CD 12

23.4K 577 199
                                    

Bhria

LUMABAS si Dhanelle para maghanda ng pagkain kaya naman nakahinga ako ng maluwag nang mawala sya sa paningin ko.

Pumikit ako at sandaling ipinahinga ang sarili pati narin ang aking utak na hindi gumagana ng maayos. Ang tanging alam ko lang..wala na akong takas kay Dhanelle. Sa ginawa nya sakin kanina, baka mas malala pa dun ang gawin nya kapag sinuway ko ang mga gusto nya. Ang ibig sabihin lang nun, magiging sunod-sunuran na ako sa kanya.

Napahinga ako ng malalim. Parang gusto ko nalang tuloy ilubog ang sarili ko sa bathtub na'to. Dumilat ako ulit para ilibot ang aking paningin. Malawak ang banyo nya na parang triple pa ata ang laki sa kwarto ko. Lahat ng makikita mo ay puti, crystal glass at kulay silver na mga kasangkapan. Halatang hindi basta-basta ang nakatira kasi banyo palang humihiyaw na sa karanyaan.

Napakunot noo ako nang may mahagip ang paningin ko sa bandang gilid. Nasa tapat iyon ng parang bamboo bed na katabi ng jacuzzi.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Dhanelle na may dalang mga bagong damit at towel. Inilapag nya ang mga iyon sa bamboo bed saka ako nilapitan.

"Feeling better?" She asked. Tumango lang ako at hindi parin nagsasalita.

Napabuntong hininga sya. "Here, let me help you. Kukulubot yang balat mo kapag matagal kang nagbabad sa bathtub." Saad nya habang tinutulungan ako tumayo.

Nahihiya man dahil nakalantad sa mga mata nya ang hubad kong katawan ay hindi nalang ako nagsalita. Diretso lang kasi ang tingin nya na parang iniiwasan nyang mapagawi ng tingin sa katawan ko. Maingat nya akong inilapag sa tapat ng shower.

"Tell me if you are done." She said while turning her back at me. Naglakad sya papunta sa bamboo bed at umupo doon saka nagbuklat ng magazine na kinuha nya sa built-in cabinet sa gilid.

Minsan naiisip ko, ano kayang ginagawa nitong si Dhanelle kung bakit ang lakas-lakas nya para sa isang babae? Kung buhatin nya kasi ako, parang bulak lang ang gaan ko.

Binuksan ko ang shower saka nag-umpisa nang maligo. Ngayon ko lang napansin na may pasa pala ako sa pupulsuhan at tadtad din ng mga kiss mark ang katawan ko na halatang pinanggigilan. Lalo na yung..ibabang parte. Hindi na rin ako magtataka kung meron rin ako ng mga ito sa leeg. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. Paano ko to itatago? May photo shoot na kami bukas at swimsuit pa ang kukuhanan.

Napatigin ako kay Dhanelle. Parang naramdaman naman nya ang mga mata ko sa kanya kaya sya nag-angat ng tingin mula sa pagbabasa saka napakunot ang noo. Bigla akong nag-iwas ng tingin at nagpasya nang magbanlaw.

"I-I'm done," I said while turning off the shower.

Mabilis syang tumayo. At lumapit sakin bitbit ang robe at towel. Akala ko ay iaabot nya lang sakin yung robe pero napatigil nalang ako nang sya mismo ang nagsuot niyon sakin. Napatahimik nalang tuloy ako sa ginagawa nya habang itinatali yung ribbon ng robe. Pagkuwan ay ang buhok ko naman ang pinagtuunan nya ng pansin.

"Ako nalang ang gagawa." Hinawakan ko yung towel na ipinangtutuyo nya sakin.

But she just look down and said, "No, just let me pamper you my queen." She smiled at me then kiss my forehead.

Akmang bubuhatin nanaman nya ako nang pigilan ko sya. "Kaya ko nang maglakad."

"Are you sure? Hindi na ba masyadong sumasakit yung.." She gulp. "Cupcake mo?"

Nagsalubong ang kilay ko. Ano tawag nya sa 'ano' ko? Cupcake?!

Umiling nalang ako. Kahit ang sama ng loob ko. Hindi naman 'to cupcake eh! Tapos ano? Itatawag nya sa juice na lumalabas sa 'pride of woman' ko 'icing'?!

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon