Chapter 17: Broken

Start from the beginning
                                    

Napatigil ako. ‘Kahit na mukhang si Kuya Royce ang mas nasaktan…’

“A-anong sabi mo, Harley?”

“Hmm?”

“May sinasabi ba sa’yo si Royce tungkol sa past namin?”

“Wala naman…”Pumikit siya habang ako naman ay nasa kanya pa rin ang atensyon. “Naalala ko lang nung niyaya niya kong mag-basketball dati, kahit bata pa ko naaalala ko lahat ng nangyari. Lahat ng sinabi sa’kin ni Kuya Royce. Dahil don… natatakot na ko. Baka mangyari rin sa’kin ang nangyari sa kanya.”

“A-anong nangyari sa kanya?”

“He was broken because of you.”

Buong gabi kong inisip ang sinabi ni Harley. Bata pa siya. Wala pa siyang alam tungkol dito. Pero bakit nasaktan ako sa sinabi niya? Bakit?

**

“Hi, this is Royce. Please leave your message after the tone.” Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Bakit ba pakiramdam ko galit pa rin siya? Hindi ko naman gustong mangyari ‘to.

“R-Royce…” garalgal ang boses ko ng mag-iwan ako ng message para sa kanya. “Please call me after hearing this, okay? Please. Sorry.”

Pumikit ako at napahagulgol. Mahal ko si Royce at hindi ko kayang nagagalit siya sa’kin. Kaya naman kinabukasan sinubukan ko ulit siyang tawagan. Basta may freetime ako, hindi ko tinatantanan ang cellphone niya. Isang linggo ang lumipas pero walang nagpakitang Royce sa’kin. Naka-receive ako ng message galing sa kanya na hindi naman siya galit busy lang daw siya kaya hindi na kami nagkakaroon ng time na magkita.

Pinanindigan ko ang text niyang yon. Hindi ko muna siya iistorbohin dahil busy siya. Kaya sobra akong nasaktan nung makita ko siya sa mall.

“R-Royce…” hindi ko kilala kung sinong kasama niya. Babae ‘to at mukha silang may relasyon. Malayo siya sa pwesto ko pero hindi ako nagkakamali. Siya talaga yon. Tumulo na ang luha ko ng makitang hinawakan siya sa kamay ng babae at hindi niya manlang iniwas ang kamay niya. “D-Dana… pwede bang umuwi nalang tayo? Medyo sumama kasi ng pakiramdam ko.”

Hindi naman siya nagsalita. Hindi niya nakita ang nakita ko. Hindi niya nakita nag pagtatraydor sa’kin ni Royce. Walang pinsan na babae si Royce. Wala din siyang kapatid. At isa pa, busy siya. Busy siya sa ibang babae.

Simula non, wala na kaming naging communication. Iniwasan ko siya. Ramdam ko rin naman ang pag-iwas niya dahil hindi na rin siya nagtetext sa’kin. At simula rin ng araw na yon, natakot na ko. Natakot na kong magmahal dahil pare-parehas lang silang nawawala sa’kin.

**

“Ready ka na ba, Hailey? Sunduin nalang kita sa bahay niyo.” Sabi niya sa kabilang linya. Napapikit ako. Damn it. Bakit ba kasi late na ‘kong nagising?

“H-hindi na Kuya Dino, ahm… patapos na rin akong magbihis. Kita nalang tayo sa mall.”

Just Like BeforeWhere stories live. Discover now