♀♀Chapter 36: IKATLONG YUGTO

1.6K 44 1
                                    

♀♀ Chapter 36: IT’S YOU… ALWAYS BEEN YOU

Never leave the person who understands you more than anyone else. Someone who you can talk to about everything and will stand next to your unwanted attitudes. Treasure the one that accepts and loves every bit of you

Paano kung bumalik yung first love mo, yung taong pinakamamahal mo buong buhay mo, yung taong dahilan kung bakit hindi ka makamove on at hindi mo mabuksan ang puso mo sa iba… kaso may girlfriend na siya? Paano kung may bagong taong dumating para ipaglaban at alagaan ka, para isave ka sa pagiging broken sa madaming taon… isasara mo ba ang puso mo sa nakaraan para mabuksan sa kasalukuyan at hinaharap?

Paano kung binuksan mo ang puso mo para sa iba pero pinagtagpo ulit kayo ng taong pinagikutan ng buhay nuon? Yung taong yun na hindi ka pinahalagahan nuon… paano kung bumalik siya at malaman mong mali pala ang inakala mong hindi ka niya pinahalagahan… na buong buhay niya pala ikaw lang at ikaw padin pala ang mahal at minamahal niya… sinong pipiliin mo?

Naniniwala ka ba sa first love never dies, o mas pipiliin mong isipin na test lang yun kung move on ka na ba talaga sa kasalukuyan?

Isip padin kaya ang pagaganahin mo sa pangalawang pagkakataong ito? O this time magpapatalo ka na sa puso mo?

 

Sino kayang pipiliin mo?

ANG IKATLONG YUGTO NG IF ONLY.

✉Thankyou po sa patuloy na pagbasa ng If Only. Sa mga taong pinapakita at pinaparamdam ang appreciation, through comments and votes, thankyou po. Sa mga hindi naman at silent reader parin hanggang ngayon pero patuloy na nagaabang hehe sana nakakatulong ang patuloy kong pagsulat sa inyo. Kahit na sobrang busy… tadaa~ umabot na tayo sa ikatlong kabanata :D   

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

SUNSHINE’s POV

Napakagandang lugar naman nito. Lahat puro luntian ang makikita mo. Andaming puno at mga halaman. Dito kaya nagshooting sina Edward at Bella nuon sa twilight? Hehehe. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa… HHHHAAAA? Nakakita ako ng napakalaking gagamba! OH-M-G! naramdaman niya ang pagkilos ko kaya naman hinabol na niya ako. Waaaaaag! Huhuhuhu takbo-takbo-takbo! Hanggang sa naramdaman ko ng hawak niya ang ulo ko.

 

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!” biglang mulat ko sa mata ko. pero imbis na malaking gagamba ang nakita ko. Si Aya pala ginising ako sa paggulo ng buhok ko. Singkit na singkit pa ang mga mata at gulo-gulo din ang buhok niya halatang kakagising lang din niya.  Pinikit-mulat niya ang mata niya ng ilang beses na parang iniisip ang kawirduhang ginawa ko. “Gumising ka na. Malalate ka na” biglang bangon ko at derecho sa c.r para maligo na.

Haaay hindi nanaman ako nakapagluto ng magiging breakfast ko. Ito ang mahirap pag nagdodorm ka, unlike pag sa bahay gising-ligo-kain-pasok na. Nagbihis na ako, tinuyo ang buhok ko at sinuot ang sapatos ko. Napatingin ako sa aking orasan, pwede pa akong makabili ng pagkain sa 7’11. Patakbo na akong paalis ng bahay ng bigla akong hinarang ni Aya “Hep! Saan ka pupunta?”

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon