♀♀ Chapter 5

4.6K 76 8
                                    

♀♀ Chapter 5: Brownout?? Part 1

Thank you po sa mga bagong recruit kong follower @injhay12 @chibbs @Lubuen_girl

✉Dedicated to Ms. Yume "Happy Second Anniversary" sa wattpad - If it is meant, it will always be.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

SUNSHINE's POV

"Si Dawn"

Saglit akong natigilan sa sinabi ni Aya. Kahit na pilitin kong umarte na parang wala lang ang lahat, na wala na yun at matagal na ang lumipas. Ang akward parin eh.

"Oh bakit natigilan ka dyan?"

"Ahh. Syempre nagulat ako. Si backless girl napakahilig eexpose nung likuran nu?"

"Siya nanaman ang napagtripan mo"

Tinuloy ko na lang yung pangungulit kay Aya para mabaling yung atensyon ko. Muntikan pa ako makabasag sa office niya hehe kaya minabuti ko na lang na umalis.

"Haaaisst! Naman Shine! Makakabasag ka pa dito eh"

" he-he-he sige alis na lang ako"

Pinuntahan ko na lang si Macky.

DAWN's POV

"Goodmorning Dawn!" masayang bati sa akin ng kaibigan ko sa trabaho pagpasok ko.

Dawn Veinne Nuevo, yan ang full name ko. Yung mga elementary at highschool friends ko, "Dawn" ang tawag sa akin. Yung mga college friends ko naman "Vienne" kelan na lang may tumawag ulit sa akin ng Dawn, hindi ko alam sinyales na pala yun na may magbabalik galing sa nakaraan ko.

Hindi maayos ang naging break up namin ni Shine. Naghiwalay kami kahit na sa dulo eh narealize namin na mahal padin namin ang isa't-isa. Mas pinili namin mabuhay ng direcho, walang lingon-lingon. Mas pinili namin na mabuhay kung ano yung sitwasyon sa harap namin, hindi na kami nageffort pang ayusin ulet ang nasirang samahan. Basta alam kong masaya siya, okay na yun.

Mas mabuti na yung ganito, atleast diba walang masasaktan? Pero sadya ngang mapagbiro ang tadhana. Kung mag-iisip ako ng dahilan kung bakit kami pinagtagpo ulit... baka hindi ko magustuhan ang sagot.

Ang bagay na paulit-ulit na lang namin tinatakbuhan.

Pero siguro, sa pagkakataong ito hindi na ito katulad ng noon. Marami ng nagbago, at ramdam kong parang umaayos na ulit ang lahat.

"Mukhang masaya si Dawn ngayon ha!"

Nginitian ko lang sila. Ngayon ko pa lang natikman yung luto niya. Hindi kasi talaga siya nagluluto noon.

Pero hindi mo padin maiiwasan na may pagka-akward talaga eh. Lalo na't nasa iisang bubong pa kami ngayon. Kahit na sabihin niya sa aking magkaibigan lang sila nung Aya na yun... iba ang pakiramdam ko.

"Pssst. Nandyan si beebidybobodie!" Si Bella yung tinutukoy niya. Pinuntahan ko siya sa lobby, may dalang food.

"Baka kasi hindi mo nagustuhan yung breneakfast mo" nakangiti niyang sabi sa akin.

Maalalahin siya, siya yung umalalay sa akin nung naghiwalay kami ni Shine. Siya yung pilit na binuo ako nung mga araw na walang nagaalaga sa akin.

"Joke lang! alam ko naman na kahit ano pa yung lutuin ni Shine hindi mo tatanggihan eh!"

Siya ang nakaka-alam sa boong kwento namin ni Shine. Naging bestfriend ko rin siya nung nagkahiwalay kami... ng naturingang bestfriend ko.

"Japanese food yan! Dumaan pa ako para abutan ka niyan. Wag ka masyado magpakapagod ha. I love you!" Madaldal siya, at hindi siya nagsasawang pangitien at alagaan ako.

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon