I secretly love you (lolualamyil)

1.2K 29 15
                                    

Warning: Contains a lil bit of foul words.

****
Nagpaalam ka sa magulang mo na papasok ka na sa paaralan. Unang araw ngayon ng pagpasok mo at excited ka dahil makikita mo na naman ang Xiumin mo. May hidden desire ka kasi sa lalaking iyon at wala ni sinuman ang nakakaalam. Magaling kang magtago ng mga crush ng buhay mo.

"Mom I'm going to school." paalam mo.

"Okay ingat baby." sagot naman ng mommy mo.

"Mom I'm going to school." ulit mo ulet. Napakakulit mo kasi at gusto mong kulitin ang mommy mo. Umaasa kang makukuha niya kung ano ba ang pinapahiwatig mo sa pag-uusap na ito.

"I know you're going to school. Kaya ingat baby." Medyo naiinis na ang tono ng mommy mo.

"Mom I'm going to school."

"Okay. Ingat baby." Sagot ng nanay mo kahit naiinis na talaga siya sayo dahil sa paulit ulit mong sinasabi. Kung pwede nga lang kanina ka pa niya pinatapon sa paaralan niyo sa sobrang kakulitan mo.

"Mom--" naputol ang sasabihin mo ng sumingit na ang mommy mo. Beastmode na si mudrabels mo.

"What is it that you like?" naiinis na tanong ng mommy mo. Sa loob loob mo nagdiwang ang kaluluwa mo dahil sa wakas nakuha na din niya.

"Uh-hmm. My allowance mom." nahiya kang sagot. Nahiya ka pa kahit wala ka namang ganun. Paechos mo lang yang hiya hiya mo kuno.

"Dapat kanina mo pa sinabi. Ang kulit mo talagang bata ka. Kuha ka ng 5k diyan sa wallet ko." saad ng mommy mo.

"Sorry mom. Kala ko kasi makukuha mo pinapahiwatig ko e." Tawa mo sa bawat sinasabi mo. Nagpaalam ka na at umalis na ng bahay. Masaya ka dahil ang dami mo na namang pera panggastos.

Hindi ka pa man nakakapasok ng paaralan ang dami nang bumabati sayo. Ganun ka kasikat at friendly. Hindi nga namin malaman kung bakit kahit ang dami mong kakilala e wala ni sinuman ang nakakaalam na may hidden desire ka kay Xiumin.

"Hi Ate Valyn!" Bati sayo ng isang freshmen na hindi mo matandaan ang pangalan. Masyado ka kasi madaming kakilala na halos makalimutan mo na mga pangalan nila.

"Hello!" bati mo na lang din dahil nga ang friendly mo ang dami mong kilala at ang daming nakakakilala sayo. Pwepwede ka na ngang tumakbong presidente sa dami ba naman ng kaibigan mo.

"Good morning Valyn." bati naman ng mga kakilala mo sa ibang section.

"Good morning din!" Bati mo pabalik

Papasok ka na ng classroom niyo nang masalubong mo ang pinakamamahal mong si Xiumin. May para bang kuryenteng bumalot sa buong sistema mo nang magtama ang inyong mga mata. Nginitian ka niya at para kang tangang walang reaksyon at tulala lang sa kanya. Shet. Ang gwapo niya sabi mo sa isip-isip mo.

"Huy Valyn Sui! Ano na bakla! Bat natulala ka diyan." pagbalik ulirat sayo ng kaibigan mong si Mich. Nawala ang pagpapantasya mo dahil nga sa kaibigan mo.

"Ah wala. Ang dami ko lang iniisip." Palusot mo na mukhang naniwala naman sayo si Mich.

"Tara na sa room bakla. Nako baka maunahan pa tayo sa place malapit sa bintana." hinila ka na ni Mich papuntang room niyo at buti na lang wala pang nakaupo sa spot na gusto niyo.

Lumipas ang ilang mga buwan at malapit na wala pa din talagang nakakaalam na may gusto ka kay Xiumin. Magaling ka kasing matago. Magtago ng feelings. Magaling ka din kasing umarte. Umarte na para bang wala kang nararamdaman kahit sa totoo lang kilig na kilig ka everytime na magkausap kayo ni Xiumin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EXO LOKOHAN 101Where stories live. Discover now