LEVEL 2

889 49 11
                                    


"Hey! Share tayo sa table ah?" Napatingin ako sa taong nagsalita sa harapan ko. Nakita ko ang nakangiting si Nytrin.

Nandito ako ngayon sa cafeteria dahil kakatapos lang ng klase ko kanina. Dito ako sa gilid nakapwesto para hindi pansinin.

"Sure." Sagot ko naman at ngumiti rin sa kaniya.

Umupo si Nytrin sa katapat ko at kumain din ng dala dala niyang pagkain. Feeling ko naman ay may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa center table ng cafeteria at nahuli ko si Matt na nakatingin sa akin.

Madalas ko siyang mahuling nakatingin sa akin kahit sa klase. Hindi ko na lang pinapansin.

"Have you seen Nyke?" Maya maya ay tanong sa akin ni Nytrin habang kumakain.

Mukha ba akong hanapan ng nawawalang baliw?

"Hindi eh. Baka nasa basemidtop." Sabi ko na lang tapos ay uminom sa bottled water na binili ko.

"Basemidtop? Bakit mo alam na tumatambay siya roon?" Kunot noong tanong naman niya sa akin.

"Ha? Syempre tambayan iyon diba?"

"Nope. Konti lang ang mga estudyanteng pumupunta roon. Kung may pumupunta pa nga ba. Kaya sabihin mo, bakit mo alam na tumatambay doon si Nyke?" Pag-uulit niya pa sa tanong niya at siningkitan ako ng mga singkit na niyang mata.

"Galing kasi ako roon noong nakaraan after flag ceremony. Tapos noong nakatambay ako roon, nandoon din si Nyke. Galing sa itaas ng puno. Akala ko tuloy unggoy." Paliwanag ko kay Nytrin tapos ay sumubo ako ng kanin at ng binili kong ulam.

"Hindi ka takot?" Tanong niya naman nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Anong tinutukoy niya? Hindi ako takot kay Nyke? O hindi ako takot sa basemidtop? Hindi ko gets.

"Hindi ako takot sa basemidtop. Kaya nga tumatambay ako roon." Nasabi ko nalang.

"Cool. Kasi tambayan ko rin iyon. May karamay na pala ako." Sabi niya tapos ay sumubo na ulit sa kaniyang pagkain.

"Karamay?" Tanong ko dahil naguluhan ako sa sinabi niya.

"I mean may karamay na ako sa pagtambay doon. Tambayan ko rin kasi iyon noong senior high. Bawal ang mga high school at senior high students na pakalat kalat dito sa Under Hill University pero hindi naman bawal tumambay doon. At nakakatuwa na may karamay na akong tatambay doon ngayon. Wala kasing nagdedare na tumambay doon eh dahil takot sila. Mga bading hahaha." Mahabang paliwanag niya tapos ay tumawa. Ako naman ay natawa rin.

"Hahaha tama! Dota players pa man din pero takot sa basemidtop? How ironic." Sabi ko naman tapos ay nakipag-apir siya kaya nakipag-apir na rin ako.

Pagkatapos naming maglunch ay niyaya niya akong tumambay sa basemidtop. Since matagal pa naman ang next class namin ay pumayag na rin ako.

"Ang sarap talagang tumambay sa tahimik na lugar 'no?" Sabi ko agad pagkarating namin sa basemidtop.

Lumapit ako sa isang puno tapos ay umupo ako sa nakaangat na malaking ugat niyon at isinandal ko ang likod ko sa puno. Tumabi naman sa akin si Nytrin.

Wala man lang katao tao rito.

"He's here." Napatingin ako kay Nytrin dahil sa sinabi niya. Kahit mahina ay narinig ko.

Under Hill University (School of Dota Players)Where stories live. Discover now