15;

338 19 5
                                    

Xav's POV



Hindi pa rin lubos matanggap ng isip ko na kabilang si Red sa pinakamataas na organisasyong hinahawakan ng tatay ko. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na papasukin niya iyon dahil siya na mismo ang nagsabi na hindi niya ito papasukin. Kuntento na kami sa kung anong organisasyon ang pinasukan namin at hindi kami naghangad na mapabilang pa sa pinakamataas. Tch nakakatuwang isipin na bago siya umalis nakuha niyang mangako na hindi niya papasukin ang organisayong iyon kung hindi kami kasama.



Sa totoo lang isa sa mga dahilan kung bakit iniwan at tinalikuran namin ni Yoongi ang buhay na meron kami sa pinas ay dahil mismo sa ama namin. He was forcing us to join his shitty organization, nasa tamang pagiisip pa naman kami ng kuya ko kaya tinanggihan namin ang alok niya.



Nabuhay kami para pumatay ng tao, aminado ako dun. Pero hindi kami nabuhay para pumatay ng inosenteng tao. Malaki ang pagkakaiba nun. He kills innocent people, he takes away their lives just for the sake of money. Isa 'to sa mga kinasusuklaman ko sa organisayon niya. Kumikitil sila ng buhay ng tao para makakuha ng pera and for fucks sake, hindi niya kelangan gawin yon because he's already damn rich.



Isa din ito sa mga rason kung bakit kami hina-hunting ngayon ng mga bata niya. We are one of the strongest, toughest and fearless gangsters hindi lang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo din. We are capable of doing anything kaya ganon nalang siya kadesperado na mapabilang kami sa organisasyon niya.



Tanda ko pa binalaan niya ang mga buhay namin kung hindi kami papayag sa gusto niya



What a great father he is. Ibang klase.



Oo mga gangsters kami pero kahit papano may limitasyon ang mga gawain namin, pumapatay kami pero may rason ang pagpatay namin. Hanep, sariling anak dinadamay niya sa katarantaduhan niya. Kaya sigurado ako na siya ang nagpadala kay Red para matunton ako.



Isang tanga din.



Hindi lingid sa kaalaman niya na hindi kayang tumbasan ni Red ang kakayahan ko pero siya pa ang pinadala nito. Kung pagbabasehan lang hindi mangangalahati ang kaya kong gawin sa kayang gawin ni Red. Mayabang pakinggan pero yun ang katotohanan.



Masyado siyang kampante na kaya kaming idala ni Red pabalik sa pinas. Masyado niyang pinagkatiwalaan ang lakas niya. Isang pagkakamali na iyon tss.



Kung gusto niya ng laro bibigyan ko siya ng laro na paniguradong tatatak sa isip niya , kung marumi siya maglaro mas marumi akong maglaro. I dont play fair either. Pinanganak akong barumbado kaya hindi ako madaling magago, kaya pasensyahan nalang kung makapatay ako.



Binalik ko ang atensyon ko sa harap ng computer at pinagatuloy ang pagbabasa ko sa mga informations na nakalap ko and I can say na madami din nagbago.

Bad Ass DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon