HALLOW EVEN SPECIAL CHAPTER

3.7K 51 4
                                    

♀♀ Chapter 12: CODE BLUE

✉Pasensya na po kung natagalan ako magupdate. May hindi inaasahang ngayre po kasi. Pero maraming salamat po kasi yung dating 24 na followers ko 44 na. Kelangan ko pa ba magroll call? Haha ano present kaya kayo para sa chapter na to? Marami pong salamat. :D vote.vote din pag may time.

HALLOW EVEN SPECIAL PART 1: PORTAL OF EXIT

Hindi po ito nakakatakot ha :)

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

Kinabukasan napagpasyahan nilang magsi-uwian na muna sa kanilang mga bahay para icelebrate ang undas. Si Aya, bumalik sa dating apartment nila ng kuya niya. Si Dawn naman sumama sa bahay nila Belle. At si Shine naman sumama sa pag-uwi sakanilang probinsya.

SUNSHINE's POV

Kahit na alam kong wala na kaming madadatnan sa probinsya, excited padin akong umuwi at muling makita ang luma naming bahay duon. Alam kong marami ng nagbago, pero... andito padin sa puso ko nakakatatak ang kahapon. Ang masasayang ngiti ng mga tao duon, ang mga ala-ala nilang kahit sila'y lumisan na, nandito parin sa puso ko nakabaon.

"Ate Shine, uuwi ka?" nilingon ko yung kapatid ko habang nag-aayos ako ng aking mga gamit

"Oo, bakit?"

"Wag ka na umuwi. Dito na lang tayo!" pagmamaktol niya sa tabi ko

"Ayaw ko nga maiwan sa bahay na ikaw kasama ko. Napakatamad mo! Sige ka pag di ka sumama wala magluluto ng pagkain mo wala pang maglilinis ng bahay kundi ikaw!"

Hahaha mga bata talaga, kung gusto mo sila pasamahin sa iyo ipangblack-mail mo lang ang gawaing bahay at tiyak sasama sila sa inyo.

Sumakay na ako kasama yung baby na pinsan ko. Hinatid naman kami nung tito Ed ko at tinignan pa ang laman ng sasakyan.

"Tito, di ka sasama sa amin?" tanong ko sakanya. Siya kasi yung kasama ko palaging umuwi sa probinsya nuon. 3years old pa lang ata ako nun dala-dala niya na ako palagi sa tuwing uuwi siya kahit na bus pa ang sasakyan namin.

"I have an appointment" natatawang sabi niya.

"Wooow!" sabi ko haha ansosyal ng sinabi niya eh tiyak makikisabong lang naman siya.

Sumilip pa siya sa bintana nun nakikipaglaro sa baby na pinsan ko.

"Baby, mumu" pagbibiro ko pa. nakisakay naman siya sa trip ko at tinatakot si baby.

"Hindi-hindi taytay" sabi ni baby at yumakap pa sa akin.

Dahil natakot si baby, umalis na lang siyang tumatawa.

Nagduty pa ako nun bago kami umalis at nagbyahe kaya naman buong byahe e tulog ako. Minsan mo na nga lang sila dalawin... hihindi ka pa.

Lolo, lola at yung tito ko-sila yung palaging binibisita namin duon tuwing undas. Malaki ang naging parte nila sa buhay ko. Sila kasi yung escape ko mula sa strictong parents ko. Sa probinsya pwede ako maglaro ng habulan, sa bahay namin bawal ako masugatan o mapagpawisan man lang. Kaya madalas nuon, kakasimula pa lang ng bakasyon sumasama na ako sa tito Eddie ko para umuwi ng probinsya.

Papasok sa bahay namin duon, sasalubungin ka ng iba't-ibang klase ng tanim ng lola ko. Bago ka makarating sa pinakagate, bubungad sa iyo ang puno ng guyabano. Pagbukas mo ng gate, maraming santan naman sa may gilig-gilid. May puno din kami ng mangga at bayabas duon. May maliit kaming plaza sa loob ng nito katapat ng bahay namin. Sa plaza tinatambay yung mga palay, madalas sako-sako ang nandoon. Kung wala naman, malaya kang pwedeng tumakbo at magbike duon. Sa likod bahay naman, duon makikita mo ang pakagandang fish pond-an. Ganoon parin, madaming tanim na gumagapang sa lalakaran mo. May kalabaw, baka, kambing, baboy, aso, isda at manok kami-natural set up ng bahay sa probinsya. Pero yung bahay namin duon ang pinaka the best sa lahat!

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon