♀♀ Chapter 34

1.7K 36 7
                                    

♀♀ Chapter 34: CONTINUATION OF DAWN'S POV CHAP32

✉Thankyou sa mga bomoto at mga nagkumento. Gustong-gusto ko na talaga magupdate kaso bugbog sa trabaho. Eto nga eh haha kahit antok ako gusto ko padin. Sorry hindi mahaba. Ito muna ha :D sa mga bago kong followers sa twitter thankyou po :D chat-chat tayo minsan. Tsaka nagfofollow back talaga ako. Haha makikichika ako sa buhay niyo!

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

DAWN's POV

*flashback* year 2008 -phonecall.

Dawn: Hello bes! :D

Sunshine: Hello...

Dawn: Kakauwi mo lang sa bahay?

Pagkauwi galing school, si bes na ang unang taong pumapasok sa isip ko. Simula nung grumaduate siya ng highschool, araw-araw ko na siya namimiss. Parang gusto ko na rin pabilisin ang oras para grumaduate. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. Siya ang "ate" ko na nagtuturo at gumagabay sa akin sa eskwela kaya nung grumaduate siya, sobra-sobrang namimiss ko siya.

Sunshine: Oo, nakakapagod. Ayaw ko talaga maging nurse bes!

Gabi-gabi maririnig ko yung boses niya na nagrereklamo sa kabilang linya. Hindi niya talaga gusto ang kurso niya nung una. Gabi-gabi puro sa pag-aaral niya ang ikwekwento niya, o kaya naman sa mga bagong classmate at kaibigan niya. sa gabi-gabing yun mas lalo ko pa siyang namimiss. Pero... pag naririnig ko yung boses niya sapat na iyon para mabuo ang araw ko.

Dawn: Eh bes...

Cj: Ate Dawn!

Dawn: Wag ka nga magulo, may kausap ako!

Sunshine: Nalulungkot ako bes.

Sa tuwing nalulungkot siya... gusto ko siyang punatahan kaso hindi pwede. Banned ako sa bahay nila.

Dawn: Kumain ka na ba?

Sunshine: Oo tapos na. Anong ginagawa mo?

Dawn: Nagigitara :D

Gitara-imposibleng magkaroon ng isang araw na hindi siya ang hawak ko nuon. At iyon lang din ang tanging paraan na alam ko para maipaabot sakanya ang nararamdaman ko.

Sunshine: Nag-aral ka na ba?

Dawn: Bes, Thursday ngayon! bukas homeroom lang kami.

Sunshine: Ahh... kaya naman pala.

Dawn: Kakantahan na lang kita para maalis ang pagod mo!

Halos gabi-gabi hinaharana ko siya kahit sa kabilang linya lang... pinapaabot ng kanta ang bawat salitang gusto kong sabihin sakanya.

♫ There are times, when I just want to look at your face ♫

Nakaipit yung cellphone sa tenga at balikat ko habang ang mga kamay ko ay kumukumpas ng gitara. Mga kantang sana makarating sakanya na mahal ko siya.

♫With the stars in the night ♫

Si bes na ata ang pinakamanhid na tao sa mundo. Sa bagay, wala siyang kamuwang-muwang na pwede ko pala siyang mahalin ng mas higit bilang "ate" pa.

♫ There are times when I just want to feel your embrace ♫

Gabi-gabi ko siyang tinutugtugan, gabi-gabi din niya akong tinutulugan.

♫In the cold night♫

Mikoy: Ate Dawn, sino kausap mo?

Dawn: Si Ate Ganda. Gusto mo kausapin?

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon