“Teka…may titignan lang ako,” biglang tumayo si Yuan. “Dito ka lang. Babalikan kita,” isang oras na kami rito at bore na bore na ako sa pagtitig ko sa pagkain. Mabuti na nga lang may pupuntahan itong si Yuan at hindi ako maiinis sa mukha niya. Atleast pwede akong umidlip at gisingin na lang niya kapag aalis na kami.

Yuyuko na sana ako sa mesa nang may mahagip ang mata ko. Bigla akong napatayo nang makita sina Gaile at Lucy na sumakay ng elevator. Ano naman ang ginagawa nila rito? Halata sa mukha nila na excited na excited sila. Ha? Ano naman kaya ang gagawin nila at parang kilig na kilig?! Don’t tell me…

Tumakbo na akong papuntang elevator para abutin sila pero biglang sumara ang elevator. Pinuntahan ko ‘yung isang elevator. Pumasok agad ako pero naistatwa ako sandali nang isipin kung saang floor naman sila pupunta. O God,  nanginig ang daliri ko nang pindutin ang 7th floor button. Bahala na. Bahala na talaga si batman!

Ilang beses akong nagbuntong hininga bago bumukas ang pinto. Sumilip muna ako bago lumabas at nanlaki ang mata ko dahil walang katao tao sa floor na ‘to. At talagang pwedeng manalami sa sahig. Natatakot nga akong humakbang dahil kitang kita ko ‘yung baba mula rito. Dahil gawa sa glass ang tiles. Oh God, tutuloy pa ba ako?

Pero nahagip ng mata ko sina Gaile and Lucy na kumaliwa. Kahit takot na takot akong humakbang ay naglakad pa rin ako ng dahan-dahan. Sino ba naman kasi nagpagawa nito na parang kapag tatadyakan mo mababasag na agad yung tiles at kitang kita pa ‘yung baba?

“Gaile! Lucy!” kumanan naman sila ngayon. Hindi ko na alam kung ano takbo ang ginawa ko. Kumanan din ako pero nawala na sila. Baka pumasok sila sa isang kwarto?!

A! Bakit naman kasi sila pumunta rito?! Na curious naman ako at sinundan sila?! Medyo shunga-shunga ka a!

Naglakad na ako at naging kumportable na ang lakad ko dahil maayos na ‘yung tiles sa parte rito dahil hindi na siya katulad nung kanina. Naglakad ako hanggang sa nakarinig ako ng tugtugan. Baka…baka…nandoon sila?

Lumapit ako hanggang sa itapat ang tenga ko sa pinto. Nakarinig ako ng yabag kaya nagtago muna ako sa gilid. Si…si Conrad ba ‘yun? Nagtago ako hanggang sa hindi mapansin ni Conrad. Papunta siguro siya sa elevator? Nang mawala si Conrad sa paningin ko ay pumunta ulit ako sa tapat ng kwarto. Nakabukas ng kaunti ang pinto kaya nakasilip ako.

Keep your head up, love,

Nobody here can stop us

Napalunok ako sa kumanta. Nadestino agad ‘yung mata ko kay…Newt? Kumakanta ang manyak na ‘yun? Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanya dahil oh my God! Ang ganda-ganda ng boses ni Newt.

Baby, I've had this same dream

Where I wake up wondering

What it really means

If the world came running down

Iniwas ko ang tingin ko hanngang sa nakita ko na sila. Isa palang studio ‘to. ‘Yung mga kapatid ni Newt kasama niyang tumutugtog. Si Henrik may hawak na electric guitar at ganun din si Van. Si Ian naman nagda-drums at si Newt ay kumakanta.

Napalunok ako.

Oh God, bakit ang perfect? Ang perfect nila?

Pinagmamasdan ko sila nang bigla akong umiwas ng tingin dahil biglang tumingin si Newt sa pinto. ‘Yung boses ni Newt nakakaadik na ayaw mong hindi marinig araw-araw. God, sayang. Sayang si Newt dahil manyak siya. Hindi ko alam na ganito pala kalamig at kaganda ang boses niya.

Napapikit na lang ako at napasandal sa pader. Wala naman sila Gaile at Lucy dito e. Ano namang pinunta ko? Saan naman kasi nagsuot ang dalawang ‘yun?!

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now