Chapter 18- Crystal's Power

17K 551 3
                                    

Author's POV

Sa kasalukuyan ay masayang kumakain ang magkakaibigan nang makarinig sila ng kakaibang tunog na nagmumula sa bell.

Iba ang tunog na nang gagaling sa bell at ito ay hudyat ng isang masamang nangyayari sa Academy kaya naman pinuntahan ng nga Royal Students kasama na si Crystal kung saan nagmumula ang nagsisigawang mga students.

Nakita nila ang dambuhalang golem at dragon na namiminsala sa labas ng Academy at sinisira nito ang lahat ng makita. Mukhang target ng dragon at ng golem na makapasok sa Academy kaya nag pa-panic na ang mga students.

"Makakapaminsala sila pag napunta sila sa loob ng academy!"

Sabi ni James.

"Kailangan nating mailayo ang dragon at ang golem para hindi sila matuloy sa Academy"

Pag uutos ni Ice at nagsimula na silang kumilos.

Naglabas sila ng kanya kanyang armas at nilabanan nila ang golem at ang dragon. Hindi namalayan nina Lenna at Lynna na hahampasin na sila ng golem dahil ang atensyon nila ay nasa dragon,tumalsik naman sila dahil sa hampas.

"Kaya pa ba??"

Tanong ni Monique at nag nod naman sina lenna at Lynna.

Si Crystal ay hindi na nila pinayagang lumaban dahil delikado daw ito para sa kanya sabi ng mga kaibigan. Ang mga Royal Students ang seryosong lumalaban sa dalawang dambuhala.

Hindi na makapag pigil si Crystal at gusto nang tulungan ang mga kaibigan niya ngunit hindi siya pinapayagan ng mga ito.

Natalo na ng iba ang golem at nakita ni Crystal na nanghihina na si James at Darren,sugatan naman ang ibang mga Royal Students at hindi na niya matiis na makitang ganun ang nangyayari sa mga kaibigan niya.

"Hayaan nyong ako ang lumaban sa Dragon,kanina pa ako walang naitutulong sa inyo"

Sabi ni Crystal.

"Hindi pwede masasaktan ka ng dragon at mag isa ka lang,hindi mo kakayanin"

Sabi ni Thunder at sumagot naman si Crystal.

"Wala ba kayong tiwala sa akin? Hindi ko na kayang makita na nasasaktan kayo at wala akong naitutulong"




Crystal's POV

Lahat sila ay tiningnan ako ng may halong pag aalala.

"I'll go with you"

Sabi ni Ice sa akin ngunit umiling ako.

"Kaya ko na 'to!" 

Determinadong sabi ko kahit na hindi ko alam kung paano ko ito lalabanan.

Bumwelo ako at tumakbo papalapit sa dragon. Fire dragon ang kalaban namin kaya ang Water Power ang gagamitin ko.

Ang alam ng mga kaibigan ko ay fire ang power ko kaya nagulat sila nang makitang may kapangyarihan ako ng tubig. 

Hindi ko na pinansin pa ang reaksyon nila at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu