Hit , sabay blink sa kaliwang bahagi at nag Demonic Slash. Napuno ng usok ang kapiligiran at nagkaroon na ng maliit na crater sa kinatatayuan ni Emperor. Hind ko parin ito mahalagilap, Pero may naramdaman akong malakas na mga kamao na tumama sa likod ko kaya napaluhod ako at nagkaroon ng crack ang kinatatayuan ko.

Rinig ko ang mga hiyawan ng mga manonood, napadapo ang aking paningin sa mga kaibigan ko, kahit na naiinis parin ako sa kanila ay mahal ko parin ang mga ito kaya nasasaktan ako ngayon dahil nakikita ko silang nahihirapan. Bakit kasi may Bad Buffs/Effects dito sa Heaven!

Hinampas ni Lucyfier si D34TH gamit ang kanyang Rock Cannon ngunit sinangga lang ito ni D34TH gamit ang kanyang katana ng walang kahirap hirap.

Tsk, dehado kami dahil sa effect ng bwisit na Heaven na to! It's freakin' unfair!

Naramdaman kong may tumapak sa ulo ko kaya bumaon ito sa lupa at paulit ulit na tinapakan pa.

"I'm your opponent so don't look anywhere, focus to our fight and be serious, I'm not here to play with you , I'm here to beat you, Empress" seryosong sabi ni Emperor.

Mabilis akong nagblink sa likuran nya at sinipa ito sa likod ng malakas.

"Tsk, no need to be serious, this is just a game. A fuckin' boring game, so I don't need to be serious about it. If the reward is to be free, I'm willingly give you a good damn fight, but right now..... There's no freedom anymore, I don't care if I die here, at least I became Happy for awhile. "

Yeah at least naging masaya ako dahil naramdaman ko din ang kalayaan na hangad ko kahit saglit lang.

"Can you please fight seriously?!" Tsk, halatang inis na.

"Well kahit na magseryoso ako, it still fuckin' unfair, because you have a Good Buff and I have a Bad Buff.... then tell me how can I fight you seriously kung sa una palang eh unfair na" Bored kong sagot dito.

"And I'm to lazy to fight you seriously, I want to play first" dagdag ko.

Ang mukha naman nya ay parang hindi mapinta. Dumilim naman ang mukha nito at mabilis na nawala sa kinatatayuan nito, may naramdaman naman akong malakas na suntok sa kanang pisngi ko. Napamura naman ako, pinaikot ko ang King Saw ko at mabilis na nagblink at winasiwas sa harapan nito sinangga lang nito ang ginawa ko ng walang kahirap hirap. Tsk

"Shadow hit" bulong ko at natuwa naman ako dahil nabawasan ito ng 2% ng hp nito. Pinatong ko ang espada ko sa balikat ko at pinaikot ito sa ulo ko ng pa clockwise. At nag attempt na saksakin ito ngunit nadaplisan ko lamang ito. Hinawakan naman nito ang espada ko kaya dumugo ang palad nito at mabilis na inalis ang pagkakahawak , napaso ito.

"Ako lang ang makakahawak ng sandata ko"sabi ko at winasiwas ang King Saw, yumuko ito at may mga naputol akong hibla ng buhok nito.

Habang nakayuko ito ay parang nagliliwanag ang mga kamao nito, napakunot naman ako hinanda ang King Saw ko at nag skill ng Demon Barrier kaya napalibutan ako ng Demonic na Aura at pumabilog ito .

Bumungad sa akin ang mukha ni Emperor na seryoso at mabilis na pumunta sa harapan ko at sumuntok ng napakalakas kaya nabasag ang Barrier ko at natamaan ako sa sikmura kaya napasuka ako ng dugo, tumalsik naman ako sa gilid ng arena. Ang sakit sobrang sakit kaya napapikit ako at napaupo. Huminga ako ng malalim at hinihingal na ako.

Napahawak ako sa tyan ko at madaming dugo ang lumalabas, paano ako nagkasugat? Tsk, at dumagdag pa ang parang nasusunog na mga kalamnan ko at sumasakit ang ulo ko. Napahawak ako dito at naalala ko ang sinabi ni Blood.

Kaya tiniis ko ang sakit at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni Emperor habang nakahanda ang espada ko para saksakin ito. Handa kong patayin lahat para lang mabuhay. Tsk. Kailangan ko na bang magseryoso? Tsk wag muna lalaruin ko muna sya bago ko sya lalabanan ng maayos. Tsk warm up palang to . Alam ko namang hindi pa nagseseryoso ito.

Nagthunder speed ako at pasikretong ginamit ang Shock skill ko kaya ng dumampi ang king Saw ko ay tumarak ito sa tyan nya at mabilis itong nastun at nakuryente sa loob. Napangisi naman ako ng patago sa buhok ko. Kaya hindi ako nagaksaya ng oras at sinipa sya sa 'The most Painful Part' nya . Alam nyo na sa THING nya.

Inilagay ko muna ang King Saw ko sa likod at hinawakan ang buhok nito at tinuhod ang ulo nito ng paulit ulit hanggang sa makagalaw na ito, hinawakan nya ang binti ko at hinagis ako, tumalsik nanaman ako sa gilid ng Arena.

"Mamatay ka na Empress! Booo!" Rinig ko sa mga manonood.

Binigyan ko lamang ito ng masamang tingin. Tinandaan ko ang mukha nito dahil kasama na sya sa Death List ko. Napaismid nalang ako dito at mabilis na nagblink sa harapan ni Emperor at nag fighting Stance.

"Tsk, once again Empress, Fight me seriously"seryoso nitong sabi.

Ngumisi naman ako at biglang nagliyab ang kanang mata ko.


___________

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Where stories live. Discover now