Chapter 26: Avoiding

5K 149 17
                                    

Another update this month. I badly need your votes and supports guys! Thank you.

KYLER'S POV:

Ilang araw na akong iniiwasan ni Sky. Ilang araw narin ang nagdaan simula nang umamin ako sa kanya at sinabi niyang hindi kami pwede. Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi at ginawa niya.

Who wouldn't? Mahal mo tapos ni reject ka, di ka kaya masaktan? Oo, mahal ko na siya. Di ko alam kung pano pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon and at the same time, hurt. But on the other hand, hindi ako susuko.

Pilit ko rin siyang nilalapitan para kausapin pero pilit niya rin akong iniiwasan. Dahil ba sa lalaki ako? At lesbian naman siya?

Kaya ko naman siyang tanggapin eh. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako. I know, I may sound desperate pero hindi niyo ako masisisi. Nagmahal lang rin ako.

"Babe, kanina pa ako nagsasalita dito. Di mo naman ako pinapansin." May himig nang pagtatampo ang boses ni Rain pagkasabi niya nun sakin.

Hindi ko siya pinansin. Nag-aalangan pa rin kasi ako sa kanya dahil kung siya nga si Rain, bakit ganun siya kumilos? Alam niyo yung malandi? Sorry to say this but I hate flirts and bitches.

"Babe naman eh!" Saad niya ulit sakin. Ano ba ang problema nang malanding to?

"Ano ba ang problema mo?" I coldly ask. Naramdaman ko pang nanigas siya dahil sa boses ko. Tsk, I don't care. All I want is Sky, and Sky alone.

Kumapit siya sa braso ko pero iwinaksi ko iyon at lumabas na nang cafeteria. Yup, nasa cafeteria kami ngayon pero heto ako at lutang. Hindi ko nga alam na nandun na kami kong hindi pa nagsalita ang babaeng yun.

Nagpunta nalang ako sa likod nang school. Nandito kasi ang ipinagawa naming tambayan. Minsan nalang kami pumupunta dito. Pag may vacant time lang kami.

Pagpasok ko ay kaagad na naupo ako sa sofa. Bahagya kong ipinikit ang mata ko pero mukha parin ni Sky ang nakikita ko. Damn! Ganun na ba kalala ang nararamdaman ko sa kanya?

Napahilamos nalang ako sa mukha at tumayo saka pumunta sa mini bar dito. Kompleto itong tambayan namin, wala ka nang hahanapin pa.

Kumuha ako nang beer saka bumalik sa sala. Ini-on ko ang tv saka nanood nalang nang basketball.

"Andito ka lang pala." Sabi nang isang tinig sa likod ko. Hindi ko na ito nilingon dahil alam ko naman kung sino yun.

"May problema ba bro?" Tanong nito saka naglakad papuntang kusina. Pagbalik nito ay may dala na rin siyang beer. Naupo ito sa tabi ko saka itinungga rin ang hawak nito.

"Justine, naranasan mo na bang mainlove?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa TV.

Narinig ko ang tawa nito dahil sa tanong ko pero kalaunan ay nagsalita rin. "Hindi pa dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng nakita ko noong bata pa ako sa isang birthday party." Sagot nito sakin.

Maya-maya ay tumayo ito saka tinapik ako sa balikat. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakangisi ito sakin.

"Alam kung mahal mo na siya bro. Wag kang sumuko kung ni-reject ka niya dahil baka may dahilan lang ito." Pano niya nalaman?

"Narinig ko kasi kayo nung nagtapat ka. Aksidente lang naman." Sabi nito sakin. Mind reader na ba siya ngayon?

"Hindi ako mind reader bro. Halata lang kasi sa reaksyon mo." Natatawa nitong saad saka umalis na.

Napailing nalang ako sa kanya.

SKY'S POV:

Andito ako ngayon sa rooftop nang school. Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng parang mga maliliit na langgam habang may iba't-ibang ginagawa.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon