HALLOW EVEN SPECIAL CHAPTER

3.4K 51 5
                                    

♀♀ Chapter 13: MISSION ACCOMPLISHED

✉Gusto ko po magpasalamat sa mga taong kumausap sa akin nung mga pagkakataong tulala padin ako sa ngyare sina @padthailove dok maki! Kahit na medyo nahihirapan tayo sa pagchachat kasi sa inbox lang kita nakakausap, nakakatuwa kasi nagrereply ka padin. @MaryAnnDy9 di ko alam kung mababasa mo pa to, o baka focus ka na ulet sa pag-aaral, salamat kasi lahat ginawa mo para lang mabaling yung atensyon ko. At yung Macky ng buhay ko, boses mo pa lang napakacomforting talaga.

HALLOW EVEN SPECIAL PART 2: PORTAL OF ENTRY

Hindi ko naman sana intensyon gumawa ng ganitong chapter pero gusto ko lang ishare yung natutunan ko out of this experience. Tungkol sa kinakatakutan nating lahat -DEATH.

Sa paglisan ng kaluluwa natin mula sa ating katawang loob dito sa Lupa, hindi iyon ang tinatawag na kamatayan.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

SUNSHINE's POV

Kamatayan-sino nga ba ang hindi takot sa salitang ito? Marami tayong iba't-ibang kinakatakutan pero ano pa nga ba ang mas hihigit dito?

Nung namatay yung lolo ko, duon pa lang namulat ang isip ko sa salitang hangganan. Duon ako nagsimulang magtanong kung ano nga ba ang buhay pagkatapos sa Lupa. Duon ako nagsimulang mangamba...

Na baka balang araw, kahit ang sarili mo mismo eh papasok sa kahong magiging lagayan mo magpakailanman.

Nakatayo ako sa harap ng medical team na nagcocode, na nirerevive ang tito ko. Hindi ako makagalaw, dahil hindi ko parin ma-grasp yung idea na kahapon lang kausap at kabiruan pa namin siya tapos ayan na siya ngayo at may taklob ng kumot sa buong katawan.

Syempre hindi maalis ang iyakan. Ang hinayang, ang walang katapusang tanong ng lahat Bakit siya? Napakabait niyang tao.

Habang naririnig ko sila, duon pa lang nagsimulang maramdaman ko yung sakit sa katawan buhat ng walang tigil kong pag-ccpr.

Narealize ko, na hindi mo talaga masasabi kung ano ang pwedeng mangyari. Maaring masaya ka pa ngayon, masasarap ang kinakain mo... pero mamaya, hindi na natin alam.

Parang nga nag plaplay back pa sa isip ko yung paulit-ulit naming pagkanta ng Dance with my father ng kapatid ko sa sasakyan nun na hindi ko pinagtuusan ng pansin. Hindi man siya ang tatay namin, naging tatay siya sa lahat naming magpipinsan bukod pa sa mga anak niya.

"Pumunta pa siya sa bahay nung hapon kaso hindi ko siya binaba para tignan kasi katatapos ko lang maligo. Yung apo niya lang yung nakita niya" mangiyak-ngiyak na sabi sa akin ng pinsan ko.

"Ate Shine, sana binaba ko siya nun. Hindi ko naman kasi alam... na yun na yung huli kong makikita si papa na buhay" yinakap ko lang si ate sa pag-alo ng damdamin niya.

Gusto ko yakapin ang mama ko nun. Hindi kasi ako close sakanila. Close ako sa mga tito/tita ko, pero hindi kay mama at papa. Madalas kasi wala sila nuon para sa trabaho at tanging mga tito/tita ko lang ang nagalaga sa amin nung mga bata kami.

Gusto ko yakapin si mama at si papa. Natakot ako bigla na baka hindi ko maiparamdam sakanila na mahal na mahal ko sila.

Kaya kayo? Tayo, na nandyan pa sila. Iparamdam natin kung gaano natin sila kamahal hindi yung pag dumating ang araw na pag-alis nila... magsisi tayo.

"Ate Shine, ang bata ko pa eh. Ang bata pa ni papa. Ang bata pa ng apo niya. Hindi na niya makikita ikasal si kuya mo at maging top1 yung apo niya"

Sino bang hindi natatakot mawalan ng mahal sa buhay? Tumutulo lang yung luha ko nun habang yakap-yakap ko siya. Hindi ko pa rin kasi maisip na ganoon siya kadaling binawi sa amin.

Sa tuwing ipipikit ko yung mata ko yung nakangiting mukha niya yung nakikita ko. Yung mapagbirong tito ko na palagi kaming inaasar.

Kinagabihan nun, dumating yung pastor para mag "service" (ewan ko yun yung term nila eh) nagsalita siya sa harap tapos nangaral pa sa amin. Habang kinakanta namin yung mga worship songs, hindi ko mapigilan umiyak kasi naiimagine ko siya na nakanta din kasama namin. Hindi ko mapigilan umiyak kasi kasabay nun pinagdadasal ko din na si Lord na ang bahala sakanya.

Nung nagsalita yung pastor nila, gumaan yung pakiramdam namin lahat.

Sabi kasi niya Hindi natatapos ang lahat sa kamatayan. Hindi ka naman namamatay talaga, humihiwalay lang yung kaluluwa mo sa katawang-Lupa mo. Alam mo ba kung ano ang sinasabi nilang kamatayan? Yun yung Life after Death na tinatawag nila kung saan ka mapupunta after nito. Kung sa piling ng Diyos ka mapupunta, yun ang tinatawag na eternal life. Kung sa impyerno ka mapupunta, yun ang sinasabing kamatayan. Isipin mo araw-araw pagbabayaran mo yung kasalanan mo. Araw-araw hihilingin mong mamatay ka ng paulit-ulit pero hindi ka na makakalis sa lugar na yun. Yun, yun ang dapat katakutan ng lahat."

Alam ko naman, alam nating lahat na totoo yun. Na hindi daw natatapos ang lahat sa kamatayan ek-ek pero kahit alam mo yun hindi ka padin makapaniwala eh. Parang hindi yun sapat na sabihin. Lalo na yung ganyan ang buhay, una-unahan lang? Parang hindi katanggap-tanggap.

Pero sa sinabi ni Pastor, parang... hindi eh. Hindi parang. OO! Napagaan niya yung loob namin.

Na parang nakita namin lahat na, tapos na yung mission dito ni tito. Successful na yung mga anak niya, stable na. It's up to us kung paano namin isspread yung teachings niya sa amin.

And forever, he'll live in our hearts.

Portal of exit to portal of entry. Galing yan dun sa cycle kung paano ka naiinfect ng microorganism. Bago ka makapanginfect, kailangan mo umalis at pumsok sa host mo.

Ganoon din siguro sa langit.

Parang medyo nawala yung takot ko nung narinig ko yung speech niya.

Pero ewan ko, bahala na.

Ayaw ko padin haha dito muna ako sa Lupa.

Pero atleast ngayon, alam ko na.

I believe in you Lord! AMEN!

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

Salamat sa pagbasa, anong connect nito sa If Only? Isipin mo kung ano. :D Sana may natutunan kayo sa chapter na to kahit papaano naenjoy niyo padin kahit na hindi ako nagpatawa o nagpakilig sa chapter na ito.

kung may mali man akong spelling o word na ginamit. sorry po ha, hindi ko na kasi kayang balikan yung mga tinayp ko, nailabas ko na yung gusto ko sabihin ipapasok ko pa ba ulit saka ilalabas ulet? ay ano daw hehe basta :)

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon