YAMTF Kabanata: 33

29.7K 878 36
                                    

"I-icarus?" humihikbing sambit ng dalaga.

Lalong naluha si Raine nang makita ang binata na prenteng nakatayo sa kanyang likuran. Ilang beses pa niyang ikinurap ang kanyang mga mata para masiguradong totoo ang kanyang nakikita. Hindi siya makapaniwala na buhay si Icarus, buhay na buhay at heto't nakangiti pa sa kanya.

"Hi Mahal..." nakangiting sambit nito.

Naguguluhan si Raine sa sitwasyon, hindi niya alam kung bakit kailangan pa s'yang lokohin ni Margaux tungkol sa buhay ng binata, samantalang grabe ang iyak nito kanina no'ng tumawag sa kanya.

"Niloloko ba nila ako?" wika ni Raine sa kanyang sarili.

Kaya naman nilingon n'ya agad ang dalaga at nakita n'yang naka-ngisi na ito ng sobrang laki saka nagsalita nang, "Sorry Raine." saad nito saka nag-peace-sign sa kanya.

"P-paanong... Eh sino naman 'to?!" inis na sambit ni Raine sa mga ito saka binalingan ang katawan na nakahiga sa kama.

Mabilis na hinablot ni Raine ang kumot at bumungad sa kanya ang isang lalaki, "Boo!" gulat nito, saka tumayo ng kama. "Hello Raine, I'm Brent at your service." nakangising usal nito at kinindatan pa ang dalaga.

Napabaling naman ang dalawa nang biglang magsalita si Margaux, "Hoy Brentot! Dukutin ko 'yang mata mo, sige kumindat ka pa!" iritableng wika nito saka humalukipkip ang mga braso.

"Ikaw talaga mine, napaka-brutal mo."

"Anong sabi mo?!" singhal ni Margaux sa binata.

"W-wala mine, sabi ko nga ang ganda talaga ng mine ko, 'di ba Raine?" biro nito sa dalaga habang kumakamot ng ulo.

"Goodboy! Akala ko may sinasabi ka eh. Let's go mine, may pag-uusapan pa 'yang dalawa." anito sa kanyang kasintahan saka lumabas ng pinto. "Babye, lovebirds." naka-ngiting sambit ni Margaux saka lumabas nang tuluyan.

"Sige bro, labas na kami para naman walang istorbo sa inyo." saad ni Brent saka tinapik sa balikat ang kanyang kaibigan. "Raine, you look familiar... Hindi ko lang alam kung saan, pero parang nakita na kita before?" anito sa dalaga.

"Hey Brent! Let's go!" iritableng wika ni Margaux rito na agad namang sinunod ng binata.

"Anyways, bye Raine, nice meeting you."

Naiwan sina Raine at Icarus sa loob ng kwarto, tahimik lang ang dalaga habang pinapakiramdaman kung ano na ang mangyayari ngayon sa kanila ng binata. Napalingon naman si Raine nang biglang magsalita si Icarus,

"Mahal..." nahihiyang usal nito habang nakahawak sa kanyang batok na ani mo'y nahihiya.

Biglang kumabog naman ng husto ang puso ni Raine dahil sa pagtawag ni Icarus sa kanya ng Mahal.

"Ang tanga-tanga mo kasi Raine, bakit hindi mo sinilip kanina 'yung kumot bago ka nag-inarte d'yan." pangaral ng dalaga sa kanyang isip saka yumuko dahil sa kahihiyan.

"Raine, totoo ba?"

Rinig n'yang sabi nito at sa puntong iyon ay napalingon na ng tuluyan ang dalaga rito at nakita n'ya na seryoso nang nakatingin sa kanya si Icarus ngayon, "Raine, totoo ba lahat ng narinig ko kanina?" pag-uulit na usal nito habang palapit ng palapit sa kinatatayuan ng dalaga.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon