♀♀ Chapter 2

6.4K 95 16
                                    

♀♀ Chapter 2: Miss Best Actress belongs to??

✉Thankyou po sa mga bumasa at sa kauna-unahang vote ko sa kwento si @iamborderline16. sobrang saya ko po, idol ko po kasi kayo. Kayo pa yung first na nagfollow sa akin. Thankyou so much po!

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

SUNSHINE's POV

Yung pakiramdam na antagal mong sinupress yung nararamdaman mo para maging emotionless ka sa harap ng madaming tao... para makita nila na okay ka na kahit di mo alam kung okay ka na ba talaga. Tapos ano? biglang makakasama ko sila sa iisang bahay. Ang malupit pa, kasama pa yung bago niyang girlfriend.

Gusto ko magpagulong-gulong sa kama nun, sobrang ang gulo ng isip ko. Parang nung nakita ko silang makakasama ko sa bahay parang nag upside-down yung mundo ko. Gusto ko tuloy tanungin ulit kung move on na ba talaga ako.

Pagkatapos kung magpalit ng pambahay, tumayo na ako para buksan yung pinto kaso nga lang pinigilan ako ni Aya.

"Oh bakit?"

"Sigurado ka bang lalabas ka?"

"Oo naman, may babaril bas akin sa labas?"

"Baka kasi... friend, sorry na talaga"

"Friend, keri lang" :D

Paglabas ko, walang tao. Nasa kwarto din sila? Nagkakailangan siguro kami.

"Ang ganda ng bahay nu? May mga gamit na din"

"Yep, pero mahal nga lang talaga yung renta kaya apat tayo dito."

"Okay lang naman yun, malaki rin naman to para sa ating dalawa."

Tapos biglang bumukas yung pinto nila at bumungad sa akin si Bella.

"Naglunch na ba kayo? May hinanda kasi kami kanina para sa inyo"

"Ahh talaga? wow, thankyou! Ahh wait lang ha"

Sana naman convincing yung pag arte ko. Kinuha ko yung red wine sa malleta ko para pagsaluhan namin.

"Antagal na nating hindi nagkita. Nakakagulat kasi dito pa tayo ulit magkakasama" ramdamo ko yung tension sa aming tatlo, kaya naman minabuti ko na simulan ang usapan sa tamang pagpapakilala sa bawat isa.

"Ahh nga pala friend, si Dawn bestfriend ko nung highschool tapos si Bella naman schoolmate niya nung college NAAAA – ahh... ako talaga magsasabi?" sana effective yung ginagawa ko.

"Na girlfriend ko ngayon" ngumiti at sumagot naman si Dawn

"Uhumnn. At nga pala si Aya, friend ko" pagpapakilala ko naman kay Aya.

"Weeh?" Aba maka-weh tong Bella na to kala mo close.

"Maka-weh ka dyan ha!"

"Taken yan si Shine, hindi nga lang ako" biglang seryosong sagot ni Aya. Oo, may pagka-bipolar yan. Siguro naiilang lang din siya kasi hindi naman niya alam na si Dawn na magiging ka-bahay namin eh yung ex ko na matagal ko ng kwenekwento sakanya.

"Uhumnn. So, Cheers?"

"CHEERS!"

"CHEERS!"

"CHEERS!"

"Sunshine, bakit nga pala kayo nadayo dito sa Leon Guinto?" tanong ni Bella.

"Anlayo kasi ng ospital na pinagtrabahuan ko, kaya nagdecide ako na mag rent na lang malapit dito. Ito namang si Aya wala kasing ma-aya makipag live in kaya pinagtiisan ako"

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon