CD 8

22.3K 591 30
                                    

Bhria

"MOM?" Pukaw ko sa atensyon ni mommy.

Kadarating ko lang galing sa photo shoot at as usual, pinagpilitan nanaman ni Dhanelle na ihatid ako pauwi na hindi ko nalang tinanggihan para walang gulo. Sigurado kasing may gagawin nanaman yun na isang bagay na hindi ko magugustuhan para lang masunod ang gusto nya. Si Dhanelle pa, sanay syang nasusunod ang lahat ng gusto nya.

Lumingon sakin si mommy mula sa pagdungaw sa bintana saka ngumiti. "Hinatid ka pala ng asawa mo, bakit hindi mo manlang sya pinapasok?"

"Ahm..baka kasi gabihin sya sa daan mommy kaya hindi ko na pinapasok." Dahilan ko.

Pero ang totoo nyan ay gusto talagang pumasok muna ni Dhanelle para bumati kay mom kaso sinabi kong umuwi nalang sya.

Umupo si mommy sa sofa mula sa pagdungaw sa bintana. "Anong balak nyong mag-asawa?" Nagulat ako sa naging tanong nya.

"A-ano pong ibig n-nyong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. Bakit naman bigla-bigla nalang si mommy magtatanong ng ganun?

"Ang sabi ni Dhanelle, aayusin nyo daw ang pagsasama nyo diba? Anong balak nyo?...anong balak mo?"

Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa tabi nya. "Mom.."

"I'm sorry anak,"

Napatingin ako kay mommy ng lumabas sa bibig nya ang mga salitang iyon saka napakunot nang may pagtataka. "Why are you saying this mom?"

Ngumiti lang sya sakin ng tipid. "You are our only child.." Bumuga ito ng hangin na parang hindi nya alam kung paano nya sisimulan ang kanyang sasabihin. "All we want is the best for you, so we planned everything. Lahat nalang sa buhay mo nakaplano at nakasunod base sa gusto ng daddy mo..base sa gusto namin para sayo and we are so bless dahil sinusunod mo yun ng walang alinlangan. Hindi ka namin naringgan ng reklamo kahit..kahit nung panahong ipakasal ka namin kay Dhanelle. I'm sorry, your dad and I are so selfish. I'm sorry dahil hindi manlang namin naitanong sayo kung anong gusto mo at kung ano magpapasaya sayo. I'm sorry anak.."

Napagat ako sa labi ko para pigilan ang maiyak. Bumuntong hininga ako saka lamapit kay mommy at niyakap sya. "You don't have to say this mom. You don't have to say sorry..naiitntindihan ko naman na ang gusto nyo lang ay mapabuti ako. Alam ko yun."

"You're a big girl now, actually fit for a woman who can stand on her own." Bulong nya.

Kumalas ako ng yakap sa kanya saka nagtatakang tumingin sa kanya. "What do you mean mom?" Bigla akong kinabahan.

Malawak syang ngumiti sakin. "What I mean is..malaki ka na, kaya mo nang magdisesyon sa sarili mo."

"And?" Naghihintay sa kasunod na sasabihin nyang tanong ko.

"And if you want to fix your marriage to Dhanelle or just end it up..then its up to you. I won't put my words on your decision. Buhay mo yan at ako bilang nanay mo..lagi lang nakaagapay sa kung anong magiging desisyon mo."

Napangiti ako saka sumandal sa sofa. Kung sana ganun lang kadali..

"I don't know what to do." I sighed.

Sumadal din sya sa sofa. For a moment, pakiramdam ko bumalik yung mommy kong naging best friend ko na hindi ko kinahihiyaang sabihan ng mga nararadaman ko at kung sinong crush ko. She even know that I have a huge crush on Dhanelle way back in college.

"Then know your step. Choose what will make you happy." Napalingon ako sa kanya. Ngumiti sya sakin. Simula nung namatay si daddy, ngayon nya nalang ulit ako nginitian ng ganun. Yung walang lungkot.

Nagpatuloy sya. "You're lucky anak, because you have choices. Pwede mong piliin ang kung anong magpapasaya sayo at kung anong gusto mo, because some doesn't have choices in life. Napipilitan nalang silang gawin ang kung anong nakalatag sa kanila, it's either a bad thing or a good thing, there's no way to scape. So if I we're you choose what your heart desires as long it won't harm anybody. You only live in this lifetime Bhria..kaya gawin mo na kung anong magpapasaya sayo before its too late," Masuyong saad nya. Ramdam ko ang pag-aalala sakin ni mommy at maswerte ako dahil sya ang naging nanay ko.

Chased Desire (COMPLETED)Where stories live. Discover now