Chapter 6: Bethina

Start from the beginning
                                    

Lord, parang may envy na namumuo sa puso ko. Tanggalin niyo po 'to.

Dumating ang Recess wala ako sa sarili ko. Naco-confuse ako, siguro dahil di ako nakapag simba kaya ngayon may pagsubok na binigay si Lord sa akin. Ang hirap nito, hindi ko masagot. Pumunta na ako sa Club namin, pero pagpunta ko doon wala sila.

Kaya ang ginawa ko na lang bumili ako sa Canteen at kakainin ko na lang yung food doon sa Botanical Garden. Maganda doon nakaka refresh ang simoy ng hangin.

Pagpunta ko doon, bubuksan ko palang itong tinapay.

"Hey!" nagulat ako doon dahil biglang lumundag sa tabi ko si Travis. Mukhang ang saya-saya niya.

"Kamusta?"

"Heto excited! Kasi mamaya magpe-perform kami dyan sa stage." tinuro niya yung stage na malayo naman pero tanaw mo pa din. "-Kasi napagtripan ng Music Club President na mag pasikat sa lahat ng student dito sa school. Hehe." 

Naalala ko na naman yung Music Club.

"-bakit malungkot ka?"

"Hindi ha..." lumingon ako sa kanya at ngumiti ako.

"Peke..."nawala ang ngiti ko at tinignan ko siya. "-wag kang ngumiti ang panget, hindi naman totoo." 

 "All things bright and beautiful, all things creatures great and small -- " 

"Wag mo nga akong igaya kay Zac. Sinabi mo na din sa kanya yan eh." 

"Ha?"

"Kinukwento ka niya sa amin araw-araw kung gaano siya kaasar at kainis sayo. Ewan ko ba doon, wala nang nasabing mabuti iyon puro masasama na. Kaya Serah ako na ang humihingi ng sorry dun sa mokong na iyon ha?" 

Kwento? Araw-araw? Heto na naman ako napapaisip! I'm so confused! 

"Ah, Travis may tanong ako sa'yo pero wag mong mamasamain ha?"

"Sige ano?"

"Bakit magkasama si B-Bethina at Z-Zac pagpasok? S-Sila ba?" 

"Yung mokong na iyon talaga oh! Hay naku Serah, ganyan si Zac kapag malungkot kung sino sinong babae ang tinitira! May ikwekwento ako sa'yo ha? Pero wag mong pagsasabi. Tayo tayo lang ang nakakaalam nito."

Kinakabahan ako kay Travis, sa ikwekwento niya. 

"Kasi kami nung Friday napag tripan namin mag inom doon sa may Beer House. Ui, wag kang maingay ha? Bawal pa kaming pumasok doon pero may fake I.D kami kaya nakakapasok kami. Ayun, porket umuulan nung gabing iyon, parang may something kay Zac nun. Alam mo bang umorder ng 3 Tequila iyon? At siya lang ang uminom. Di naman yun nag heavy drinker. Nung Friday lang talaga."

Nakikinig lang ako kay Travis, iyon yung araw na nagkita kami. At pagkatapos kong makita yung kwintas tumakbo na ako. 

"-nakakatawa nga, nakikisabay sa lamig ng hangin yang si Zachary na iyan. Akalain mong may something sa kanila ni Bethina? Ui Serah salamat sa info. Humanda sa amin yan mamaya!"  tinignan niya yung relo niya

"Oh paano ba yan, alis na ako. Para mamaya sa performance. Nood ka mamaya ha? Para mainlove ka sa akin. Bye!" 

 Hindi ko na tuloy naubos itong tinapay. 

***

Bumalik ako sa room ng Club namin, mabuti at nandoon na sila. Nakakatuwa at ang dami naming nareceive na mails. Kumuha kami ng tig iisang Mails para bigyan ng advices. Ito ang nakuha ko.

Dear kung sino ka man,

Bigyan mo nga ako ng advice, nalilito kasi ako sa sarili ko. Sa tuwing kaharap ko siya, panget na ugali ang napapakita ko. Paano ko ba aayusin ang sarili ko?

Walang nakalagay kung saan siya galing pero mag rereply pa din ako. Kumuha ako ng isang papel. 

Dear Anonymous, 

Unang-una, ipractice mo muna ang mga good atitude. Kung sa iba ayos ka naman, isipin mo at isa puso mo na katulad siya ng iba- Yung pakikitungo mo.Sa tuwing magkakaharap kayo or magkakausap, calm mo ang sarili mo. Itatak mo sa sarili mo na magiging mabuti na ang trato mo sa kanya. 

I hope it works. 

Ewan ko ba, pakiramdam ko ang pangit ng advice ko, katulad ng ginagawa namin. Hindi kami naglalagay kung kanino galing. Ilalagay lang namin yung reply namin doon din sa Mail at ilalagay ito doon sa Reply Box. Meron kaming ganoon para doon makukuha noong students yung mga Mails na sinend nila.

Nalulungkot nga ako kasi hindi ako makapag advice ng may halong Verses galing sa Bible. Baka kasi mahalataan nila. 

Tumunog ang malakas na pag beat sa drums.

"OMG. Magpe-perform na sila!" sigaw ni Carla, siguro mamaya kung baba kami sa hagdan, sila muna ang papaunahin ko, dahil baka mahulog na naman ako. 

"Tara na! Mamaya na 'tong mga advice!" sabi ni Ms.President aka Hannah.

 Sinarado na namin ang room.

"Kayo na ang unang bumaba. Hehe." sabi ko sa kanila

"Hala, Oo nga pala, nahulog si Ate Serah dahil sa pagh-hysterical natin sa Switch."  -Carla

"Oo nga, Ate Serah sorry talaga."  -Paula

"Dapat tigilan na natin ang pagiging crazy sa Switch" -Hannah

"Neknek mo, ayoko!" -Abby

"Oo nga, No.1 fan nila ako eh. Gusto mo ikaw na lang." -Irish

"Guys, baba na tayo" yan na lang nasabi ko, baka mag away pa sila eh. Ang lakas ng impact ng Switch sa mga girls.

Pagkababa namin doon ang dami ng tao. Yung iba nakaupo at yung iba nakatayo.Parang concert ground naman ito.

Tumingin ako sa stage... Ready na sila... Pero..

"Hello mic test. HAHAHHA. HAHAHHAHAHA." ang sakit ata ng tenga ko, ang lakas tumawa ni Travis.  Bakit siya lang ang naka microphone? Bakit yung iba wala?

"HAHAH. Sorry. Pang-asar kasi si Zac eh. Ako po pala ang kakanta ngayon." 

Bigla namang nag beat si Travis at tumunog na din ang guitar at bass. 

"Travis! Waaah! Pogi!! "sigaw ng katabi ko

"Travis! Travis! Travis!"

Pero biglang huminto ang lahat, pati ang sigawan. Huminto kasi sa pagbe-beat si Travis pati yung mga gitarista.

"Dapat si Zac ang kakanta nitong 'Akin ka na lang' para sa babaeng type niya. Kasi umalis na siya eh, nakikipag date kasi kay BETHINA!" magpo-protest pa sana yung mga students pero tumunog na yung lead guitar. 

- - -

Bawal sa amin ang mga secular song, kaya di ko masyadong pinapansin yung kanta. Magkasama si Zac at Bethina? Pero sabi ni Travis, kapag malungkot, nantitrip ng mga babae. 

Naguguluhan na talaga ako. 

Cherish YouWhere stories live. Discover now