CD 13

23.7K 568 84
                                    

Bhria

"ARE you mad?"

Pilit akong ngumiti kay Dhanelle nang magtanong sya sakin. Napansin nya siguro na kanina pa ako tahimik.

Hindi naman ako galit. Naiinis lang, dahil pakiramdam ko ay para akong isang robot na walang magawa kundi sumunod sa mga gusto nya. May paana-annulment pa akong naiisip pero wala rin pala yun silbi dahil mukhang planado na nya ang lahat para hindi mangyari yun.

"No," I answered as I focus my attention to the food.

Ano pang bang magagawa ko kundi ang maging sunod-sunuran sa gusto nya? I already had enough of her punishment kapag nagagalit sya at ayoko nang maulit yun.

"Akyat na ko," Simpleng saad ko lang nang matapos akong kumain.

Mom and I already move at the next unit- no, rephrase that- mom already move at the next unit. Sya lang ang lumipat dahil ako ay nakatira na ngayon sa unit ni Dhanelle. Though, madalas akong tumatambay sa kabila para may kasama si mommy habang si Dhanelle naman pinupuntahan ako sa gabi para sunduin. Kahit kasi nakabakasyon kami ng isang lingo sa pictorial ay marami naman syang inaayos sa iba pa nyang negosyo kaya madalas rin syang wala.

Mabuti nalang pala at nagbakasyon muna sa pinsan nya si mommy ngayong lingo dahil maiiwan ko rin sya mag-isa dito lalo pa at sa isang araw na ang byahe namin ni Dhanelle papunta sa Coron.

Akmang hahakbang na ako paalis nang pigilan nya ako sa braso.

"Hey, wait." She smiled. "Just give me a smile. Hmm?"

I sighed. Ano nanaman bang kalokohan to? "Dhanelle, inaantok na ko. Aakyat na ko."

"Ang sabi mo hindi ka galit. C'mon, I'm just asking for a simple smile hon.."

Malawak akong ngumiti sa kanya saka mabilis na tumalikod. Agad din nabura ang pekeng ngiti na yun sa mga labi ko.

"Hey, hey, wait," She pull me close to her saka pumunta sa harapan ko at yakapin ako sa bewang. "That ain't a real smile honey."

"What's with the smile?" Takang tanong ko.

Nawala na rin ang inis na nararamdaman ko dahil sa kakulitan nya. Ang weird nya talaga. Minsan yung pagkaweird nya nakakawala ng inis eh. At ang weird din ng nararamdaman ko dahil mabilis yun nagbabago-bago dahil lang sa kanya.

"I just want to make sure na hindi ka talaga galit sakin."

Tumikhim ako para pigilan ang tawa na gustong kumawala sa bibig ko. "Hindi ako galit, okay."

Nginitian nya ako pero alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ko. Malalim syang bumuntong hininga na parang nahihirapang ilabas ang kung anong nagpapabigat sa kanyang dibdib saka ako tinignan ng matiim sa mga mata.

"Bhria.."

Hindi ako nagsalita ng sambitin nya ang pangalan ko dahil alam kong may kasunod pa iyon.

"Kahit hindi mo sabihin sakin, ramdam ko parin naman na nahihirapan ka pa sa sitwasyon natin but I'm willing to wait hanggang sa masanay ka. All I'm asking to you is to let me do the things that I didn't did to you before. Let me take care of you. Let me love you.." She caress my cheek then kiss me on my forehead. "Please let's start all over again. Just give me a chance and I promise you that I won't mess up this time."

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang umurong ata ang dila ko at hindi ako nakasagot agad. Para akong tanga na nakatingin lang sa asul nyang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang kahapon lang ay pinagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kanya tapos ngayon sasabihin nya sakin na magsimula kami ulit? At hayaan ko syang mahalin ako? How ironic.

Chased Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon