Chapter 26 - Punishment

14.3K 487 39
                                    

Crystal POV

KINABUKASAN

Papasok ako sa school dahil mukhang sinat nalang ang meron sa akin at sa pagpasok ko ay saktong dumating na ang teacher namin ng History. Bakit ba kasi everyday iba iba ang subject namin sa bawat oras, Minsan nakakalito na!

Nagsalita lang siya nang nagsalita at wala akong ganang makinig.

"Okay we will discuss about the Dark World just open your book in Page 36"

Sabi niya kaya naman dali dali ko itong binuksan dahil curios ako

"Sa mundo ng Dark World ang nakatira ay ang mga masasamang Immortal. Ang tawag sa kanila ay Dark Ericlius, kaya naman iyon ang tawag sa kanila dahil ang pangalan ng pinakamalakas sa kanila ay ang hari ng Ericlius Kingdom na si King Eric. Siya ay sakim sa kapangyarihan, lahat ng hari sa bawat kingdom ng Dark world ay kanyang pinatay. Hindi naman talaga kaaway ang mga taga dark world dahil sila ay mabubuting immortal noon, ngunit dahil Kay King Eric ay naging masama ang mundong iyon. Siya'y naging mas malakas dahil sa nakuha niyang kapangyarihan at ginamit niya iyon para maging mundo ng masasama ang Dark World Siya ang nag cocontrol sa Dark World."

Pagbabasa ng teacher namin napatango naman ako

"Sir ilan po ang kingdom doon??" Tanong ni Harry

"Merong 5 kingdoms ang Dark World. Ito ay ang Ericlius Kingdom, Phantom Kingdom, Bowilldon Kingdom, Hypnotic Kingdom at Singley Kingdom"

"Sa Phantom Kingdom ay puro may lason ang kanilang powers, magic at mga kagamitang panlaban. Malalakas ang lason ng mga taga Phantom Kingdom. Ang Bowilldon Kingdom naman ay tirahan ng mga magagaling sa pana at sibat. Ang mga  pana at  sibat nila ay may itim na engkantasyon, ito ang espesyal sa kanila. Sa Hypnotic Kingdom naman ay mga magagaling mang Hypnotize, kaya nilang gawin ang gusto nila sa isang tao pag ito'y napasailalim ng kanilang kapangyarihan. Sa Singley Kingdom naman ay nandun ang mga nakakapatay sa pamamagitan lang ng boses. Ang panghuli naman ay ang Ericlius Kingdom. nandun ang mga Dark Ninjas, Assassin at iba pa. Iba iba ang mga abilidad at kapangyarihan ng mga nasa Ericlius Kingdom kaya iyon ang pinakamalakas na kaharian sa Dark World"

Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang