Napabuntong hiningi nalang ang lalaking kasama niya at tinignan ito ng seryoso sa mukha, "Xabrina." Kasabay neto ang kaba na naramdaman ng dalaga dala ng tensyon at pagigising seryoso ng kanyang kaharap, "Talikuran na natin 'to, Xav. This isn't the life we deserve. This isn' the life you deserve." Kumunot naman ang noo ng babae sa sinabi ng lalaki. Ito na siguro ang unang beses niyang narinig ang lalaki na sobrang seryoso.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Let's throw this life that we have and let's start a new one. Hindi ito ang buhay na gusto kong harapin mo. Let's leave this kind of doing here in the philippines, let's move back to Korea."

2 years later

"Min yoongi! For pete's sake kanina pako naghihintay sayo dito! Wala ka bang balak bumaba?"

Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang oras na akong naghihintay sakanya dito. Para sa isang lalaki, hindi dapat siya ganito katagal magayos. Dinaig pa ako na babae. Napaka-arte kahit kailan.

"Calm down. Pababa na." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

Lumabas na ako ng pintuan ng bahay namin, wala yung iba ngayon dito kaya medyo tahimik. Ito na siguro pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko, walang mga asungot na sisira ng umaga ko.

The moment I stepped out of our house, tinignan ko ang buong paligid. What a peaceful place to look at. Mga cherry blossoms na puno, walang gaanong mga sasakyan na nakakadagdag sa polusyon, puro mga bisekleta lang ang makikita mo at iyon ay magandang bungad na sasalubong sa umaga ko.

2 years na pala kami dito sa Korea. Hindi ko namalayan ang mga oras, araw, buwan at taon na lumipas simula nung lumipat kami dito galing pilipinas. Ito na ata ang ideal place na gugustuhin mong tirahan kung gusto mo ng mapayapang buhay, but not for me. Gusto ko ng umuwi ng pilipinas. Yung mga kaibigan kong naiwan ko doon, yung mga problema kong tinalikuran ko na hindi ko natapos. Ano na kayang balita sa mga 'yun ngayon?

I'm Xabrina Min, my friends call me Xav. Spent my 18 years living and facing brutal stuff na ibinigay sa amin ng pilipinas. I was never proud of being one, I can totally say I'm not someone who has a normal life to live with. Siguro kami yung mga taong tinutukoy nila bilang mga basagulero o mga mafia gangsters whatever. The word itself is cruel, I never liked that term. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, I would choose the normal life. Pero hindi ko pinagsisihan sa buong buhay ko na naging ganito ako. Kung sigurong namuhay ako ng normal, I wouldn't know who my Mom is. At hindi ko siguro malalaman mga kagaguhan ng tatay ko. Si Yoongi lang naman ang gustong mamuhay ako ng normal, but no, I didn't. I wanted this life for the sake of our safety. I never regretted this.

"Reminiscing, baby?" Naalis ang atensyon ko sa mga bagay noon ng biglang nagsalita si Yoongi sa tabi ko. He looks fine and normal. But deep inside, alam kong may mabigat siyang pinagdadaanan. At isa na ako sa mga pabigat na 'yun.

"Just thoughts. Don't bother asking what, not even important."

Min Yoongi, the name itself screams popularity. Sa mga nakaraang taon, siya nalang ang tumayong pamilya ko. He never left my side kahit na minsan, tempt na tempt na nga akong tadyakan siya minsan dahil sa sobrang arogante niya. I still love him though, he's my brother so I should live with it.

"Stop the train of thoughts, alam ko kung anong iniisip mo." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa destinasyon namin. Ang araw na ito ay ang araw ng bonding namin, madalas kami pumupunta sa park para maglaro ng skateboard. Ito ang nakasanayan namin nung kami'y nasa pilipinas.

"You know I can't stop thoughts like these, Yoongi. We grew up with this." Napa-iling nalang siya sa sinabi ko. I took that as a sign para tigilan na ang topic na ito.

He never liked the life we grew a fond of, para sakanya, napaka-stupid ng ideya na pinasok namin. Kung tutuusin, kung hindi lang dahil sakin, hindi kami magiging ganito ngayon. I was the one who entered this life, and him having the role of my brother who needs to support the shit I stubbornly do, wala siyang choice kung hindi sundan ako. I'll give him credit with that.

Nakarating na kami sa park kung saan madalas kaming maglaro ni Yoongi, at kung minamalas ka nga naman diba.

"Hyung!" The moment I heard his voice, otomatikong napairap ang mga mata ko. Good heavens, why this day?

Here they are, ready to ruin my day.

"Goodmorning, Xav! Kumain ka na ba?" Tinanguan ko nalang sila at hindi pinansin ang tanong niya. Malamang kumain na ako, hindi pa ba sila nasanay sa kapatid ko? Would never let me go kahit saan pa hangga't hindi ako kumakain.

Siniko naman ako ni Yoongi kaya napatingin ako sakanya. Sinenyasan niya ako na batiin sila at kahit na labag sa loob ko ay ginawa ko na.

"Hi." Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko kakayanin makarinig ng nakakairita nilang boses sa buong araw kung magsasalita ako ng marami.

Ah, the people I am referring to? Bangtan Sonyeondan.

Hindi ko na siguro sila kailangan ipakilala dahil alam ko naman na hindi lang sila dito sa Korea sikat. Mapa-western countries siguro kilalang kilala sila. Oo, kabilang nga si Yoongi sakanila kaya wala akong choice kung hindi tanggapin ang presensya nila sa buhay ko araw-araw.

Napataas ang kilay ko nang bigla akong tabihan ni Jungkook sa inuupuan ko. Nga pala, yung supposed-to-be bonding namin ni Yoongi nasira. Nauwi rin sa sila ang naglaro at ako naiwan ditong mag-isa. It's not like I'm going to join them. Masisira lang ang araw ko sa mga kalokohan nila.

"Earth to Xav? Lalim nang iniisip natin ah? Bakit ka magisa, care to share?" Tanong ni Jungkook sa akin. Siya yung pinakabata sakanila, magkasing-edad lang kami nito eh. Kumbaga siya yung ka-level ko sakanila. But of course, that wouldn't change the fact that I still don't like his presence near me.

"I was, pero dumating ka. Mukha pa ba akong mag-isa? Stupid." Natahimik naman siya sa sagot ko. He better be, mas maganda kung tatahimik lang siya diyan at wag akong guguluhin dahil once na mainis ako sakanya, ihahampas ko sakanya 'tong skateboard ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naghahanda nang umalis, uuwi nalang ako sa bahay kung saan wala sila. Mas maganda nalang sigurong kumain ako kesa sa panoorin ko sila doon. Nakakabagot.

Maglalakad na sana ako ng biglang hawakan ni Jungkook ang kamay ko.

The hell? Ang lakas ng loob neto ah. Sinong may sabing pwede niyang hawakan ang kamay ko?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Iritang sabi ko sakanya. I hate skinships and they know that. Ano ang karapatan niyang hawakan ang kamay ko ng walang pahintulot galing sakin?

"Saan ka pupunta?" Tanong niya at hindi pa binibitawan ang kamay ko.

"Wala ka ng pake doon. Bitawan mo nga ang kamay ko." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay binitawan na niya ang kamay ko. Naglakad na ako paalis pero natigil ako ng bigla siyang tumayo at pumunta sa harapan ko.

"Bakit ba ganyan ka kasungit? Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Is this guy trying to pick a fight with me? Hindi ito ang tamang oras sa mga kalokohan niya. Nagugutom na ako at kailangan kong busugin ang sarili ko sa mga pagkain, hindi sa mukha niya.

"Hindi ako masungit. Wala lang talaga akong balak kausapin ang isa sainyo. Umalis ka nga sa harapan ko. Quota na mga salita ko sa lahat nang sinabi ko sayo."

Hindi parin siya umaalis sa harapan ko and that made me really pissed off. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kung hindi hawakan ang kwelyo ng damit niya.

"Listen to me, Jeon Jungkook. Wala akong oras sayo. Kaya umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong ikaw gawin kong pamalit sa skateboard ko." Malakas na itulak ko siya palayo sa akin at patuloy na naglakad papunta sa direksyon ko.

Umagang umaga sira na mood ko dahil sa taong 'to. Bwisit na Min Yoongi 'yan, malilintikan yan sakin mamaya.

Bad Ass DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon