LEVEL 1

1.4K 55 6
                                    

"All students, go to quadrangle. We'll be having our flag ceremony. Thank you."

Kasalukuyan kong hinahanap ang magiging room ko nang may magsalita sa speaker. Monday ngayon at ito ang first day ko bilang 1st year college sa kursong Bachelor of Science in Information Technology dito sa Under Hill University.

Katabi ng Under Hill University ay ang Under Hill High School.

Karamihan ng estudyante na nag-aral sa Under Hill High School ay itinutuloy ang senior high at college dito sa Under Hill University. Kaya halos lahat ng estudyante na kasabayan ko ngayong 1st year college ay magkakakilala na. Ako lang talaga ang halos walang kakilala rito dahil hindi naman ako rito nag-aral no'ng high school at senior high.

Tuwing flag ceremony, ang best friend kong si Shiela Marie Natividad o kilala sa tawag na "Ehla" ang kasama ko sa pila noong high school.

But today is different. At siguradong hindi si Ehla ang makakasama ko sa pila. Magkaiba kasi kami ng university na pinasukan. Ang university na pinasukan niya ay ang school na gusto ng parents niya para sa kaniya matagal na. Kaya mula ngayon ay paniguradong bihira na lang kaming magkikita.

Pumunta na ako sa quadrangle at puno na agad iyon ng mga estudyante. Ang bagal ko kasing maglakad kanina. Kaya wala akong choice kung hindi ang pumwesto sa dulo.

Nagsimula na ang flag ceremony. At dahil sa hindi ako katangkaran ay hindi ko makita ang steps sa kanta ng aming university na isinasayaw ng ilang estudyante sa stage. Ngunit kailangan kong sumabay dahil mahigpit daw ang school na ito pagdating sa flag ceremony.

"Hey Miss! Huwag ka nalang sumabay sa steps kung hindi mo kabisado. Just remain standing. It's better." Sabi ng lalaki sa gilid ko tapos ay ngumiti sa akin. Aaminin kong may hitsura siya.

"Pero baka mahuli nila ako?" Sagot ko naman sa kaniya habang ginagaya ang steps ng mga estudyante malapit sa akin na hindi rin naman kabisado ang steps.

Ang tinutukoy ko sa sinabi ko ay ang school officers. Hinuhuli nila ang mga estudyanteng hindi nakikipagcooperate sa flag ceremony.

"Mahuhuli? I don't think so. Masyado kang maliit para makita nila at hulihin. Advantage iyon diba? Hahahaha." Sabi pa niya tapos ay tumawa.

Ewan ko kung matutuwa ako sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung compliment ba iyon o insulto. Hindi na lang ako nagsalita.

"Hey Miss! Don't get me wrong okay? I'm just telling the truth. But in a good way." Pagdepensa niya pa sa sarili niya tapos ay ngumiti. Nakakahawa iyong ngiti niya kaya naman napangiti nalang din ako.

"By the way, I'm Nytrin." Sabi niya tapos ay inilahad ang kamay niya sa akin.

Kahit medyo nag-aalinlangan ay inabot ko ang kamay niyang inilahad niya sa akin just to make a little handshake with him.

"I'm Jes." Sabi ko naman tapos ay bumitaw na ako sa kaniya.

"Nice to meet you Jes." Sabi niya tapos ay ngumiti na naman.

Iyon lang ba ang alam niyang gawin? Ang ngumiti?

"Ah h-haha. Same here Nytrin." Nasabi ko na lang tapos ay umalis na ako ng pila.

Hindi pa tapos ang flag ceremony at wala rin naman akong balak na tapusin since hindi rin naman ako makasabay. Napansin kong wala naman palang nagbabantay na officers ngayon kaya tuluyan na akong umalis sa quadrangle.

Under Hill University (School of Dota Players)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin