YAMTF Kabanata: 20

28.4K 813 38
                                    

Dalawang linggo simula nang gabing iyon, gabi noong tumawag ang isang misteryosong tao kay Raine. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ng dalaga ang tawag na iyon, parang may kung ano itong hindi niya kayang kalimutan basta-basta na lang.

Pinilig ni Raine ang kanyang ulo para mawala sa kanyang isipan ang pang-yayaring iyon, "Raine, tama na!" inis na sambit n'ya sa kanyang sarili.

Itinuon na lang niya ang atensyon sa harap, para makinig sa kanyang professor na ngayon ay nagtuturo na.

Maaga natapos ang klase ni Raine, wala rin s'yang pasok sa trabaho ngayon, kaya naman napagpasyahan ng dalaga na maglakad-lakad muna sa Mall. Abala si Raine sa pagwi-window shopping, naaaliw siya sa kanyang mga nakikita. Halos kalahating oras nang nag-iikot ang dalaga kaya naman napagpasyahan n'yang magpahinga muna.

"Ayun!" masigla niyang saad nang makakita ng isang fountain sa gitna nang nasabing mall.

Maganda ang lugar na iyon, sa gitna ng fountain ay may rumaragasang tubig pataas na animo'y parang nagsasayaw. Agad niya itong pinuntahan at nakita niya ang isang wishing well na pumukaw talaga ng kanyang pansin.

"Wala namang mawawala kung maniniwala ako rito 'di ba?" natatawang sambit niya sa hangin.

Kumuha si Raine ng barya sa kanyang bag, saka ipinikit ang kanyang mga mata para humiling sa nasabing wishing well, "Sana mabigyan ng kasagutan lahat ng katanungan ko." iyon lamang ang kanyang tanging hiling saka inihagis ang barya sa tubig.

Uupo na sana ang dalaga nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Dali-dali niya itong kinuha sa kanyang bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makitang ang kanyang kaibigan na si Josh ito'y, wala sa oras na napangiti ang kanyang mga labi na animo'y may sariling pag-iisip.

"Hello, Joshhie." masiglang sagot n'ya rito.

"Hello Ulan, may pasok ka ba ngayon sa work mo?" saad nito sa kabilang linya.

"Uhmmm... Wala akong pasok sa trabaho ngayon Joshhie, nandito ako sa Mall."

"Great!"

"Huh... Bakit?" aniya sa binata dahil hindi kuha ni Raine kung bakit ganoon ang sagot nito.

"Raine, puntahan kita riyan, hintayin mo ako." mabilis na wika nito saka pinutol ang linya ng telepono.

Nangunot ang noo ni Raine dahil sa ginawa ng binata, "Anong nangyari ro'n?" takang tanong niya sa sarili. Nagkibit-balikat na lang siya, saka isinilid nang muli ang kanyang telepono sa bag.


*****


Habang naghihintay si Raine, bumili muna ang dalaga ng kanyang maiinom para kahit papaano'y hindi siya mainip sa paghihintay kay Josh. Habang abala sa pagtipa ng kanyang telepono't pagsimsim ng kanyang inumin si Raine, ay biglang may mga palad na tumakip sa kanyang mga mata.

"Hala! Joshhie naman eh, alam kong ikaw 'yan, hindi na papatok sa'kin 'yang style mong pang-old school." natatawang saad ni Raine dahil gawain ng kanyang kaibigan ang ganitong istilo.

Agad namang tinanggal ng taong iyon ang kanyang mga palad sa mata ng dalaga.

Nang harapin ito ni Raine, agad nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita, "S-sino ka?!" singhal ni Raine sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Ay! Miss I'm sorry, akala ko ikaw 'yung kakilala ko." hinging pasensya nito sa dalaga.

"Grabe ka Kuya, sa susunod 'wag ka basta-basta mananakip ng mata ng iba kung hindi ka naman siguradong kakilala mo 'yung tao." iritableng wika niya rito.

"Sorry talaga miss." iyon lamang at tuluyan ng umalis ang lalaki papalayo kay Raine.

Sandaling tinanaw ni Raine kung saan patungo ang lalaking iyon, at nangunot ang kanyang noo nang makitang lumapit ito sa isa pang lalaki na parang namumukaan niya.

"I-icarus?" kunot noong bulong na sambit ng dalaga sa hangin. Ilang beses pa niyang ikinurap ang kanyang mga mata sa pagbabaka-sakaling namamalik-mata lamang siya, ngunit hindi... Dahil si Icarus talaga ang taong natatanaw niya ngayon.

Naguguluhan man, napagpasyahan ni Raine na lapitan ito. Akmang hahakbang na siya papalapit sa gawi nito'y biglang may humablot sa kanyang kaliwang kamay, dahilan para mapatingin ang dalaga sa taong iyon.

"Hey Raine, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Josh sa kanya.

"H-ha?" wala sa sariling saad ng dalaga saka lumingong muli sa gawi ng lalaking nakita niya kanina. Nanlata ang buong sistema ni Raine dahil sa panghihinayang, dahil hindi niya nakausap ang taong nakita niya kanina.

Kaya naman ipinilig na lang ni Raine ang kanyang ulo at saka binalingan si Josh na ngayon ay naghihintay ng kanyang sagot, "Ano nga ulit 'yung tanong mo Joshhie?" wika ni Raine para iwaksi ang gumugulo sa kanyang isipan.

Ngumiti lang ito sa kanya saka hinawakan ang kanyang kanang kamay, "Wala po, tara na nagugutom na ako." tanging saad ni Josh saka hinila ang dalaga para kumain.


Sa kabilang dako naman:

"Hey bro, what took you so long? Kanina ka pa hinihintay ni Margaux." bungad ng binata sa kanyang kaibigan.

"Icarus... pare, muntikan pa akong masampal doon ng chicks." nakangising usal ni Brent. "Sayang pare, kung hindi lang tigre 'tong si Margaux didiskartehan ko na 'yung chicks na 'yon bro." pilyong dagdag pa nito sa binata.

"Gago ka talaga."

"Hindi nga bro chicks talaga 'yung nakasalubong ko, ayon ohh malapit sa fountain." usal ni Brent saka itinuro ang gawi ng fountain.

Nang tumingin si Icarus, may kasama nang lalaki ang sinasabi ng kanyang kaibigan na chicks, kaya naman nagkibit balikat na lang siya saka muling binalingan si Brent.

"Tara na nga bro, madadamay pa ako sa mga kalokohan mo." saad ni Icarus saka inakbayan ang kanyang kaibigan papaalis sa kanilang kinakatayuan.



*****


Ano kayang mangyayari ngayong nagbalik na si Icarus sa eksena?

See you next chapter mga labs! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon