XXX. Ride

4.7K 172 7
                                    

Nakapag teleport kami papunta sa destinasyon namin sa pamamagitan ng litrato na yon.

"Tapsi house? Kakain tayo, Boss?"--Darren.

Dito kami dinala ng teleportation power namin ni Ceejay. Malamang? Dito nakatira yong mga bata sa litrato.

Nasa labas kami ng tapsi house. May iilang customers sila pero hindi madami. As I looked at the displayed tarpaulin kung saan naka print doon ang sample food nila, the food looks like just an ordinary beef steak with sunny side up eggs , cornbeef and sausages. Pang-umagahan ang mga pagkaing 'to pero may gusto paring kumain nito ngayong gabi na.

"Sino ba kasi ang mga batang yan!?"--Ara. Binawi niya sakin ang hawak kong litrato.

" May secret mission ka na naman, Duchess?"--Sleyter. Binawi niya ang litrato kay Ara para tignan ito.

" I have some important things to ask sa mga bata. I need to know now. I apologize dahil nadisturbo ko kayo." I projected an uninterested face while saying that.

Binawi ko ang litrato sa kanila. Austin, Sleyter, Ara, and Fiona showed a 'like do we have a choice?' Look and the rest not mentioned ay napangiti lang like they are saying 'No problem'.

"Pumasok na tayo, Thiara."--Ceejay. He grabbed my one hand as he hauled me papunta sa loob ng tapsi house.

I don't know why I glanced at Austin while Ceejay is holding my hand.

" Sandali lang, Pre! Nakalimutan mo ba that we are still under that spell!"--Darren.

Nang hilain kasi ako ni Ceejay, everyone followed.

Tsaka nagbanggaan kaming lahat nang biglang huminto si Ceejay dahil sa sigaw ni Darren. Nabitawan ako ni Ceejay.

"Nyaahh! Oo nga! Please be careful! Muntikan na akong madapa. Huhu. Nakakahiya na may magandang tulad ko na madadapa."--Anaben.

Gumana na naman ang pheromones niya. Nakita kong napanganga yong mga guys nang makita ko si Anaben na nagpapa cute. Guys except Austin. Mukhang hindi siya tinatablan?

" hahaha. Sorry, guys. Sige na. Pasok na tayo."--Ceejay.
Napa peace sign siya at malapad na napangiti.

Pumasok na kami sa loob na parang mga langgam. We are now forming a straight vertical line now. Napatingin yong mga tao dahil for sure, ang we-weirdo namin.

"Lakad pa takda! Kad!"--Darren. Samahan pa natin ng isang siraulo dito na parang mas pinapahiya niya lalo ang approach namin.

" harap sa kaliwa! harap!"--Austin. Nagpapaka engot na naman ang isang 'to. Nagkatinginan sila ni Darren. Nagkakasundo nga ang dalawa dahil tuwang-tuwa sila sa ginawa nilang panghihiya saming lahat.

"Huwag kayong mag swap ng utak ni Darren ha?"

Pabulong na sabi ko kay Austin and then he smirked.

"Bakit naman?"--Austin.

" Useless kasi. Parehos kayong engot."

Napakunot-noo siya. He threw me a stupid glare.

"Mas mabuti ng ganon kaysa makipag palit ako ng utak sa isang Amazonang Freak na pinaglihian sa isang maarteng gorilla."--Austin.

Gusto ko siyang suntokin pero hindi ko magawa kasi parang medyo naririnig na ni Ceejay ang bulong-bulongan namin. Gumagalaw kasi ang mga taenga niya. Chismoso.

"Huh. Dimwit." My short reply habang naglalakad parin kami papunta sa front table kung saan doon mag-o order.

Nang pumasok ako dito, may kakaiba akong nararamdaman. I can't sense any immortals here pero may malakas na enerhiya akong nararamdaman but it stops me for realizing what is it.

Time Traveler's Quest | The Immortal Royalties Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon