♀♀ Chapter 1

7.9K 116 4
                                    

♀♀ Chapter 1: The meet up

✉ Ang kwentong ito ay inaalay ko sakanya. I can't imagine love without your name – AISE22

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

SUNSHINE's POV

"Shine, maglulunch ka ba dito oh aalis ka ng maaga?"

Saglit kung tinignan ang bawat sulok ng kwarto ko, tapos napatingin ako sa patong-patong na bagahe ko.

"Ah-uhm aalis na po ako. Magkikita pa po kasi kami ni Aya, ma."

"Ay ganoon ba? Oh e di sige magbreakfast ka na dito, nagluto ako"

Alam ni mama na ako yung taong, hindi umaalis sa bahay ng hindi nagbrebreakfast. Mas gusto ko na kumakain ng kanin sa umaga kesa sa kape at tinapay lang. Ako si Sunshine, panganay at nag-iisang anak na babae ng ...sino pa nga ba? E di ng nanay at tatay ko.

"Shine, aalis ka na daw?" humabol pa yung lola ko.

"Ahh opo, mag rerent po ako kasama yung kaibigan ko malapit sa hospital na pagtratrabahuan ko" kahit na ako yung panganay, ako yung baby ng pamilya. Kung gugustuhin kong pumunta ng ibang bansa, dapat matuto na ako tumira at mabuhay ng mag-isa, dinahilan ko na lang yung layo ng work place ko sa bahay namin. Isa akong nurse. Kaya rin siguro ako nasanay na kumakain ng breakfast bago umalis, dahil once na nag time in ka na... wala ng dahilan na matitigil ka sa pagtratrabaho.

"Wag kayo mag-alala ha, papadalhan ko kayo ng chocolate. Ano ba gusto niyo? Hany o Chubby?"

"Ito talagang apo ko. Kahit kailan napaka-maloko mo" ang sweet ng description sa akin ng lola ko nu?

Yinakap ko siya pabalik "Wag kayo mag-alala, Pilipinas parin naman ako titira!"

Pagkatapos kong kumain ng breakfast, hinawakan ko na yung maleta ko... tapos napatingin ulit sa kwarto ko. Tinago ko naman ng maayos yung box, sana pagbalik ko nandoon padin yun.

"Sige ma, alis na ako."

"Oh sige, mag-iingat ka dun anak"

"Okay po"

Tapos pumasok na ako sa taxi.

Nilabas ko yung ipad mini ko tapos cheneck ulet yung lugar na pupuntahan ko. Leon Guinto Village, dun ka na imemeet si Aya.

Muntikan pa ako mawala, buti na lang sinundo ako ni Aya sa bungad ng village.

"Friend matutuwa ka, alam mo ba yung set up nung village natin parang dun sa favorite nating palabas!"

Wala pang isang taon na kaibigan ko si Aya pero naging close na kami agad. Nagkataong kinasal na yung kuya niya kaya kinailangan din niya maghanap ng bagong apartment at syempre bagong ka-roomate.

"Ahh nga pala friend, apat tayo sa bahay ha. Pero okay na din yun kasi hindi gaano mahal yung bills tapos friend sooobrang okay yung place. Tapos may free wi-fi pa!"

"Weh? May free wi-fi sa boong village?"

"Oo, anim lang naman kasi yung bahay dun eh. Bali paikot yung placement nung bahay tapos sa gitna may fountain tapos maraming halaman!"

"Ayos ha! Galing mo, friend!"

"Eto na tayo, friend!"

Kakatok pa lang sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Hi! Ang aga niyo naman dumating" nakangiting sabi ni Aya sa babaeng bumukas ng pinto

.

.

.

"Sunshine? Di ka pa papasok?"

.

.

.

"HEEEEEELLLllloo—o..." biglang lumabas naman yung isa pa naming ka-roomate para batiin ako.

.

.

.

Nabitawan ko yung malleta ko, napangagnga pa ako ng bahagya.

.

.

.

Si Dawn at si Bella... yung ex ko at bago niyang girlfriend.

Aya, sigurado ka ba na dito tayo?

Bago ko pa buksan yung bibig ko, napatingin ako ulit dun sa details sa ipad ko. #18-03 Leon Guinto Village... dito nga.

"Hi" pilit pero ngumiti padin ako

"So, I'm Aya and you are?"

"Bella"

"Dawn"

"Oh great! My friend's name here is..." hinila niya ako papasok saka pinakilala "Sunshine. May Dawn, may Sunshine. Dapat may twilight na lang nu? O kaya Edward. Hahahahaha just kidding. Seryoso? Friend, bakit antahimik mo? Nahihilo ka ba? Naku sinasabi ko na nga ba... hindi mo nainom yung bonamine mo no? diba sabi ko sa iyo"

"Friend, ang ingay mo! ganyan ba epekto ng nawalay sa kuya ha? Kung anong tinahimik mo noon kinabaliktaran mo ngayon"

"Yan, buti naman at nagsalita ka na."

"Ahh, saan dito yung magiging room namin?" ngumiti padin ako sa harap nila.

"Ahh sa left side na lang yung sa inyo, nasa loob na kasi ng room yung gamit namin" sagot naman ni Bell.

Pumasok ako at nahiga sa kama. Hindi ko padin maisip na... sa dinami-dami ng tao bakit sila pa yung naging room mate namin.

"Sunshine, anong problema?" lumapit sa akin si Aya. Clueless ba talaga siya?

"Ayaw mo ba yung aura ng bahay?"

"Medyo... hindi ko alam kung kakayanin ko dito"

Mas lumapit pa siya sa akin tapos binulong niya "May nararamdaman ka bang mumu dito? Sabihin mo lang"

"Aya?? Wala ka ba talagang alam?"

"Friend, hindi ako katulad mong magaling manghula"

"Friend, si Dawn yung ex ko. haleeer???"

"Yung... whaaaaaat?? Si... Dawn? Oh my... friend I'm so sorry. Hindi mo naman kasi sinabi yung real name niya sa akin! Kwento ka lang ng kwento hindi ko naman alam"

.

.

.

"Pinakita ko yung picture nila sa iyo diba?"

"Ang haba pa ng buhok niya nun, short hair na siya ngayon. Tsaka hindi ko pa sila nameet ngayon pa lang talaga."

"Ano pa nga ba..."

Yung pakiramdam na antagal mong sinupress yung nararamdaman mo para maging emotionless ka sa harap ng madaming tao... para makita nila na okay ka na kahit di mo alam kung okay ka na ba talaga. Tapos ano? biglang makakasama ko sila sa iisang bahay. Ang malupit pa, kasama pa yung bago niyang girlfriend.

Ⓐ Dear readers, thankyou po sa pagbasa ng una kong kwento sa wattpad. Sana po magustuhan niyo. :D

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon